June 11, 2009

Theory Of Relativity

Ito ay isang napakalaking break through sa mundo ng Siyensya lalu na sa larangan ng Physics. Ngunit sa ating bansa, may kakaibang klase ng Theory Of Relativity akong napuna. Kung gagamitin natin ang noypi-jologs vocabulary, maari natin itong tawaging Theory Of Relative-Itetch.

Theory Of Relative-Itetch:

T = K K K to-the Nth Power

T --> Tagumpay
K --> Kamag-anak
K --> Kaibigan
K --> Kakilala

Sa aking pagmamasid, aking napansin na may kakaibang hatak ang Tagumpay sa buhay ng tao. Ang tagumpay ay maaring achievement, fame at Kayamanan. Habang dumadami ang Tagumpay ng isang tao, ganun din ang pagdami ng kanyang Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala. Bigla nalang mag-lalabasan ang mga K-K-K na ito at susulpot na parang mga kabute. Maari rin nating ihalintulad ang Tagumpay sa isang piraso ng cake na nasa pampublikong lugar, malingat ka lamang sandali, hindi mo namamalayan, napapaligiran na ito ng maraming langaw.

Isang malinaw na halimbawa nang kababayan natin na nakakaranas ng Theory Of Relative-Itetch ay ang ating pambansang kamao, walang iba kundi si Totoy-Bato; este si Manny "Pack-man" Pacquiao (pala). Isa siyang panadero nung hindi pa siya nagiging mas-sikat kay Sharon Cuneta at sa yumaong King of Philippine Films na si Fernando Poe Jr.

Hindi kami sanggang-dikit ni Manny; Pero alam kong dumami ang kanyang Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala ngayong nasa tugatog siya ng Tagumpay at Limpak-limpak na salapi ang laman ng kanyang bank-account, kumpara nung siya'y isang panadero palang. Sa tingin ninyo, dadami kaya ng ganyang karami ang taong nasa paligid nya kung wala siya sa kanyang kalalagayan ngayon?

Base sa ating mga na-obserbahan, maari nating i-equate ang Theory of Relative-Itetch as; The growth of a person's achievements, success and wealth is directly proportional to the growth of his Relatives and Friends.

Magandang bigyan natin ng pansin ang Theory of Relative-Itetch na ito, sapagkat maari natin itong gamitin bilang panukat kung sino talaga ang totoo at tapat nating Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala. Sila yung mga taong mananatiling andyan para sa atin ano pa man ang ating kalalagayan.

23 comments:

Hermogenes said...

karanasan ko rin yan parekoy, noong medyo malalim pa ang bulsa ko, para akong taeng nilalangaw ng mga kaibigan, kapag bday ko tambak sila sa bahay ko, sabay-sabay kaming tumutungga ng san mig light, ngayon gin kapitan na lang at captain sid ang handa ko parang nakakalimutan na nila ako..

Goryo said...

@tonio: tsk tsk.. Reality Bites.. Pero isang mabuting bagay may mga totoo pa ring taong aali-aligid, hindi sila langaw, sila ung mga lang-gam na makiramay at makisaya..

sweetham said...

ah oo!!! buti nabanggit mo yan goryo. at habang dumarami ang tao sa paligid mo, dumarami din ang chances na magkakaroon ka ng mga hindi totoong tao sa paligid mo, ayon yan sa law of probability. Salamat sa pagshare.

CZEL said...

So true... ganda ng blog post mo na to. napaisip ako.

Goryo, salamat sa pagbisita ha? hindi lang naman pang-kikay ang blog ko eh. ;) sige, padalhan kita ng "lipistik" minsan.

Uli said...

naku totoo yan. kapag talaga succesful ka, dun lumalabas yung napakadaming parasite, haha. dapat matutuo tayong mag-distinguish ng mga totoo sa mapagpanggap, hihi

Algene said...

nasa second paragraph pa lang ako, naiisip ko na si manny pacquiao. :D perfect example!

tama ka. we must know who our real friends are. those are the persons who still be us through thick and thin, those who will love us not for what we have but for who we are. :)

keb said...

Ahaha, jusko, its so true! Salamat sa magandang post, kagilas gilas eh!

Goryo said...

@ ALL: kaya ingat-ingat tayo mga katoto at mga katoa (hahaha). Be watchful =)

Rcyan said...

Aba't parehas tayong ginawang paksa ang theory of relativity. Hehehe.

Sa totoo lang, ngayong college lang ako nakakilala ng mga totoong tao.

'Yung tipong kakaibiganin ka dahil gusto at tanggap ka nila at hindi dahil iniisip nila kung papaano kang gamitin.

Musta? First time ko pong bumisita dito. Hehe. I'm looking forward to your next entries.

ACRYLIQUE said...

Ang hangad koy tagumpay nating lahaaaaatttttttttt!! :)


At ako'y nagpapasalamat dahil may natatakbuhan ako sa tag-ulan. :)

Goryo said...

@ cyan M.: kinagagalak ko na makabisita ka sa ating munting tambayan.. Dalaw ka ulit

@ ACRYLIQUE: Natural na may mga parasitikong aali-aligid kapag may pagpapala. Pero mainam ding malaman natin na may mga tapat kahit sa panahon ng tag-ulan.

Celine said...

so true . yan din cnasabi ng mga maguLang qo kapag binabaLita si pacquiao , babanat agad ng "dadami na naman mga kaibigan ni pacquiao."

haha. asitg yung cake. kung ganun kaya ichura ng cake sa birhtday ko, kakainin ko pa kaya? haha.

Goryo said...

@ CELiNE XD : hehehe un lang kahit walang langaw ung cake parang mag-dadalwang isip kang kainin

THE DRAMA QUEEN said...

clap!clap!clap!
shame on u einstein!
lol

HOMER said...

Ayus ah matutuwa saiyo si Einstein dahil naisasabuhay mo ang kanyang mga itinuro haha!! :)

It's me Tey! said...

goryo yan ang epekto ng pagkain mo ng HAM... =) dalaw ka sa bahay ko para maiba naman...
ang buhay nga naman....parang layp!

miss Gee said...

pag T ka na ang dami mo nang KKK.tama ka! karamihan sa'tin magaling lang at maasahan lang pag may klangan.Sad but true!

Ruel said...

Perfect!

May katotohanan ang post mo lolo Gorio..Naranasan ko yan.

Goryo said...

@THE DRAMA QUEEN: bow

@HOMER: Text mate ko din cya dati. lolz

@: It's me Tey: Ha'y Hampas na naman ang talong sa bagoong.. hehehe

@missGuided: Reality Bites

@Ruphael: Common Experience ata ito ng nakararami.. :(

pheng said...

awww nakaka-tats!

oi magonline ka naman sa skype!

Goryo said...

@ peng : sige try ko next week mag-online.. busy kasi ako. Pre-occupied ako sa pag-idlip.. pagkain.. pag-idlip, pagkain.. to the max.. hehehe

Karen said...

oo nakakatawa at nakakasad mang isipin pero eto ay totoo...un lang *bow*

Goryo said...

@ Karen : reality bites ulet.. =)