May 28, 2009
Anatomy Ng Utot...
Ang pag-utot ay ilang milyong taon nang nararanasan ng sangkatauhan at maging ng sangkahayupan. Ang paksang patungkol sa utot ay bihirang napapag-usapan at napagdidiskusyunan marahil dahil ito'y mabahong usapan, maselan at jahe din. Masmadalas pa ngang napapag-usapan ang sex education kesa sa utot. Subalit sa pagkakataong ito, hayaan ninyong mapalaya ang ating kamalayan sa ilang reyalidad patungkol sa utot. Silipin natin ang ilang katotohanang taglay ng mahiwagang hangin na ito na kilala natin sa pangalang, UTOT!!
Pitch at tono ng utot
May ibat-ibang pitch at tono ang utot, kumbaga sa musiko merong utot na tunog alto, suprano at tenor. Wala pa akong nababalitaan kung meron nang ginawang pag-aaral ukol dito; Na kung ano ang pitch at tono ng boses mo eh ganun din ang pitch at tono ng utot mo. Ang mga Hapon ang kadalasan mahilig gumawa ng mga wierd na experiments at studies. Di ko din sure kung may pag-aaral na silang ginawa patungkol dito. Kung may kaukulang budget lang sana ang ating Bansa/DOST (Department Of Science and Technology) marahil magpo-propose ako na magkaroon tayo ng studies para dito (hehehe akala mo naman may kilala ako sa DOST eh no?). Anyway, napansin ko rin na ang utot madalas ay may papalakas at papahinang tunog. Sa mundo ng musika ito ang tinatawag na Cresendo at deCresendo. Sa aking palagay, may kinalaman ito sa kung papano sumigaw at bumulong ang isang tao.
Ang mga sumusunod ay nakaka-apekto sa pitch at tono at paglakas o paghina ng utot:
1. Go silently --> Sa tagalog Pagpipigil o pag-ipit sa utot. Kapag pinipigil o iniipit ng isang nilalang ang kanyang utot, may tendency itong tumaas ang pitch ng kanyang utot.
2. Go all the way --> ibig sabihin neto ay malayang pinakakawalan ng nilalang ang kanyang utot. Ang resulta neto ay mababang tono at papalakas ng tunog ng utot.
Amoy o scent ng utot
Ang amoy ng utot ay hindi bias. Ibig sabihin walang pinipili ito, hindi porket maganda o gwapo ka (tulad ko - ahem..) e mabango na ang utot mo. Hindi rin porke panget ka e mabaho ang utot mo. Depende un sa kalagayan ng iyong katawan.
Sa tanang buhay ko, dalwang amoy pa lang ng utot ang aking nagigisnan (naamoy). Isang mabaho at isang walang kaamoy-amoy. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magsagawa ng experiments at pag-aaral patungkol sa utot, pag-aaralan ko kung papa-ano mapapabango ang amoy at scent ng utot. Kung papalaring makatuklas ako ng pampabango ng utot, magandang pagkakataon ito upang makalikha ang ating bansa ng income-generating na Government owned company. Tatawagin natin ang produktong Utot-scent-booster only in the Philippines. Kaso lang ang problema sa ating bansa eh... Kung saan-saan dinadala ang tax ng masa. hay!!! walang badget..
Ang mga sumusunod ay nakaka-apekto sa amoy at scent ng utot:
1. Kung ano ang iyong kinain --> Naniniwala ako na malaking factor ito sa resulta ng amoy ng utot ng isang nilalang. Ilan sa mga pagkain na nakakadulot ng di kanais-nais na amoy ng utot ay nilagang itlog, Itlog na maalat, balot at penoy. Kaya kung aakyat ng ligaw o may aatenan na party, iwas-iwasan muna ang ganitong pagkain.
2. Kung walang laman ang tiyan --> Minsan walang-amoy at minsan naman saksakan ng baho ang amoy ng utot sa ganitong sitwasyon.
Oras at Lugar ng pag-utot
Sa di maipaliwanag na dahilan, hindi pa rin kayang i-predict ng tao kung kelan at saan siya dadalawin ng utot (maging yung uutot mismo o yung makikilanghap lang na utot). Hindi ko lang alam kung may ganitong kakayanan si madame auring at si manang bola, (kung kaya nilang hulaan kung kelan at saan sila uutot at kung kelan at saan sila lalanghap ng utot ng iba). Kung meron man sialng ganitong kakayanan, Nais kong manawagan kay madame auring kung ma-aari siyang mag-conduct ng seminar patungkol dito. Maganda rin sana itong isama sa mga experimento at pag-aaral kung meron lang sanang pagkakataon.
Ilang pananaw patungkol sa utot:
Siguro ay dapat bigyan pansin ng mga kinauukulan ang amount ng utot na nilalabas ng sangkatauhan at sangkahayupan lalo sa panahong ito na laganap na ang epekto ng green house gases na nagdulot ng gobal warming sa ating planeta. Naniniwala ako na malaking bagay din na mabawasan ang pag-utot upang mabawasan din ang pag-accumulate ng Carbon gases sa atmospera. Wala pang pag-aaral kung ilang porsyento ng green house gases ang galing sa utot. Pero malaking posibilidad na isa sa mga lahi na malaki ang kontribusyon sa green house gas na galing sa utot ay mga Intsik. Ito'y dahil sila ang may pinakamalaking lahi sa balat ng lupa.
Dahilan ng pag-utot:
Ang pag-utot ay natural tendency ng katawan para mag-labas ng Carbon Dioxide. Ang Carbon Dioxide ay isang uri ng hangin na toxic o nkakalason sa katawan ng tao. Sa isang banda, dapat tayong magpasalamat at may utot, dahil kung walang utot, malalason ang katawan natin sa Karbon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
hahaha susuporthan ko yung ggwin mong pagpapabango sa utot. para wala ng mahihiang umutot,lols
At talagang may Anatomy ng utot pala ngyon ko lang nalaman. Goodjob pare.hehehe
may anatomy pala ang utot haha!!! :)
ang utot... burp! este bow pala... ahehehe
aheheheh!,,,,
love reading the article..
aehheheh!
Great, sarap umutot by this time.
Ok to.. nag enjoy akong basahin. Somewhat mabahong usapan but definitely true and its the reality. Looking forward for more interesting post.
haha..nga naman, lahat ng tao umuutot kahit presidente pa xa ng bansang amerika.. well tao lang eh..this is the reality..
TUNGKOL Sa: Oras at Lugar ng pag-utot
- Kaaya-aya umutot sa loob ng jeep sa sumusunod na kadahilanan:
1) Sumasabay ang tunog ng utot sa *broom bromm* ng jeep.
2) Deadma ang pang-amoy ng mga kasamang pasahero dito dahil immune ilong nila sa maduming hangin sa Pilipinas.
REFERENCE:http://literantado.wordpress.com/2009/03/16/certified-for-shit-control-act-o-batas-igit-pigil/
ahaaaa..
dito pala talaga nabigyan ng malaking puwang ang KSP'ing utot..lols
very nice
ganda ng tile, bango ng topic. weheheheh. napautt pa ata ako... ooopsss... teka me sumama ata.
Natatawa ako sa profile at mga post mo pareng goryo, nakakawala ng problema. Kung saan ka masaya umotot gorz suportaan tka te.
follow your utot awww blog pala.
napakainteresting naman ng utot mo i mean ng topic mo pla haha
sana nga may mahanp ng way para bumango ang utot..lgi kse ako nabibiktima ng kuya ko pag siya ay uutot..tsk..
more power sau! goodluck
lol. ok topic ah.
allaboutevamee yellownpink starbuckscitymug
cge magkaututan na dito. hehe
totoo ka jan,pede tlga marecycle ang ating mga utot into bio gas..suportahan kita sa iyong mga adhikain
ahahaha ! dame ko nalaman sa MUSIC .. ay sa utot pala :))
sa dakong timog amerika, sa bansang Argentina (doon yata galing yung favorite kong corned beef), iniipon nila ang mga utot ng baka at ginagawang fuel para sa kanilang mga makinarya. Isang ingenius na paraan para ma-harness ang isang bagay na tila walang kabuluhan subalit maaari rin palang gamitin upang mabawasan ang polusyon at ang paggamit ng fossil fuel (langis).
Mabuhay ka sa iyong kahusayan, Koya Goryo.
@literantado : magandang ideya yan ah
@magistrate & Yen : galing naman ng ginagawang pag-rerecycle. satin kaya pano natin gagawin yan? pde kaya tayo magbaon ng supot then pag-naipon ang utot ibebenta somewhere (sa nagrerecycle)? hmmm.. LOLz
@ ALL/Lahat: salamat sa pakikilanghap nyo sa katotohanang nagmumula sa utot
nakakatawa naman. haha. :D
@ aLgene : hinay-hinay lang sa pagtawa, baka kabagan ka at kung saan pa mauwi yang kabag na yan!!! niyaha-hay!!!
hahaha
tawag sa study sa utot
UTOTOLOGY
sana isama yan na branch
ng science
Post a Comment