Ito ay isang napakalaking
break through sa mundo ng Siyensya lalu na sa larangan ng
Physics. Ngunit sa ating bansa, may kakaibang klase ng
Theory Of Relativity akong napuna. Kung gagamitin natin ang noypi-jologs vocabulary, maari natin itong tawaging
Theory Of Relative-Itetch.
Theory Of Relative-Itetch:T = K K K to-the Nth PowerT --> Tagumpay
K --> Kamag-anak
K --> Kaibigan
K --> Kakilala
Sa aking pagmamasid, aking napansin na may kakaibang hatak ang Tagumpay sa buhay ng tao. Ang tagumpay ay maaring
achievement, fame at Kayamanan. Habang dumadami ang
Tagumpay ng isang tao, ganun din ang pagdami ng kanyang
Kamag-anak,
Kaibigan at
Kakilala. Bigla nalang mag-lalabasan ang mga
K-K-K na ito at susulpot na parang mga kabute. Maari rin nating ihalintulad ang Tagumpay sa isang piraso ng
cake na nasa pampublikong lugar, malingat ka lamang sandali, hindi mo namamalayan, napapaligiran na ito ng maraming langaw.
Isang malinaw na halimbawa nang kababayan natin na nakakaranas ng
Theory Of Relative-Itetch ay ang ating pambansang kamao, walang iba kundi si Totoy-Bato; este si Manny
"Pack-man" Pacquiao (pala). Isa siyang panadero nung hindi pa siya nagiging mas-sikat kay Sharon Cuneta at sa yumaong King of Philippine Films na si Fernando Poe Jr.
Hindi kami sanggang-dikit ni Manny; Pero alam kong dumami ang kanyang Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala ngayong nasa tugatog siya ng Tagumpay at Limpak-limpak na salapi ang laman ng kanyang
bank-account, kumpara nung siya'y isang panadero palang. Sa tingin ninyo, dadami kaya ng ganyang karami ang taong nasa paligid nya kung wala siya sa kanyang kalalagayan ngayon?
Base sa ating mga na-obserbahan, maari nating i-
equate ang
Theory of Relative-Itetch as;
The growth of a person's achievements, success and wealth is directly proportional to the growth of his Relatives and Friends.
Magandang bigyan natin ng pansin ang
Theory of Relative-Itetch na ito, sapagkat maari natin itong gamitin bilang panukat kung sino talaga ang totoo at tapat nating Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala. Sila yung mga taong mananatiling andyan para sa atin ano pa man ang ating kalalagayan.