May 22, 2009

Kaano-ano kaya ni Ate-V si Voltes-V ?

Hindi ko alam kung bakit napakaraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan sa mga sandaling ito. Ito kaya'y dahil sa malawakang global economic crisis at maging ang global warming na nangyayari sa ating planeta o baka naman sa dahil hindi lang ako nakapag-almusal kaninang umaga.

Isa sa mga napakasalimuot at napakalalim na katanungan na sumagi sa aking isipan na siya namang bumabagabag sa aking kalooban ay nabuo kanina lamang. Habang ako'y naglalakad sa kahabaan ng EDSA, ako'y napatingin sa kawalan at biglang gumuhit sa aking isipan ang katanungang: Kaano-ano kaya ni Ate-V si Voltes-V?




Gawang hapon si Voltes-V: May dugong hapon kaya si Ate-V o may dugong Pinoy si Voltes-V?

Pero pano magkakaroon ng dugo si Voltes-V eh Robot siya?

Baka naman Cyborg si Ate-V at magkapareho ang mga turnilyong ginamit sa kanila ni Voltes-V?

Baka naman ung espada ni Voltes-V ang nanay nung balisong ni Ate-V?

Hmmm... Ano nga ba ang tunay na koneksyon ni Ate-V kay Voltes-V?

Kung kayo po ay may sapat na kalinawan ukol sa kalabuang ito, wag po kayong mag-atubiling mag-kumento upang mapalaya ang aking abang kalooban.

Pahabol: May koneksyon din kaya si Michael V sa kanila?


10 comments:

walongbote said...

teka namamalikmata ba ako? wala paku tinatayp may comment na agad ako?.. ako ba yun? basta di ako yan..

oo nga kaano ano nga ba ni ate V si Voltes V hehehe.. Magkamaganak din kaya sila ni GARY V. ?

Marites said...

heheeheh! napanganga ako sa mga sinabi mo :)

wiLL said...

Alam mo mas maganda gawin para masagot tanong mo?
Napanaginipan ko kasi kagabi mag tatambalan daw yang 2 na yan eh.
Action Love Story daw.
Abangan natin.



Haha. Nice1.
Exchange Link tau tas Follow Me na din. haha

Goryo Dimagiba said...

hmmm.. Maaring tama ang napanaginipan mo Will.. Sapagkat si Voltes-V ang defender of the universe at si ate-V naman ang Star for all season; Kakailanganing i-defend ni Voltes-V ang star sapagkat kabahagi ito ng universe. Isa kang henyo....

chikletz said...

tama ba ang nakikita ko na may abs si ate v? fit na fit! haha!

HARI NG SABLAY said...

si voltes V ay nagiging darna pag gabi... totoo yun.

Goryo said...

Ibig sabihin Bading-Garzi si Voltes-V ?

Waterbased said...

Nice ANNALogy... :)

Kaya pala makulay si Voltes V. :)

Mike Avenue said...

Bakit hindi isinama si Gary V.?

Goryo Dimagiba said...

@Mike Avenue: Baka busy si Gary V gumagawa ng Music video na ilalabas sa Channel-V =)