June 13, 2009

Batang Bata Ka Pa

Minsan nakakalito ang maging isang kabataan (binatilyo/dalagita). Naalala ko pa nung aking kapanahunan ang mga samo't saring mga payong binibigay ng aking mga Magulang, Tito, Tita at mga Lolo at Lola. Pero ang isa sa mga tumatak sa akin na sobrang nakalito sa aking isipan ay: Yung sasabihin nilang bata pa ako tapos biglang sasabihing matanda na ako.. Ano ba talaga Lola!!??



Bakit ganun, para silang naka-hithit ng isang kilong katol!!!
(hehehe.. dyok la-ang..)


Bata Ka pa


Scene 1
Dabarkads : Tsong pasyal tayo sa mga chika-babes bebot na classmates natin tutal Sabado naman bukas.
Goryo : (cool)
Lola/Granny : Goryo, tigilan mo muna yang crush-crush at panliligaw na yan at ang bata-bata mo pa.

Scene 2
Goryo : Hey Granny, I'm gonna make punta to my dabarkads later, It's the happy beer-day op my prendli-prends.
Lola/Granny : Porjos-porsanto, damuho kang bata ka, kabata-bata mo pa tumitikim kana ng Serbesa.


Matanda Ka na


Scene 1
Lola/Granny :Goryo, Magwalis ka sa bakuran at pagkatapos mo, diligan mo ang mga halaman. Ang tanda-tanda mo na dapat nagkukusa ka nang gawin ang mga yan.
Goryo : (Cool...)

Scene 2
Lola/Granny :Goryo, magluto ka nga ng ulam.
Goryo :Pano po ba lutuin yan?
Lola/Granny : Nakup... ang thunders (angtanda) mo na dika pa mrunong magluto!!!

Bakit ganun, pag-dating sa Panliligaw at pakikipag-barkada bata pa daw ako, kapag gawaing-bahay naman ang pag-uusapan matanda na daw ako? Angdaya naman. (Madaya nga ba?)

Hay buhay, parang bato --> it's HARD.

44 comments:

HOMER said...

ahaha!! e ilan taon ka na ba? haha!!

Goryo said...

@ HOMER: highly classified ang info na yan pareng Homer. Tingnan mo nalang ung pic ko.. hehehe lolz

keb said...

Iba iba ang age ng tao. Depende sa dapat gawin. Pag friends ang usapan mga 5 years old lang siguro tayo. Tas pag pag lilinis ng banyo dat 30 years old. Tas pag sex, ewan ko na. Anu ba iyong sex? ugh

Goryo said...

@ Keb: Ganun pala yun.. Talamat ta paglilinaw tuya Teb. Ngayon diko na Titi-tihin mga matatanda kung batit tila danun.. hehehe

Hari ng sablay said...

sa tingin ko bata kapa nga talaga. halata sa picture mo.

kalbo,walang ngipin,at nakapikit pa.

Goryo said...

@ Hari Ng Sablay: Biti Malinaw pa mata mo at napansin mo ang vigorous at youthful look ni Goryo.. malamang bata ka din.. hahaha

miss Gee said...

mga katandaan nga naman o.. Ang gulo! di tuloy alam nating mga bagets kung san tayo lulugar! namumuti na buhok ko!haha

Niqabi said...

hahaha...oo nga no?... havn't thought of it.. nice blog.. parang nachachallenge akong alamin real age mo lolo goryo!.. mapapadalas ako rito.. isang araw malalaman ko rin yan (nagbanta hehehe)

Niqabi said...

after 3 seconds...

langya nasa profile naman pala.. 32 ka Lolo tama?..

hehehe..

ingat po palagi lolo goryo..

Algene said...

hanep ang mga posts mo. haha. :D i love your blog.

Dhianz said...

aheheh... aliw ahh.. kakatuwa naman ang pagkuwento moh... pero may halong katotohanan... oo nga... one day bata ka pah... tapos d' next day matanda ka nah... tsk!... lolz. ingatz! Godbless! -di

SamLasau said...
This comment has been removed by the author.
Goryo said...

@ missGuided: kanya siguro tumanda ng ganto ang mukha ko, dahil sa kakaisip sa bagay-bagay na kagaya nyan. ahahaha

@ Nigabi: pangalan mo ba ang Nigabi o may ibang kahulugan yan sa Arabo?

@ aLgene: tenchu sa pagdalaw

@ Dhianz: Dalaw ka ulit. God Bless din sayo =)

Hermogenes said...

gori palagay ko magkasing edad tayo, pic ng eheads ang ginamit mo e, yan ang bandang halos kasabayan kong sumibol... amininnnn!

Goryo said...

@ Tonio: palagay ko rin kung ganun.. hehe

Uli said...

ay may tama ka jan kuya. unfair din eh noh? hehe

Goryo said...

@ oLis : Yeah ur ryt, it' am-peyr.. hehe

pero pwera biro may dahilan bakit ganun ang mga matatanda.. i think may pagka-valid ung reason nila.. kahit dko pa masyado alam kung ano man un. hahaha

Joel said...

manong goryo ganyan talaga ang mga matatanda, mapaparaan.. kapag sa bawal na gawain, sinasabi nilang bata ka pa, pero kung dun naman sa tama at makakatulong ka ay matanda ka na hehe

Niqabi said...

lolo may tama ako?.. hehehe sana may reward ang makakahula ng real age (sigh..)

nigabi ka jan lolo,Q yan as in kyu. hmf!..screen name lang po yan from the word niqab, a face veil covering the face and exposing only the eyes.

Kokoi said...

gnun ata talaga sila... laging me dahilan para majustify yung mga gusto or ayaw nila. hehe

Goryo said...

@ kheed : kaya wag nilang sisisihin kung maparaan din ang mga kabataan dahil ginagaya lang nila ang mga matatanda.. ganun ba un? hehe

@ Niqabi : kung mahulaan mo, ang reward mo will be..
(DRUM ROLLING)
dum-duroo-room-dummm!!!
Xerox-copy ng Birth certificate authenticated from NSO.. hehe

@ kokoi : sa kanila nga galing ung kasabihan na Kung ayaw may dahilan, Kung gusto may paraan .. ngak!

Hoobert the Awesome said...

wahaha. naka-relate ako dun. madalas din yang sabihin ni mommy nung medyo bata pa ako at wala pa kaming katulong:) ngayon dahil college na ako, ako na ang naglilinis ng kwarto ko sa dorm... minsan sa isang buwan. hehe. astig diba?

Anonymous said...

ang gulo talaga ng matatanda... :) pareho tau ng kalagayan! haha

Goryo said...

@ .pOot : astig Once a month aglinis ng Kwarto sa dorm.. anglinis mo dre.. may kakilala ako every 6 months nya nilinis ang kuwarto.. BAvis and ButtHEad.. haha

@ kox : we have something in common pala ha.. (may ganun?) apir!

Rcyan said...

Grabe! Parang si Bob Ong lang 'to. Hahaha!

Sino ka ba dito sa apat na ito? Hehehe.

Salamat sa pagbisita!

Goryo said...

@ Rcyan M. : Napatanbling naman ako sa sinabi mo.. Sako sakong bigas pa kakainin ko bago ko ma-reach ung ganung level.. =)

ACRYLIQUE said...

Introvoyz ba yun?


baka naman kasi ikaw si Benjamin Button.

Better Than Coffee said...

korek. napagdaanan ko rin yan. sila na mismo pumipilit sa iyo na magka-identity crisis.

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

Nancy Janiola said...

hahaha! galing naman. di ko nga po rin naisip yan nuon... siguro dahil di naman kasi ako pasaway... ahermmm! tabi-tabi po :-D

peace!

Goryo said...

@ Nobe : identity crisis gawa ng matatanda? hehehe

@ nancy : isa kang magandang halimbawa ng ulirang anak. =)

pchi said...

aw ewan ko sayo

basta ako bata pa ako

:D

hehe

may ibat'ibang panahon (time-frame) o period kasi sa ibat'ibang mga bagay

matuto ka munang maglinis ng bahay at magluto bago ka mag girl friend

kasi kung nabuntis mo girlfriend mo, ay nakup

ewan na lang sayo

salamat sa pagdaan

Clarissa said...

hahahahaaa!!Batang matanda?!!Ang kulit ni Mang Goryo lol!\(^0^)/

Goryo said...

@ pchi : ganun ba yun? di ba pag nag-asawa ang lalaki ung girl na ung magluluto, magwawalis? diba dapat ung girl ang dapat matuto nun? (hehe joke la-ang)

@ Clarissa : napangiti din ako nung nalaman kong napasaya ka ng mga titik at letra sa aking munting daigdig.. =)

Yen said...

Haha, kakaloka nga no? di mo alam kung san ka lulugar. Basta ako ang alam ko merong mga taong hindi tumatanda ang pag iisip. di naman autistic o me problema sa utak. Pasaway lang tlaga o kaya pilosopo.

maxivelasco said...

haha! natawa ulit ako ah!

oo nga. kakalito nga ano.. pero ngayong 30 na ang edad ko.. talagang matanda na ako. hehe.

salamat sa pagbahagi ng nakakatawang maiiksing kwentong may bahid ng katotohanan.

sana, exchange links naman tayo...

Goryo said...

@ maxivelasco : ngaun may edad na aang karamihan, it's our time to practice what we learned from our old-folks. Sabihin natiin sa mga kabataan sa tamang paraan kung bakit bata pa sila and at the same time matanda na sila.. hehe

maxivelasco said...

korek ka jan gors! hehe. kapag may anak na ako... wala pa eh.

thanks sa pag add ng blog ko rito. add ko narin blog mo sa blogroll ko.

salamat ulit! bukas na naman, balik ako dito!!!

Jez said...

HAHAHA.
May nabasa na akong ganito e. nevertheless, natawa pa rin naman ako.

NEO said...

@ Jez : sounds FAMILY ba? haha
salamat sa pagbabasa.. =)

pheng said...

dami comments..

sobrang kakatawa tong post mo! hahaha

siyetehan said...

ang nakaka amuse- darating din ang panahon na tayo naman ang magsasabi sa mga kabataan:

ang bata bata mo pa
o di kaya eh
ang tanda mo na

Goryo said...

@ siyetehan : part na ata ito ng life cycle.. hehehe

Maria said...

ito'y isang malaking conspiracy na gngwa ng lahat ng tao para mauto ang mga taong mas bata s knila..

pancinin mo na nde lng mga lolo/lola at mga magulang ang mahilig gmamit ng mga ganitong salita kundi pati mga ate/kuya sa kanilang mga nakakabatang kapatid.. Its effective kc.. hehe

Help naman po sa aking twitter dilemma

Goryo said...

@ curious_girl : parang ngaun pa lang alam mo na rin ang mga linyang bibitawan mo pag it's your turn/time na (to shine).. pero I suggest lagyan mo ng konteng twick at mejo gawin mong futuristic yung approach.. Kung tatanungin mo ako kung pano gagawin yun, hmmm diko alam.. ahihihi