June 21, 2009

Paunawa, Huwag babasahin...


Maaring basahin ang lahat ng katha sa blog na ito liban dito.

Sa pag-kakataong ito maari ka nang lumipat sa ibang entry. SALAMAT.

Sa aking palagay, naunawaan mo ang pamagat ng blog entry na ito, maging ang paunang pangungusap. Sinasabing huwag babasahin, ganun pa man pinilit mo pa ring basahin at usisain ang bawat letra at salita na nakasulat. Paano kung makakasakit ng damdamin o makakasira ng pananaw ang sinasabi sa mga mababasa mo? Paano kung nakakamatay ang pagbasa sa kathang ito?

Sa puntong ito malamang sa malamang may ibat-ibang dahilan (pananaw, haka-haka) na, na nabubuo sa iyong isipan kung bakit hindi ito dapat basahin. Kung wala pa, ayos lang malalaman mo rin naman dahil binabasa mo na nga.

Dahil sinubukan mong basahin ang mga talata sa kabila ng paunang mga babala, mabibigyang linaw ang isang reyalidad patungkol sa iyo (sa atin) bilang tao. Ikaw mismo ang makakapagpatunay sa reyalidad na ito dahil sa iyong ginawa. Maraming katotohanan tayong matutuklasan patungkol sa ating nabasa at mababasa ngunit dalwa lamang muna ang ating bibigyang diin sa pagkakataong ito.

Kadalasan sa ibang tao, kahit sabihan na huwag gawin ang isang bagay dahil ito ay masama o nakakasama, may pagkakataon na susubukan at susubukan pa rin nilang gawin ang bagay na ito. Isang simpleng halimbawa nito ay ang pagtikim ng alak. Madalas sabihin ng mga matatanda sa mga kabataan na huwag munang titikim ng ganitong elemento sapagkat masama ito sa katawan.

Kapag sinubukang gawin ng tao ang isang bagay na masama, hindi ibig sabihin nun ay isa na siyang pasaway. Maaaring naimpluwensiyahan lamang siya o dala lamang ng kanyang curiosity. Subalit kapag sa kabila nang pagsubok niya at napatunayan niyang masama nga ito, at nagpatuloy pa rin sa ganitong gawain, sang-ayon akong isa nga siyang certified-pasaway.

REYALIDAD / KATOTOHANAN:

1. May mga taong likas na mapang-usisa (curious)
2. May mga taong likas na pasaway


Nung tinikman ni Adan at ni Eba yung fruit of knowledge of good and evil, sila ba ay naging certified-pasaway o naimpluwensiyahan lamang nung ahas ang kanilang curiosity?

Hihintulutan din ba nating impluwensiyahan ng ahas ang ating curiosity, o matututo na tayo sa napagdaanan ni Adan at ni Eba ?

18 comments:

Algene said...

i really don't know what to say. siguro dahil alam kong may pagkapasaway ako. sabi na ngang wag babasahin, binasa ko pa rin. :(

ako, curious na tao. pasaway rin. sana magbago na ako..

Hari ng sablay said...

sensya diko napigilan.pasaway din ako binasa ang sinulat mo,kala ko kasi may joke dito,haha

ngayon pala seryoso ka.

Anonymous said...

natural lang naman sa tao ang maging curious. kasi kung hindi curious ang tao walang syang matututunan. ganun lang ang layp. hehe.

at pasaway! LOL!

Kokoi said...

ewan pero basta may sinabing huwag gawin or bawal gawin e mas lalong ginagawa. gaya ng bisyo, gimik, drugs, sex, babae, lalaki... nasa nature na ata ng tao un. heheh...

Goryo said...

@ aLgene, HARI NG SABLAY, chikletz, kokoi : sa palagay ko, halos lahat ng tao ay curious sa maraming bagay. Gaya nga ng nabanggit, kapag sinubukan mong gawin ang isang bagay, hindi ibig sabihin nun ay isa ka nang pasaway. =)

@ aLgene : sa tingin ko ito yung pinakaunang hakbang para malunasan ang pagkapasaway natin. Yung kikilalanin natin na tayo ay mga pasaway Ang pangalawa ay Yung nanaisin nating mabago ang ating pagkapasaway.. hehehe

@ HARI NG SABLAY : curiousity nga ang nagtulak sayo para basahin parekoy..

@ chikletz : tumpak na tumpak ang iyong punto. =)

@ kokoi : nasa nature nga ng tao ang mga bagay na binanggit mo kaibigan.. pero ang GOOD NEWS ay... Nature din ng tao ang nais magbago.. hehehe apir!!

,

keb said...

Ganda. Sa bawat warning, nakakagigil. ang sarap. HEHE. Cool!

maxivelasco said...

aray.. certified pasaway nga siguro ako. hehe... kainis naman! na curious ako eh.

katakot yung snake ha!

ui, gorz... may bagong blog ng pala ako. baka trip mong i-add sa blogroll mo... http://www.hnhpages.com

ACRYLIQUE said...

Wala naman kasing mawawala kung susubukan. :)

ACRYLIQUE said...

P.S. Masarap kasi ang bawal. :)

Goryo said...

@ keb : di mapigil sa pangi-gigil ?

@ maxivelasco : dalwa lang yan, curious ka o pasaway... hehehe

@ ACRYLIQUE : walang mawawala? =)

Rcyan said...

Masarap daw kasi ang bawal. Hayaan mo na kami. Hahaha!!!

Goryo said...

@ Rcyan M. : concern ako sa inyo eh. pati sa sarili ko.. (me ganun eh noh?) hahaha
actually reminder lang to satin lahat kasama ako dun.. =)

Maria said...

pasenxa na po. tlagang ganito ako.. anyway, alam ko naman na di ako mamamatay pag binasa ko post mo kaya keri lng.. hehe

Help naman po sa aking twitter dilemma

Pirate Keko said...

haha binasa ko siya..
pasaway ba ako?
hinde?
K..
pero boinsasa ko ng nakapikit... joke..
hampaders day nga pala late na late na .........

Goryo said...

@ curious_girl .: alam ko naman na di ako mamamatay pag binasa ko post mo kaya keri lng -- hanep to, oo nga naman.. kaya curious_girl ang name kasi curious ka lang naman diba? hahaha

@ si keko : hay-tetch pala ang Pongkyuter (computer) mo. Pwede ka mag-basa ng nakapikit. May Braille System kang ginagamit jan? TEnchu sa pagbati ng hampas day ba un? hahaha

Trainer Y said...

ok fine...
numero uno talaga ako dun sa 1 and 2 na reyalidad/katotohanan mo...
sorry naman dajhil pinanganak akong matigas ang ulo at chismosa hehehehe

Yen said...

hi,
di ko pa nababasa itong post mo. pero i will read this pag madami ako oras. gabi na kc hehe. meron nga pala ako isang maliit na regalo para sayo. sna magustuhan mo , kahit hindi.. hehe. bisita ka naman sa site ko para makita mo. salamat

Goryo said...

@ YanaH : buti kapa matigas na ang ulo mo nung pinanganak ka. ako mejo ingat pa sila sa ulo ko nun kasi dipa daw gano matigas skull ko.. ahihihi

@ Yen : million thanks po sa gift.. =)