June 3, 2009
Jologs Versus Conio
Nagulat:
Conio: Ohhh my ghod!!
Jologs: Ay kabayo!!
Nasaktan:
Conio: Outched!! (past tense, with ED)
Jologs: Get-get AW!! (in short --> AW!!)
Boracay:
Conio: You know it's really nice there at Bora, de-bah?!!
Jologs: Alam nyo, kahit mag-tipid tayo to da max at mag-dil-dil tayo ng White iodized salt hindi pa rin natin kayang tapakan ang white sand ng borakay.
Almusal:
Conio: Yaya I want you to prepare me a ham sandwhich and a fresh Orange juice and fresh fruits.
Jologs: Oy, tig-dalawa lang tayo sa pandesal ha. Share-share nalang kayo sa kape. Dag-dagan nyo ng tubig para dumami.
Nandiri:
Conio: Ewwww!! Yuck!!!
Jologs: bahagyang tumabi (siya yung pinandirihan)
Natawa:
Conio: hm.. hmm.. hmm.. (at nakatakip ang kamay sa bibig)
Jologs: HA! HA! HA! HA! (kita ang ngala-ngala)
Nasa kainan, sumubo:
Conio: Mabibilang sa daliri ang kanin na nasa kutsara, sabay dahan-dahang sumubo.
Jologs: Umaapaw ang kanin sa kutsara mabilis ang magkasunod na subo (parang double action na baril).
Nagtext:
Conio: Hey wer na u di2 na me.
Jologs: Tinaas ang 3210nokia na cellphone.. nag-hanap ng signal sira ang antena.. biglang lumbas sa screen --> Check Operator Service (la nang load)
Mall Experience:
Conio: Hey it's really fun to shop at Glorieta You know...
Jologs: Tapos na naman ang araw, dito ba tayo sa isetan tatambay bukas o sa Ever naman?
Marami pang mga bagay at pangyayari sa mundo kung saan maaring makita ang kaibahan ng mga tinatawag nating Jologs at Conio. Sa mundong ito, hindi naman talaga mahalaga kung Conio ka o Jologs ka. Ang mahalaga sa isang tao ay ang kanyang kalooban. Ang mahalaga ay nabubuhay ka ng patas at wala kang tinatapakan o inaabuso. Kung may takot ka sa Diyos, pagmamahal sa kapwa at pagpapahalaga sa bayan at kapaligiran, Para kay Goryo at sa nakararami, Panalo ka. Sabi nga sa isang awitin sa Anime na Naruto, Things that are really important in this world are those that has no form...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
wahahaha! astig talaga maging jologs
MABUHAY ANG MGA JOLOGS! ILIBING NG BUHAY ANG MGA SOSYAL HAHA!
hahaha love it.
this post made me laugh. :)
nice nice
hehe, ayos ka tlga goryo. half meant jowk
whoa, ang saya!
hahahahaa!!you just made my day,Goryo!!mabuhay ang mga jologs!!\(^0^)/
ayos tong blog mo! more power goryo
haha.. kakatawa!
hmmm pansin ko lang na siguro yung Conio eh babae at yung jologs ay lalaki. Kasi kung conio ang lalaki at ganun eh sarap sipain nun...
this is a very inspiring post. tama ka, it doesn't matter whether you are a conio or a jologs..
keep writing sensible posts. inggit tuloy ako. haha. keep it up goryo!
Kumento
conio: Hey I'm so thankful naman that you make dalaw-dalaw and you make iwan your comment on my Post de-bah!? =)
jologs: Tenchu Beri mats sa pagdalaw at pag-iwan ng mensaheng makabag-bag damdamin..
Lolz
maraming conio dito sa UP.. hahaha.. Nakakarindi nga sa tenga eh. :P
nyahahahahahahatawa ko d2 ah!get get awww!!!!nyahahahahahaha!cra ulo!hehehe
@HARI NG SABLAY: bilib din ako sa ka-astigan ng mga jologs
@HOMER:wag naman, kung walang conio walang identity ang Jologs, kaylangan ng Jologs ang Conio at Kaylangan ng Conio ang Jologs para ma-retain ang mga identity nila =)
@ everyone: cool maging Jologs, cool din naman maging conio kasi dami bread hahaha
wahahaha natawa ako dun ah... panalo mga banat nila.... teka kakampi ako sa mga jologs
kadalasan ngayon ang mga jologs nagiging konyo na din, you know?
napa tumbling ako dito!hahah
hahahah...nice nice! Lmao.:D
mabuhay ang mga jologs! haha.. nice! nakakatawa.. :)
lol at the "nandiri" bit. hahahaha!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
conio: gori, you're so fun talaga... you make me halaklak to thre highest level, promis!
jologs: nyahahaha! puta muntik mahubo salawal ko sa katatawa parekoy!
hahaha sooo funny!
Natawa ko [[:
Swak na swak talaga.
Pero mygash, ngayon ko lang nalaman ang knoyo pala ay ung mga richie rich -_-
OK TO AH! Pareho ng konsepto sa palabas sa banana split.
Isa lang ang masasabi ko, isa akong certified JOLOGS! Hahaha! Talab na talab sa akin 'yung sagot nung mga JOLOGS!
@ Rcyan M. : Hindi ka lang certified blogista.. Certified Jologista ka din.. hehehe
Post a Comment