October 1, 2008

Alpha-Sirah-Lho Fraternity

Nung ako ay bata pa marami na akong naririnig tungkol sa ganitong ka-grupohan. Hindi ko mawari kung ano ang mayroon sa mga organisasyong ganito dahil napakaraming sumasali gayung napakarami naman ang namamatay dahil sa hazing.


Maganda ang tunay na kahulugan ng fraternity. Ito raw ay samahang nagtataguyod sa pagkakapatiran, pagkakawang-gawa, pagkapantay-pantay, kalayaan at pagkakaisa.

Ang mga sumusunod ay mga kahulugan ng salitang fraternity:

1. a local or national organization of male students, primarily for social purposes
2. a group of persons associated by or as if by ties of brotherhood.
3. any group or class of persons having common purposes, interests, etc.: the medical fraternity.
4. an organization of laymen for religious or charitable purposes; sodality.
5. the quality of being brotherly; brotherhood: liberty, equality, and fraternity.
6. the relation of a brother or between brothers.


Bakit hindi natin makita ang kahulugan ng salitang fraternity sa mga ginagawa at aktibidades ng mga miyembro sa ganitong samahan?

Sa tuwing may ibabalita sa radyo o TV tungkol sa fraternity, itaga mo sa bato siguradong masama ito. Pwedeng may na-ospital dahil sa sobrang pagkabug-bog o minsan naman may nagahasa, at ang pinakamalu-phet sa lahat ay may namamatay. Nangyayari ito sa mga biktima dahil mismo sa mga kasamahan nila sa fraternity, dahil sa kanilang kinikilalang mga kapatid (nakup!!! - kapatid nga ba? lang-yang kapatid yan!!!). Naliligayahan kaya sila sa mga ganitong pangyayari?

Naniniwala ako na halos lahat ng myembro ng mga fraternities ay merong mga pamilyang nagisnan at malamang karamihan sa kanila ay may mga magulang at mga kapatid din naman. Wala pa naman akong narinig o nakitang mga magulang na nagsabi sa kanilang mga anak:

Oh mga anak kunin nyo na ang padel at mga paraphernalia natin sa pambubug-bog at nang mabug-bog na natin ang kapatid niyo hanggang sa maospital o hanggang mamatay siya para naman malaman niyang mahal natin siya at para mapatunayang karapat-dapat siyang maging myembro ng ating pamilya. Ang pamilya natin ay nagtataguyod ng kapayapaan, pagmamahal at kapatiran kaya't marapat na ganito ang gawin natin.

Lintek!!! Anak ka ng tinapang bakla!!! Masahol ka pa sa ulol na askal kung ganto ang pilosopiya mo, di ba? Napakalinaw; malinaw pa sa sikat ng haring-araw, na mga sira ulong ugok ang mga fraternity members na to, lalu na ang kanilang mga lider na nagpapatupad ng ganitong mga aktibidades.

Ano kayang uri ng pag-iisip meron ang mga hinayupak na mga ito? Saang planeta o galaxy kaya galing ang mga ispiritong sumanib sa mga dinamuhong unggoy na mga ito?

Kaya't kung may mga nanghihikayat sa inyong sumanib sa samahang ganito; maghunus-dili kayo... Marami na ang naospital at namatay dahil sa pagsali sa ganitong mga grupo. Kung gusto niyong mapabilang sa libo-libong nauto ng mga mga bilib sa sariling paddle monsters na to, go ahead and make their day, at nang pagpistahan kayo ng barbaric creatures na mga yan. Pero kung ako sa inyo mga repapips, gamitin niyo nalang ang God-given utak na meron kayo. Wala pang taong umunlad ang buhay at gumanda ang career at naging presidente ng kumpanya dahil sa pagsali sa samahan ng mga sira ulo. (Alpha-Sirah-Lho).

3 comments:

Anonymous said...

eh pano naman kpg sorority? hehe!
aba, extra pa si tinapang bakla dito ah!

Anonymous said...

Applicable na rin to sa mga CHORORITY... ganun din nmn ginagawa nila e.

Anonymous said...

yeah it happens most of the time...PERO d lahat ganun...un lng ang nagiging mali ng 1 samahn ang magpasok ng magpasok, puro pagpaparami ang nasa isip habang d kinikilatis kung anong klaseng tao ba ang isinali nila kaya madalas ngkakaroon ng ganung pangyayari dahil ung tao mang un o ung chapter n pinasukan nya ay walang kwenta, hindi oriented..most of it mga adik, puro kayabangan, or gumaganti dahil sa pagpapahirap din sa kanila...which is TOTALLY WRONG!...kailangan maging matalino k din sa pagpili ng papasukan mo, alamin ang background, at syempre dapat gusto mo talaga ang desisyon mo, at hindi pagmamayabang dahil dun nagsisimula ang gulo..mabuti ang hangarin ng 1 fraternity pero nasisira ito dahil sa mga walang kwentang mga kapatid na hindi kinilalang mabuti bago nila ito pinasok sa kapatiran at minsan kung ano nakikita nila sa lider nila un din ang ginagaya nila.