October 30, 2009

Undas



Kelan pa natuto mag-fiesta ang mga patay (pista ng patay)...

Sino ang nagturo sa mga patay para mag fiesta...

Bakit pag pista ng patay andaming buhay sa sementeryo..

Ito ba'y isa sa mga sanhi ng climate change at Crime-rate change...

Ano ba !?

October 8, 2009

Itim Na Kaldero



Ang flip-flops ko'y makapal na Rambo
Ito ang nakayanan ng budget ko
Naipon mula sa pinagbentahan ng munggo
Siyang ulam din namin ng isang Linggo

Ang bulsa ko ngayon ay humihingal
Sa tinapa na dati kong almusal
Maging pritong tuyo ngayon ay matumal
Dahil sa halaga ng perang sa mga buwitre ay banal

Talbos ng kamote ay masustansiya
Kahit pa uma-umaga
Kasabay ng Sinangag na dating tutong
Pamatid gutom sa maghapon

Limam-piso bawat galon kung umigib
Panulak ko'y pinakuluang tubig
Ang tingang kumapit sa gilagid
Tinangay ng panulak kong masigasig

Ang lechong pangarap ng dila
Inagaw ng makapangyarihang buwaya
Kinulimbat ang imbakan ng masa
Kayat pagkain nya'y abot ngala-ngala

Kelan kaya ako makakatikim
Ng pang-maharlikang pagkain
Kung ang puso ng mga kumukup-kop sa amin
ay Parang sa kalderong ubod ng itim...


Itim Na Kaldero
by goryo dimagiba : copy right © 2009


September 13, 2009

Nongta...


Napapansin ko na parang lumolobo ang bilang ng mga homosexual sa ating bansa at tila baga pati sa buong mundo. Maaring advantage ito sa mga pure breed na katulad ko dahil nababawasan ang threat na may kaagaw sa mga chika-babes na matitipihuan namin.

May isang tanong na nabuo sa loob ng isang mapanuring kaisipan na siya namang nais kong ibahagi sa inyo.

Ang bakla ba kapag nagka-amnesia bakla pa rin?

Naitanong ko rin ito sa ka-opisina kong gay, pero pati siya hindi niya alam.. In fact naiintriga rin daw siya..

Kung magkaganun, maari kayang sa isipan lang ang pagiging bading?

Maaring dalawin ang link sa ibaba upang maunawan ang Biblikal na pananaw patungkol sa gawaing-homosexual

Link --> : Sodom and Gomorrah

September 5, 2009

Rolyo ng Tisyu


Noong bata ako pakiwari ko'y angbagal-bagal niya. Madalas ko siyang inaabangan at parang angtagal bago siya makarating. Tuwing sa pagsapit ng ang aking kaarawan, pagsapit ng pasko, kapag mag-school break o bakasyon, at pagsapit ng pasukan siya lamang ang lagi kong inaabangan.

Ngunit ngayong ako'y ganap na mama (ginoo) na, pakiwari ko'y bumibilis na siya. Madalas halos bawat araw ay pinipilit ko siyang masabayan. Ngunit kahit anong bilis kong kumilos, mahirap siyang habulin at tunay ngang ramdam ko ang kanyang biglang pagtulin. Matagal pa naman bago ako maging Senior Citizen, Pero pag inabot ko ang edad na yun, ano na kaya ang eksena namin? Hihintayin ko kaya siya ulit o patuloy ko siyang pilit na hahabulin.

Ang oras... mahirap hintayin at mahirap habulin. Maaaring maalala pero hindi na maaaring balikan. Puwedeng sabayan pero hindi pwedeng maunahan.

Subalit habang sinusulat ko ang post na ito, bahagyang napatingin ako sa relong nakasabit sa ding-ding. Pinagmasdan at inobserbahan ko ito ng mga limang segundo. Napagtanto ko na hindi nagbabago ang bilis ng pagkilos at pagtakbo ng kanyang mga kamay, kung gaano siya kabilis noon ganun pa rin pala ang bilis niya hanggang ngayon. Sa sandaling iyon, naunawaan kong hindi siya ang bumibilis o bumabagal. Ang takbo ng buhay, ito pala ang nagbabago. Para itong isang sasakyan, sa umpisa primera, segunda lamang ang takbo sa kalagitnaan maaring siyento bente ang harurot nito, pagdaka'y dadating ang panahon na kaylangan nitong huminto.

May narinig akong kasabihan sa wikang ingles:

Life is like a roll of a toilet paper, the closer it gets to the end, the faster it goes...


August 22, 2009

Reyalidad

      Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin, napansin kong tumatagaktak ang aking pagmumukha sa kaguwapuhan at labis-labis na nang-gigitata ang aking pangangatawan sa kamachohan. Napansin kong nag-uumapaw sa kakisigan at kagandahang lalaki ang repleksyong aking pinagmamasdan sa harap ng salamin. Habang ninanam-nam ko ang pagtitig sa aking sarili sa salamin sa mga sandaling iyon, biglang may ingay na naulinigan ang aking tainga. Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog, at nung mga oras na iyon napagtanto kong ako'y nananaginip lang.

Sayang...

Pero mainam na rin at ako'y nagising. Kung hindi, malamang tuluyan nang naitago sa akin ang tunay na kahulugan ng kagandahan (kaguwapuhan).


akala ko ako ito, yun pala ako nga

(ibang level ng kahibangan na toh.. ahihi)


Pagbigyan nyo na po ang Lolo Goryo, ganyan talaga pag nag-uulyanin at nagkakaedad na.

August 15, 2009

Biyahold-up


Biyahilo ang tawag natin kapag nakakaranas ng pagkahilo kapag buma-byahe, siguro maari nating tawaging biyahold-up kapag nakakaranas ng hold-up kapag buma-byahe.

Hindi natin alam kung kelan aatake ang hold-up, pero maigi ang laging nag-iingat at laging mapagmasid. Lalo kapag gabi ang byahe at ika'y aantok-antok, kaylangan meron kang on the spot na pangontra sa biyahold-up na yan.

Meron akong isang Tip kung paano maaring kontrahin ang biyahold-up. Dila o tounge lang ang gagamitin. Hindi ito Ninja technique na kagaya ng mga techniques na ginagamit ni Naruto. Ito'y normal na proseso at kayang-kayang gawin ng normal na tao.

The story of that technique goes a little bit something like this:

Sa mga pelikula na ating napapanuod, eto ang mga madalas sinasambit ng mga hold-upper..

Walang kikilos ng masama hold-up toh!!!

Eto naman ang maaring pangontra sa mga ganitong klase ng holdapan gamit ang inyong dila. Sabihin niyo lang ang ganito.. (pasigaw)

Hoy!!! mamang hold-upper!!! Ang lakas ng loob mong magsabi ng wag kikilos ng masama...
Anong ka-dramahan yan!!? Ano kaya ang tawag sa kinikilos mo noh? haller!!!


Yan.. mga ganyang banat, tingnan lang natin kung hindi matauhan ang hold-upper na yan di ba?

August 13, 2009

postless


Kung walang PUNTO, pointless
Kung walang GAMIT, useless
Kung walang KULAY, colorless
Kung walang BUHAY, lifeless
Kung walang LASA, tasteless
Kung walang TAHANAN, homeless
Kung walang TULOG, sleepless
Kung walang TRABAHO, jobless
Kung walang TAKOT, fearless
Kung walang PAG-ASA, hopeless
Kung walang TULONG, helpless
Kung walang AMOY, odorless
Kung walang MASABI, speechless
Kung walang LIKOD, backless
Kung walang DAMIT, borless
Kung walang BAGA, TB
Kung walang SIGNAL, can not be reached
Kung walang ma-i-POST, postlesss

wala lang...

Para mas maging makabuluhan ang post na ito, gusto kong pasalamatan si ♥superjaid♥ dahil sa isang napaka-flattering na award na kanyang inihandog.. Creative Blogger Award na nilagay ko sa aking award-shelf dito --> Parangal-awards

Nais ko rin ipasa at ibahagi ang award na ito sa inyong lahat na tumatangkilik at lumilikha ng Pinoy blogs.

Tenchu berimats.... =)

August 9, 2009

Tag At Limousine

Ako po ay nakatanggap ng tag mula sa isa sa ating mga kaututang blog. Kung ano po ang TAG.. di ko po alam ang buong kahulugan ng salitang yan pagdating sa mundo ng Mundo-Malawak-Sapot o World-Wide-Web. Ang alam ko lang pagdating sa blogging ay; Kung ano ang pi-nost ng nag-tag sa akin, ganun din ang ipo-post ko. Pero bago ko ihayag ang tag na iyon hayaan niyo munang ilahad ko ang ilang reyalidad patungkol sa Limousine ng bayan, ang MRT.

Ilang taon ko na ring sinasakyan ang MRT; sa MRT ang byahe ay walang traffic at mabilis. Subalit may ilang mga hassles tayong mararanasan sa pagsakay sa Limousine ng bayan na ito, lalo kapag sasakay tayo during Rush Hours.

1. Stop Entry
Madalas itong mangyari lalo sa may North Station. Minsan pag nag stop entry ang Pila paakyat sa MRT ay umaabot na sa NLEX (North Luzon Expressway) - exsage!!

2. Samson Passengers
Mga pasaherong mala samson ang enerhiya kapag nagtulak. Yung tipong sa sobrang lakas ng tulak eh kulang nalang lulusot kana sa kabilang pinto ng tren. Minsan naman tatayo ka lang sa harap ng pinto, pagbukas na pagbukas ng pinto ng tren di mo namamalayan nasa gitna kana ng tren dahil sa tulak ng mga Samson Passengers.

3. One Square inch
Pag nasa loob ka na ng tren tila baga One Square inch nalang ang area na tinatayuan mo dahil sa sobrang sikip. Ni hindi mo na masungkit ang kulangot na nakasabit sa ilong mo. Yung tipong pag nangulangot ka eh aawayin ka ng katabi mo dahil dudugo ang ilong nya dahil matatabig mo siya. (cool)

Minsan naisip ko tuloy -- Bakit di kaya i-sub-contract ng MRT ang Camella para malutas ang problema sa kasikipan ng kanilang mga train?


video
Bulilit (by Camella)


Anyway eto na po yung paksa mula sa tag na natanggap ko galing kay Karen. Ito ay patungkol sa kalalagayan ko sa ilang aspeto ng Buhay.

PAMILYA/FAMILY
Cool.. Thank God, HE makes everything OK within the family..

PAG-IBIG/LOVE
Cool.. Thank God, HE makes everything OK with regards to Loving my family, Loving my neighbors and Loving my love-ones.. Thank God HE loves us unconditionally and immeasurably...

PINANSYAL/FINANCIAL
Cool.. Thank God, HE is our Great provider... God's economy is different from the worlds economy.. =)

PAGKILOS/MOVING/ACTION/ACTIVITIES
Cool.. Thank God, HE is in control over all of my life's activities.. Without Him I can do nothing..

Anything can be cool if God is in the center of our Lives..

JEREMIAH 29:11 - 13
11 For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. 12 In those days when you pray, I will listen. 13 If you look for me wholeheartedly, you will find me.


August 2, 2009

She's Out Of My Life (replay)

FYI: Ang entry na ito ay urihinal na naipaskil noong buwan ng Marso dos-mil-nuwebe

Ika-walo ng umaga, Martes, Ika-labimpito ng Marso Dalawanlibo at Siyam.
Panahon ng summer subalit maulan, marahil bunsod ito ng global warming at climate change.


Maaga pa lamang ay kasama ko na siya. Sa loob ng FX ay nahihirapan akong huminga. Hindi ko mailabas kung ano man ang nasa aking kalooban. Nakakahiya sa kapwa ko pasahero. Sapagkat kulob ang FX, kahit mahinang bulong ay maaring marinig. Pinilit kong itinago ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang ilan sa mga pasahero ay mahimbing na natutulog dahil siguro sa puyat at pagod at dahil kailangan din nilang gumising ng maaga upang makapasok sa trabaho. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pagka-antala ng kanilang panandaliang pamamahinga at pag-idlip sa loob ng sasakyan.

Tiniis ko ang pagsisikip ng aking dib-dib, mahirap huminga sa ganitong kalagayan. Tahimik lamang ako at hindi nagsasalita mula Zabarte hangang Quezon Avenue. Lumipas ang ilang oras at pagdaka'y narating din ng sasakyan ang MRT-Quezon Avenue. Dali-dali akong bumaba sa FX, maraming tao sa kalsada, naglalakad, patungo sa kung saan. Hindi pa rin tumitila ang ulan at hindi pa rin ako naiibsan sa aking nararamdaman.

Nagtungo ako sa isang lugar na kung saan hindi ako gaano mapapansin. Dagli-dagli kong inilabas ang tissue mula sa aking bag at akoy suminga. Haaaaay ang sarap at lumuwag rin ang aking pakiramdam. Biglang umaliwalas ang aking mundo, kanina pa nakabara ang sipon na iyon sa ilong ko.

Pag-lipas ng ilang segundo ay aking naulinigan ang awitin ni Michael Jackson na pinamagatang She's Out Of My Life.

She's out of my life
She's out of my life
And I don't know whether to laugh or cry
I don't know weather to live or die
And it cuts like a Knife, She's out of my life

She's out of my hands
It's out of my hands
To think for two years she was here
And I took her for granted I was so Cavalier
Now that the way That it stands, She's out of my hands

So i've learned that love's not possession
And i've learned that love won't wait
And I've learned that love needs to wait
Now But i've learned that love need to be expressed
But i've learned too late

She's out of my life
She's out of my life
Damned Indecision and cursed pride
Kept my love for her looked up deep inside

and it cuts like a knife
She's out of my life...


Nung mga oras na iyon, naalala ko ang aking sipon, She's out of my life...

Natutunan ko na ang sipon pala ay parang isang kaibigan. Ano mang lagkit at hirap ang inyong pinagdaanan, dadating at dadating ang panahon na kayo'y magwawalay at ika'y kanyang iiwan. Ganun pa man, meron at meron ding darating na mga bagong kaibigan. Tulad din ng sipon, kakasinga mo pa lamang, maya-maya'y meron ka na namang mararamdaman.

July 27, 2009

Quiz-tune : Part 2

Sa buong mundo, may tanong na bang hindi pa naitatanong?

Kung meron nga, ano ang tanong na ito, at ano rin ang sagot sa tanong na ito? (malamang hindi pa ito nasasagot, kasi nga naman hindi pa nga naitatanong)

Kung nagtataka kayo kung bakit Quiz-tune : Pat 2 ang pamagat ng post na ito, i-click ang link sa baba at makikita ang Part 1.

Pasensiya na kung may Part 2 at Part 1 pang nalalaman si Lolo Goryo. Ganyan ata talaga pag nagkakaedad na.




Quiz-tune : Part 1



July 22, 2009

Awit Sa Tag-Ulan


Sa mga nagdaang araw, napansin kong marami sa mga kababayan nating blogista ang nagpaskil ng kani-kanilang blog entry patungkol sa ulan. Marahil dahil sa ang panahon ay maulan na. Subalit ang nakita ko; halos karamihan sa mga naipaskil na blog entry ay puno ng emosyon at kalungkutan.

Ito ay isang patotoo na kapag tag-ulan o maulan, nagiging ma-emosyon (emo) at sentimental ang mga tao lalu na tayong mga Pilipino. Ito rin (emo sa tag-ulan) ay naranasan ko nung mga nagdaang araw. Isang araw habang bumubuhos ang napakalakas na ulan, dumungaw ako sa binta at nakita ko ang malalakas na patak at pag-daloy ng tubig sa kapaligiran. Nang mga panahong iyon, naalala ko ang aking lolo at ang awiting itinuro niya sa akin nung ako ay bata pa at siya ay nabubuhay pa.

Ramdam ng aking dib-dib ang bigat ng mga patak at bilis ng pagdaloy ng tubig sa paligid kasabay nang awiting tumutog-tog sa aking isipan. Awiting puno ng damdamin... Awiting maimpluwwensya at makabuluhan... Awiting humuhubog ng puso at isipan.. Awiting gumigising sa kamalayan... Awiting mahirap makalimutan...

Awiting....

Rain, rain Go Away!!!
Come again, another day!!!
Little Goryo wants to Play!!!
(ulit-ulitin hanggang magsawa)

Ikaw, ano ang awit mo sa Tag-Ulan? =)

July 18, 2009

Ang Lagnat (a tribute to AH1N1)

By: Goryo Dimagiba

Ang lagnat ay lagnat at hindi sipon
Mapula ang mata may bara ang ilong
Plemang malagkit at sobrang kapal
Suminga, umubo, di pa rin tanggal

Walang ganang kumain, mejo inaantok
Ulo'y nabibiyak, nangangalay ang batok
Masakit ang buto at kasu-kasu-an
Nangi-nginig ang masel pati kalamnan

Maga ang tonsils pati ngala-ngala
Masikip ang dib-dib, hindi makahinga
Yellowish at brownish ang plemang malagkit
Slimy ang dura, sa ding-ding kumapit

Antaas ng araw pero naka-jacket
May laway ang unan, may sipon ang blanket
42 degree-celsius, nag-hallucination
Umakyat sa bundok, sa balon tumalon

Nabo-bore sa kwarto walang ibang magawa
Uupo, hihiga, tatayo, dadapa
Nanuod ng TV, ang sabi ay ganto'
Babangon ka sa flu kapag bio-flu.

July 1, 2009

Huwag Papa-apek-2

Nabasa ko ang artikulong ito sa isang email na natanggap ko mula sa isang grupo na sinalihan ko sa YAHOO groups. Minarapat kong i-copy and paste ang nilalaman neto dahil sa aking pananaw malaking bagay ito para i-inspire ang sino-man na makabasa dito.

Sana maipasa ito sa maraming tao lalu na sa mga kababayan nating nangangarap baguhin ang kanilang mumunting mundo.


Critics - By Donald Trump

I’ve had my fill of naysayers and critics. To me it’s a negative approach that doesn’t serve any purpose. Here’s a quote by Theodore Roosevelt that I keep handy because it’s so right on:

It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better.

The credit belongs to the man who is actually in the arena: whose face is marred by the dust and sweat and blood; who strives valiantly; who errs and comes short again and again...

who knows the great enthusiasms, the great devotions and spends himself in a worthy cause; who, at the best, knows in the end the triumph of high achievement, and who, at the worst if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who know neither victory or defeat.


Ang husay diba? Kelangan maraming fifol ang makavasa neto nang ma-inspire naman zila. Pwede mo din i-copy paste ito tapos i-post mo sa kung saan-saan.

Sa kalye, sa mga CR, sa mga entrance ng mga buildings pati na rin sa mga exits, sa tren, sa bus, sa taxi at tri-sikel, sa t-shirt, sa bahay, sa opis, sa blog, sa website, sa application letter, sa resignation letter, sa letter of condolences, sa plato, sa batya, sa inododro, sa diploma, sa bote ng beer, sa eteketa ng pulutan, sa pera, sa government opis, sa upuan, sa mesa, sa kama, sa arinola ni lola, sa sampayan ng kapit-bahay, sa likod ng selda, sa screen ng TV, sa tambayan ng mga adik, sa prisinto, sa nuo ng tao, sa pwet ng elepante, sa kile-kili ng genie, sa imburnal, sa istero, sa Payatas, at higit sa lahat i-post mo ito sa puso't isipan mo. Malamang sa malamang makakamit mo ang pangarap mo. Huwag kang papa-apekto sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao tungkol sayo', humayo ka at abutin mo ang mga pangarap mo...

June 29, 2009

Tu-OL Pinoy-Pinay Prendli-Bloggers


Sa loob ng ilang buwang pagba-blog ni Lolo Goryo, nadiskubre niyang maraming Pinoy at Pinay bloggers na napakagigiliw, napakahuhusay at napaka-prendli. Karamihan sa kanila ay naidag-dag na sa blog-roll ni Lolo Goryo.

Ang ilan po sa kanila ay nagbigay ng prendli-tokens at awards. Minarapat kong ilagay sa post na ito ang mga tokens na yan bilang simbulo ng pag-bibigay halaga sa mga prendli Pinoy at Pinay bloggers.

I-click ang mga piktyur upang makita ang pinagmulan (mga salarin).

Galing kay chielschikka


Galing kay ♥superjaid♥


Galing kay Rosie


Galing kay Gi-Ann


Galing kay Yen


Sa inyong mga ka-ututang blog ni Goryo, daming tenchu sa inyo!! Mabuhay Kayo!! (pati na rin ako - ahihihi)


June 21, 2009

Paunawa, Huwag babasahin...


Maaring basahin ang lahat ng katha sa blog na ito liban dito.

Sa pag-kakataong ito maari ka nang lumipat sa ibang entry. SALAMAT.

Sa aking palagay, naunawaan mo ang pamagat ng blog entry na ito, maging ang paunang pangungusap. Sinasabing huwag babasahin, ganun pa man pinilit mo pa ring basahin at usisain ang bawat letra at salita na nakasulat. Paano kung makakasakit ng damdamin o makakasira ng pananaw ang sinasabi sa mga mababasa mo? Paano kung nakakamatay ang pagbasa sa kathang ito?

Sa puntong ito malamang sa malamang may ibat-ibang dahilan (pananaw, haka-haka) na, na nabubuo sa iyong isipan kung bakit hindi ito dapat basahin. Kung wala pa, ayos lang malalaman mo rin naman dahil binabasa mo na nga.

Dahil sinubukan mong basahin ang mga talata sa kabila ng paunang mga babala, mabibigyang linaw ang isang reyalidad patungkol sa iyo (sa atin) bilang tao. Ikaw mismo ang makakapagpatunay sa reyalidad na ito dahil sa iyong ginawa. Maraming katotohanan tayong matutuklasan patungkol sa ating nabasa at mababasa ngunit dalwa lamang muna ang ating bibigyang diin sa pagkakataong ito.

Kadalasan sa ibang tao, kahit sabihan na huwag gawin ang isang bagay dahil ito ay masama o nakakasama, may pagkakataon na susubukan at susubukan pa rin nilang gawin ang bagay na ito. Isang simpleng halimbawa nito ay ang pagtikim ng alak. Madalas sabihin ng mga matatanda sa mga kabataan na huwag munang titikim ng ganitong elemento sapagkat masama ito sa katawan.

Kapag sinubukang gawin ng tao ang isang bagay na masama, hindi ibig sabihin nun ay isa na siyang pasaway. Maaaring naimpluwensiyahan lamang siya o dala lamang ng kanyang curiosity. Subalit kapag sa kabila nang pagsubok niya at napatunayan niyang masama nga ito, at nagpatuloy pa rin sa ganitong gawain, sang-ayon akong isa nga siyang certified-pasaway.

REYALIDAD / KATOTOHANAN:

1. May mga taong likas na mapang-usisa (curious)
2. May mga taong likas na pasaway


Nung tinikman ni Adan at ni Eba yung fruit of knowledge of good and evil, sila ba ay naging certified-pasaway o naimpluwensiyahan lamang nung ahas ang kanilang curiosity?

Hihintulutan din ba nating impluwensiyahan ng ahas ang ating curiosity, o matututo na tayo sa napagdaanan ni Adan at ni Eba ?

June 13, 2009

Batang Bata Ka Pa

Minsan nakakalito ang maging isang kabataan (binatilyo/dalagita). Naalala ko pa nung aking kapanahunan ang mga samo't saring mga payong binibigay ng aking mga Magulang, Tito, Tita at mga Lolo at Lola. Pero ang isa sa mga tumatak sa akin na sobrang nakalito sa aking isipan ay: Yung sasabihin nilang bata pa ako tapos biglang sasabihing matanda na ako.. Ano ba talaga Lola!!??



Bakit ganun, para silang naka-hithit ng isang kilong katol!!!
(hehehe.. dyok la-ang..)


Bata Ka pa


Scene 1
Dabarkads : Tsong pasyal tayo sa mga chika-babes bebot na classmates natin tutal Sabado naman bukas.
Goryo : (cool)
Lola/Granny : Goryo, tigilan mo muna yang crush-crush at panliligaw na yan at ang bata-bata mo pa.

Scene 2
Goryo : Hey Granny, I'm gonna make punta to my dabarkads later, It's the happy beer-day op my prendli-prends.
Lola/Granny : Porjos-porsanto, damuho kang bata ka, kabata-bata mo pa tumitikim kana ng Serbesa.


Matanda Ka na


Scene 1
Lola/Granny :Goryo, Magwalis ka sa bakuran at pagkatapos mo, diligan mo ang mga halaman. Ang tanda-tanda mo na dapat nagkukusa ka nang gawin ang mga yan.
Goryo : (Cool...)

Scene 2
Lola/Granny :Goryo, magluto ka nga ng ulam.
Goryo :Pano po ba lutuin yan?
Lola/Granny : Nakup... ang thunders (angtanda) mo na dika pa mrunong magluto!!!

Bakit ganun, pag-dating sa Panliligaw at pakikipag-barkada bata pa daw ako, kapag gawaing-bahay naman ang pag-uusapan matanda na daw ako? Angdaya naman. (Madaya nga ba?)

Hay buhay, parang bato --> it's HARD.

June 11, 2009

Theory Of Relativity

Ito ay isang napakalaking break through sa mundo ng Siyensya lalu na sa larangan ng Physics. Ngunit sa ating bansa, may kakaibang klase ng Theory Of Relativity akong napuna. Kung gagamitin natin ang noypi-jologs vocabulary, maari natin itong tawaging Theory Of Relative-Itetch.

Theory Of Relative-Itetch:

T = K K K to-the Nth Power

T --> Tagumpay
K --> Kamag-anak
K --> Kaibigan
K --> Kakilala

Sa aking pagmamasid, aking napansin na may kakaibang hatak ang Tagumpay sa buhay ng tao. Ang tagumpay ay maaring achievement, fame at Kayamanan. Habang dumadami ang Tagumpay ng isang tao, ganun din ang pagdami ng kanyang Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala. Bigla nalang mag-lalabasan ang mga K-K-K na ito at susulpot na parang mga kabute. Maari rin nating ihalintulad ang Tagumpay sa isang piraso ng cake na nasa pampublikong lugar, malingat ka lamang sandali, hindi mo namamalayan, napapaligiran na ito ng maraming langaw.

Isang malinaw na halimbawa nang kababayan natin na nakakaranas ng Theory Of Relative-Itetch ay ang ating pambansang kamao, walang iba kundi si Totoy-Bato; este si Manny "Pack-man" Pacquiao (pala). Isa siyang panadero nung hindi pa siya nagiging mas-sikat kay Sharon Cuneta at sa yumaong King of Philippine Films na si Fernando Poe Jr.

Hindi kami sanggang-dikit ni Manny; Pero alam kong dumami ang kanyang Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala ngayong nasa tugatog siya ng Tagumpay at Limpak-limpak na salapi ang laman ng kanyang bank-account, kumpara nung siya'y isang panadero palang. Sa tingin ninyo, dadami kaya ng ganyang karami ang taong nasa paligid nya kung wala siya sa kanyang kalalagayan ngayon?

Base sa ating mga na-obserbahan, maari nating i-equate ang Theory of Relative-Itetch as; The growth of a person's achievements, success and wealth is directly proportional to the growth of his Relatives and Friends.

Magandang bigyan natin ng pansin ang Theory of Relative-Itetch na ito, sapagkat maari natin itong gamitin bilang panukat kung sino talaga ang totoo at tapat nating Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala. Sila yung mga taong mananatiling andyan para sa atin ano pa man ang ating kalalagayan.

June 3, 2009

Jologs Versus Conio


Nagulat:
Conio: Ohhh my ghod!!
Jologs: Ay kabayo!!

Nasaktan:
Conio: Outched!! (past tense, with ED)
Jologs: Get-get AW!! (in short --> AW!!)

Boracay:
Conio: You know it's really nice there at Bora, de-bah?!!
Jologs: Alam nyo, kahit mag-tipid tayo to da max at mag-dil-dil tayo ng White iodized salt hindi pa rin natin kayang tapakan ang white sand ng borakay.

Almusal:
Conio: Yaya I want you to prepare me a ham sandwhich and a fresh Orange juice and fresh fruits.
Jologs: Oy, tig-dalawa lang tayo sa pandesal ha. Share-share nalang kayo sa kape. Dag-dagan nyo ng tubig para dumami.

Nandiri:
Conio: Ewwww!! Yuck!!!
Jologs: bahagyang tumabi (siya yung pinandirihan)

Natawa:
Conio: hm.. hmm.. hmm.. (at nakatakip ang kamay sa bibig)
Jologs: HA! HA! HA! HA! (kita ang ngala-ngala)

Nasa kainan, sumubo:
Conio: Mabibilang sa daliri ang kanin na nasa kutsara, sabay dahan-dahang sumubo.
Jologs: Umaapaw ang kanin sa kutsara mabilis ang magkasunod na subo (parang double action na baril).

Nagtext:
Conio: Hey wer na u di2 na me.
Jologs: Tinaas ang 3210nokia na cellphone.. nag-hanap ng signal sira ang antena.. biglang lumbas sa screen --> Check Operator Service (la nang load)

Mall Experience:
Conio: Hey it's really fun to shop at Glorieta You know...
Jologs: Tapos na naman ang araw, dito ba tayo sa isetan tatambay bukas o sa Ever naman?


Marami pang mga bagay at pangyayari sa mundo kung saan maaring makita ang kaibahan ng mga tinatawag nating Jologs at Conio. Sa mundong ito, hindi naman talaga mahalaga kung Conio ka o Jologs ka. Ang mahalaga sa isang tao ay ang kanyang kalooban. Ang mahalaga ay nabubuhay ka ng patas at wala kang tinatapakan o inaabuso. Kung may takot ka sa Diyos, pagmamahal sa kapwa at pagpapahalaga sa bayan at kapaligiran, Para kay Goryo at sa nakararami, Panalo ka. Sabi nga sa isang awitin sa Anime na Naruto, Things that are really important in this world are those that has no form...


May 28, 2009

Anatomy Ng Utot...


Ang pag-utot ay ilang milyong taon nang nararanasan ng sangkatauhan at maging ng sangkahayupan. Ang paksang patungkol sa utot ay bihirang napapag-usapan at napagdidiskusyunan marahil dahil ito'y mabahong usapan, maselan at jahe din. Masmadalas pa ngang napapag-usapan ang sex education kesa sa utot. Subalit sa pagkakataong ito, hayaan ninyong mapalaya ang ating kamalayan sa ilang reyalidad patungkol sa utot. Silipin natin ang ilang katotohanang taglay ng mahiwagang hangin na ito na kilala natin sa pangalang, UTOT!!

Pitch at tono ng utot
May ibat-ibang pitch at tono ang utot, kumbaga sa musiko merong utot na tunog alto, suprano at tenor. Wala pa akong nababalitaan kung meron nang ginawang pag-aaral ukol dito; Na kung ano ang pitch at tono ng boses mo eh ganun din ang pitch at tono ng utot mo. Ang mga Hapon ang kadalasan mahilig gumawa ng mga wierd na experiments at studies. Di ko din sure kung may pag-aaral na silang ginawa patungkol dito. Kung may kaukulang budget lang sana ang ating Bansa/DOST (Department Of Science and Technology) marahil magpo-propose ako na magkaroon tayo ng studies para dito (hehehe akala mo naman may kilala ako sa DOST eh no?). Anyway, napansin ko rin na ang utot madalas ay may papalakas at papahinang tunog. Sa mundo ng musika ito ang tinatawag na Cresendo at deCresendo. Sa aking palagay, may kinalaman ito sa kung papano sumigaw at bumulong ang isang tao.

Ang mga sumusunod ay nakaka-apekto sa pitch at tono at paglakas o paghina ng utot:
1. Go silently --> Sa tagalog Pagpipigil o pag-ipit sa utot. Kapag pinipigil o iniipit ng isang nilalang ang kanyang utot, may tendency itong tumaas ang pitch ng kanyang utot.
2. Go all the way --> ibig sabihin neto ay malayang pinakakawalan ng nilalang ang kanyang utot. Ang resulta neto ay mababang tono at papalakas ng tunog ng utot.

Amoy o scent ng utot
Ang amoy ng utot ay hindi bias. Ibig sabihin walang pinipili ito, hindi porket maganda o gwapo ka (tulad ko - ahem..) e mabango na ang utot mo. Hindi rin porke panget ka e mabaho ang utot mo. Depende un sa kalagayan ng iyong katawan.

Sa tanang buhay ko, dalwang amoy pa lang ng utot ang aking nagigisnan (naamoy). Isang mabaho at isang walang kaamoy-amoy. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magsagawa ng experiments at pag-aaral patungkol sa utot, pag-aaralan ko kung papa-ano mapapabango ang amoy at scent ng utot. Kung papalaring makatuklas ako ng pampabango ng utot, magandang pagkakataon ito upang makalikha ang ating bansa ng income-generating na Government owned company. Tatawagin natin ang produktong Utot-scent-booster only in the Philippines. Kaso lang ang problema sa ating bansa eh... Kung saan-saan dinadala ang tax ng masa. hay!!! walang badget..

Ang mga sumusunod ay nakaka-apekto sa amoy at scent ng utot:
1. Kung ano ang iyong kinain --> Naniniwala ako na malaking factor ito sa resulta ng amoy ng utot ng isang nilalang. Ilan sa mga pagkain na nakakadulot ng di kanais-nais na amoy ng utot ay nilagang itlog, Itlog na maalat, balot at penoy. Kaya kung aakyat ng ligaw o may aatenan na party, iwas-iwasan muna ang ganitong pagkain.
2. Kung walang laman ang tiyan --> Minsan walang-amoy at minsan naman saksakan ng baho ang amoy ng utot sa ganitong sitwasyon.

Oras at Lugar ng pag-utot
Sa di maipaliwanag na dahilan, hindi pa rin kayang i-predict ng tao kung kelan at saan siya dadalawin ng utot (maging yung uutot mismo o yung makikilanghap lang na utot). Hindi ko lang alam kung may ganitong kakayanan si madame auring at si manang bola, (kung kaya nilang hulaan kung kelan at saan sila uutot at kung kelan at saan sila lalanghap ng utot ng iba). Kung meron man sialng ganitong kakayanan, Nais kong manawagan kay madame auring kung ma-aari siyang mag-conduct ng seminar patungkol dito. Maganda rin sana itong isama sa mga experimento at pag-aaral kung meron lang sanang pagkakataon.

Ilang pananaw patungkol sa utot:
Siguro ay dapat bigyan pansin ng mga kinauukulan ang amount ng utot na nilalabas ng sangkatauhan at sangkahayupan lalo sa panahong ito na laganap na ang epekto ng green house gases na nagdulot ng gobal warming sa ating planeta. Naniniwala ako na malaking bagay din na mabawasan ang pag-utot upang mabawasan din ang pag-accumulate ng Carbon gases sa atmospera. Wala pang pag-aaral kung ilang porsyento ng green house gases ang galing sa utot. Pero malaking posibilidad na isa sa mga lahi na malaki ang kontribusyon sa green house gas na galing sa utot ay mga Intsik. Ito'y dahil sila ang may pinakamalaking lahi sa balat ng lupa.

Dahilan ng pag-utot:
Ang pag-utot ay natural tendency ng katawan para mag-labas ng Carbon Dioxide. Ang Carbon Dioxide ay isang uri ng hangin na toxic o nkakalason sa katawan ng tao. Sa isang banda, dapat tayong magpasalamat at may utot, dahil kung walang utot, malalason ang katawan natin sa Karbon.


May 22, 2009

Kaano-ano kaya ni Ate-V si Voltes-V ?

Hindi ko alam kung bakit napakaraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan sa mga sandaling ito. Ito kaya'y dahil sa malawakang global economic crisis at maging ang global warming na nangyayari sa ating planeta o baka naman sa dahil hindi lang ako nakapag-almusal kaninang umaga.

Isa sa mga napakasalimuot at napakalalim na katanungan na sumagi sa aking isipan na siya namang bumabagabag sa aking kalooban ay nabuo kanina lamang. Habang ako'y naglalakad sa kahabaan ng EDSA, ako'y napatingin sa kawalan at biglang gumuhit sa aking isipan ang katanungang: Kaano-ano kaya ni Ate-V si Voltes-V?




Gawang hapon si Voltes-V: May dugong hapon kaya si Ate-V o may dugong Pinoy si Voltes-V?

Pero pano magkakaroon ng dugo si Voltes-V eh Robot siya?

Baka naman Cyborg si Ate-V at magkapareho ang mga turnilyong ginamit sa kanila ni Voltes-V?

Baka naman ung espada ni Voltes-V ang nanay nung balisong ni Ate-V?

Hmmm... Ano nga ba ang tunay na koneksyon ni Ate-V kay Voltes-V?

Kung kayo po ay may sapat na kalinawan ukol sa kalabuang ito, wag po kayong mag-atubiling mag-kumento upang mapalaya ang aking abang kalooban.

Pahabol: May koneksyon din kaya si Michael V sa kanila?


February 2, 2009

Si Boom At Si Tarat Mga Pasaway



Isang Lunes ng umaga, habang binabagtas ko ang kahabaan ng Commonwealth lulan ng isang FX patungong opisina, aking napkinggan ang usapan ni boom at ni tarat sa Energy FM (isang estasyon ng Radyo na madalas pinapakinggan ng mga colorum na FX).

Isang araw nakulong si Boom at Tarat sa likod ng rehas na may pad-lock.
(Silay boses chipmonks na dimo malaman):

Tarat:
Boom, ilang oras na tayong nakakulong dito ah.
Boom: May naisip na akong paraan kung pano tayo makakatakas.
Tarat: Ano yun?
Boom: Sisirain natin ang padlock ng rehas.
Tarat: Oo nga.
Boom: Kaso may Problema.
Tarat: ano na naman yun?
Boom: Hindi naka-lock yung padlock. Ibig sabihin hindi natin masisira kaya hindi tayo makakatakas.
Tarat: Yan ka na naman eh. Umandar na naman ang kahinaan ng utak mo!
Boom: Anong gagawin natin?
Tarat: Eh di ila-lock natin yung padlock. Saka natin sisirain.. kaya makakatakas tayo!!
Boom: Oo nga anoh!!!


Toinkz!!!!

January 27, 2009

Si Pedro Alalay (May Crush)

Si Pedro Alalay (May Crush), is brought to you by Mang Tikyo's dirty Ice Cream (Mang Tikyo's dirty Ice Cream - May Dirty ka na!!! may Ice Cream ka pa!!!)

Isang napakaagang umaga ng makasabay ni Pedro ang kanyang crush na si Tekla sa pantry. At kiwinento nya kay Tunog-baril sa chat ang mga nangyari sa pantry. Ito ay aktwal na usapan ng magka-opisina sa Skype (chat).

NOTE: Pedro Alalay wants the readers to know that it's only a Crush.. Nothing more Nothing less...

CHAT ARCHIVE:

[10:08:40 AM] Pedro says: iinom lang sana ako ng tubig kanina
[10:08:52 AM] Pedro says: tapos pagdating ko dun nagtitimpla cya ng kape..
[10:09:33 AM] Pedro says: e di ako nmn kelangan magpa-cute... kinuha ko ung lalagyan ng kape timpla timpla din ako sa tabi nya (pero wala akong masabi para basagin ang katahimikan)
[10:10:12 AM] Pedro says: sasabihin ko sana --> buti may creamer na noh? (kaso bka mababawan sakin)
[10:10:36 AM] Tunog-Baril says: (rofl)(rofl)
[10:10:37 AM] Tunog-Baril says: okay lang un
[10:10:46 AM] Tunog-Baril says: un ang tinatawag na "small talk"
[10:11:24 AM] Pedro says: tapos nung kumukuha uli ako ng cup nlaglag tatlong cup
[10:11:30 AM] Tunog-Baril says: (rofl)
[10:11:46 AM] Pedro says: tumingin ako sa kanya tumawa sya. nahalata yata nya natataranta ako :D
[10:11:57 AM] Tunog-Baril says: grabe nginingitian ka nun
[10:12:02 AM] Tunog-Baril says: never ako nginitian nun
[10:12:04 AM] Tunog-Baril says: porket di ako lalake :D
[10:12:06 AM] Pedro says: sabi --> naku lagot!!
[10:12:25 AM] Pedro says: tas biglang sabi nya sakin - ala ng tubig.. pero nakangiti pa rin
[10:12:43 AM] Pedro says: ako nman excited na magpakitang gilas
[10:12:56 AM] Pedro says: dalidali akong kumuha ng tissue..
[10:13:08 AM] Pedro says: tapos punas-punas sa paligid nung container na may tubig
[10:13:49 AM] Pedro says: tapos binuhat ko ung container (pamacho epek kahit nabibigatan) :D
[10:14:09 AM] Tunog-Baril says: (rofl)
[10:14:15 AM] Pedro says: tapos me sara palang hard na plastic. (di indi na shoot sa butaas)
[10:14:36 AM] Pedro says: sasabihin ko sana sa kanya --> tulungan mo ako i-shoot natin pls...
[10:14:41 AM] Pedro says: (chuckle)
[10:14:51 AM] Pedro says: kaso bka mabastusan nmn sakin
[10:15:12 AM] Pedro says: sabi nya nung ndi na-shoot. ay may takip pa...
[10:15:28 AM] Pedro says: tas nagpaliwanag nmn ako para idefend ung pagkakamali ko :)
[10:15:57 AM] Tunog-Baril says: (rofl)(rofl)
[10:16:04 AM] Pedro says: sabi ko.. ung iba kcing container ung malambot na plastic lang kc nkatakip.. ung pagLagay mo e nabubutas na cya..
[10:16:21 AM] Pedro says: tas un pinalitan nya nang takip na may butas, tas nilagay ko na ulet..
[10:16:26 AM] Pedro says: tas nag thank you na cya
[10:16:48 AM] Pedro says: masaya na cya kc nkapagkape na cya.. ako din mejo masaya kc npagkape ko cya in a way...
[10:17:03 AM] Pedro says: haaayyy... buhay talaga.. parang bato.. (it's hard)
[10:17:37 AM] Tunog-Baril says: (rofl)(rofl)
[10:17:43 AM] Pedro says: lalagay ko to sa blog ko hehehe.. owlrayt
[10:17:46 AM] Tunog-Baril says: di nga?
[10:17:49 AM] Pedro says: tas papabasa ko sa kanya
[10:17:53 AM] Pedro says: tas mkakarelate cya
[10:17:53 AM] Tunog-Baril says: (rofl)
[10:17:56 AM] Pedro says: hooooray
[10:18:13 AM] Pedro says: tas magkokoment cya...
[10:18:31 AM] Pedro says: papangalanan ko ung karakter na Pedro and Tekla...
[10:18:38 AM] Pedro says: ako si Pedro cya si Tekla...
[10:18:42 AM] Pedro says: ang saya,,,
[10:19:07 AM] Pedro says: ano maganda title?
[10:19:18 AM] Tunog-Baril says: tekla parang tae
[10:19:28 AM] Pedro says: lang ya ka
[10:19:53 AM] Pedro says: Pedro and Tekla at ang mahiwagang Water Container....
[10:20:09 AM] Pedro says: Ang kape sa buhay ni Pedro at Tekla..
[10:20:53 AM] Pedro says: If you were not there tekla, the cup shouldn't fell..
[10:21:09 AM] Pedro says: dahil sayo Tekla puro ako chat ke Tunog-Baril...
[10:21:10 AM] Pedro says: :D
[10:21:16 AM] Pedro says: di na ako nakapagtrabaho
[10:21:25 AM] Pedro says: back to work na nga
[10:23:10 AM] Tunog-Baril says: kala ko nga maiinis ka saken
[10:23:10 AM] Tunog-Baril says: bigla ako umentra
[10:23:38 AM] Pedro says: ndi naantay ko nga sana na magsalita ka.. e
[10:23:51 AM] Pedro says: ung magandang banat sana para me rapor na tayo nagawa
[10:23:59 AM] Pedro says: tsk tsk.. dika kc bumanat..
[10:24:07 AM] Pedro says: pero ok lang next time ulet..
[10:24:17 AM] Pedro says: sana cya na ang bago kong coffee buddy hehehe
[10:26:23 AM] Tunog-Baril says: (rofl)
[10:26:28 AM] Tunog-Baril says: di nga ako nginitian kita mo ba/
[10:26:34 AM] Tunog-Baril says: sayo ngiting ngti
[10:26:40 AM] Pedro says: di nga?
[10:26:46 AM] Tunog-Baril says: oo nga
[10:26:47 AM] Pedro says: dko napansin un a..
[10:26:51 AM] Tunog-Baril says: all smiles
[10:26:58 AM] Pedro says: sus pinapalaki mo lang ulo ko e
[10:27:07 AM] Pedro says: lang ya ka
[10:27:08 AM] Tunog-Baril says: wag baka maospital ka
[10:27:51 AM] Pedro says: sabi pa pala nya --> aabot kaya ng whole day to (kc last container na un)
[10:28:04 AM] Pedro says: tas sabi ko --> baka nga dina umabot to ng lunch e...
[10:28:28 AM] Pedro says: tas sabi ko pa --> mag-hoard na tayo!! may baunan kba ng tubig jan?
[10:28:34 AM] Pedro says: tas sabi nya --> wag..
[10:28:38 AM] Pedro says: un lang.. hehe
[10:28:46 AM] Tunog-Baril says: (rofl)
[10:28:52 AM] Tunog-Baril says: kilig ka naman jan?