Madalas marami tayong mga tanong na pilit nating hinahanapan ng kasagutan. Marahil may mga katanungan ang iba, na iba sa mga tanong na meron tayo, o maari din namang may mga katanungan tayong kapareho sa tanong ng iba.
May mga tanong na maaring masagot ora-mismo at may mga tanong din na mahirap hanapan ng agarang katugunan. Minsan ang mga katanungan nati'y umiikot nalang sa ating isipan, o kaya'y madalas ibinubulong na lamang sa hangin o sa sarili.
May mga tanong na mabababaw at tanong na malalalim. May mga tanong na pambata, pang-teen-ager, tanong na pang-matanda, tanong na pang-lasenggo, pang-adik, tanong na pang-banal, tanong na pang-inhenyero, pang-tindera, pang-abnormal, pang-normal, pang-pulis, pang-kriminal, pang-pulitiko, pang-buwaya at marami pang klase ng katanungang maaring iguhit sa utak ng tao. Ang mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tayo nagpupursige sa maraming mga bagay. Kahit ano pa ang klase ng mga katanungang meron tayo, iisa lamang ang nais natin makuha mula sa mga ito, ito ay ang sapat at tamang kasagutan.
Ang mga sumusunod ay mga katanungang marahil ay kaya ninyong sagutin o maaring ang mga tanong na ito ay naitanong nyo na rin sa inyong sarili.
Bakit laging sabay ang mga mata natin kapag kumukurap?
Di ba pwedeng mauna ang isa at sumunod na lamang ung isa?
Bakit langgam ang ginamit sa Bibliya bilang simbolo ng kasipagan?
Ito na kaya ang pinakamasipag sa lahat ng nilalang?
Bakit karamihan ng tao ay kananete at hindi kaliwete?
Ano ba ang factor bakit nagiging kaliwete ang tao?
Ano kaya ang petsa at araw nung unang naluto ang kauna-unahang putahe ng pinakbet?
Sa Ilocos kaya ito naganap?
Bakit kaya umiilaw ang mga alitap-tap?
Ano kaya ang nagpapailaw sa mga ito?
May batirya at ilaw ba ang katawan ng mga ito?
Bat wala na akong nakikitang alitap-tap sa paligid?
Kung ang sakit na AIDS ay nakukuha sa dugo, maari kayang magka-AIDS ang mga lamok?
Kung hindi, maari din kayang maging kasangkapan sila sa pagtuklas sa lunas sa sakit na ito?
Ano kaya ang tagalog ng computer?
Kung wala, sino ang may karapatang lumikha ng salitang tagalog para dito?
Sa palagay nyo ba, maa-appreciate kaya ng tao ang kaligayan kung walang kalungkutan?
Mauunawaan kaya natin ang kahulugan ng kaligtasan kung walang kapahamakan?
Maiksi ba o mahaba ang buhay sa mundo pag umabot sa otsenta ang edad?
Gaano kahaba ang otsentang taon kumpara sa walang hanggan?
Ano kaya ang dahilan bakit humihikab ang tao maliban sa sinasabing antok?
May human adult na kaya ang hindi nakaranas ng pag-hikab sa tanang buhay nya?
Bakit hindi nalang dighay ang natural tendency ng katawan ng tao para maglabas ng Carbon dioxide?
Bakit kelangan pang umutot ng tao? (Jahe naman sa opis, sa nililigawan, sa party, sa loob ng fx at sa marami pang okasyon at pagkakataon)
Anong mas-gusto mo, yung utot na may tunog pero walang amoy o utot na may amoy pero walang tunog?
Bakit hanggang ngayon hindi pa natutuklasan ng siyensya kung saan talaga nagmula ang mundo at ang mga tao?
Bakit puro sila teyorya pagdating sa paksang ganito?
Kung kelangan ng oxygen para makalikha ng apoy, bakit umaapoy ang araw gayong walang oxygen sa space?
Bakit hindi nakukunsumo o humihina man lang ang apoy ng araw?
Bakit iba iba ang oras sa ibat ibang bahagi ng mundo sa iisang pagkakataon?
Bakit hindi nlang gawing iisa ang oras?
Maaari kayang hindi mangyari ang mga pangyayari na nakatakdang mangyari, at ang mga pangyayari na hindi nakatakdang mangyari ay mangyayari?
Ano kaya ang mangyayari kung magkakaganito ang mga pangyayari?
Bakit kaya may exchange gift pag Christmas?
Kelan ba ang totoong petsa ng pasko?
Kung ang buhay sa mundo ay may hangganan, ano ang pinakmainam na paraan para gamitin ang buhay?
Karamihan sa mga katanungang nabanggit ay may mga praktikal ng katugunan at kung kayo po ay may ibang katanungan o marahil ay mayroon kayong katugunan o pananaw sa mga katanungang inyong nabasa, ano pa man ito, ako poy nalulugod na makarinig mula sa inyo. Ilagay lamang po ang inyong kumento.
September 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
whee!sounds like its just for fun, but analyzing the questions will make you think critically,.,hmm.,may karagdagang tanong din po ako.,pag coffee break po ba eh dapat coffee lang ang iniinom?at pano kung gusto nyo pong sabayan ng tinapay?coffee break pa rin po ba ang tawag dun?at anong oras po ba dapat ang coffee break?sana po ay may makasagot din ng aking concern.,salamat.,
ayan oh... *nosebleed... nyahaha...
tanong ko "bakit kailangan mag trabaho? hinde ba pedeng, barter exchange na lng para di na kailangan ng pera?" hihihi!
pengot, pano kung wala kang ibabarter? as in isang plato at baso lang ang pag-aari mo sa buhay? Kakaylanganin mo pa rin magtrabaho para makabili ka ng mga bagay na ibabarter mo. (Nakup...)
eh di bato or kahit na anong pede.. dahon..kahoy etc
May kakambal daw sa sinapupunan ang isang kaliwete. Kaso lang namatay yung egg cell.
Ang unang pinakbet naluto nung April 17, 1645 sa Pampanga. Maari ako ay nagkakamali sapagkat ito ay hula lamang.
Tulad nang teoriya siyensya sa pinagsimulan ng mundo. Wala masyadong mapagbasehan kasi wala naman sila noon at walang nagdokumento noon. Ang tanging reliable lang na paraan para malaman ang simula ng mundo ay kung eto ay kung ipahiwatig or i "reveal" ng Gumawa.
Bakit hanggang ngayon hindi pa natutuklasan ng siyensya kung saan talaga nagmula ang mundo at ang mga tao?
Bakit puro sila teyorya pagdating sa paksang ganito?
Tungkol dyan, hindi natin pedeng sisihin ang syensya kung bakit hindi pa din nasasagot ang mga ganyan kakumplikadong tanong. Malaking factor dito ang simbahan. May mga pagkakataon kasi na pwede nang mabuksan ang nakatagong link kung hindi lang kontra ang simbahan.
Kahit noon pa man, bahagi ang simbahan sa pagsunog ng buhay kay Galileo sa loob ng kanyang sariling bahay, kasama ng ilang documented inventions niya. Hindi ba at dyan pa lang, malaking kawalan na ang mga nasunog na dokumento? Maaring isa sa mga dokumentong iyon ang sagot sa mga tanong na yan.
@Shela: Curious lang ako binasa mo ba o pinanuod ung Da-Vincci Code?
ang daming tanong... haha! :D may sagot naman yung iba dyan. yung iba naman, kahit siguro magresearch ka ng 10 years la pa din sagot! ^^
@ rich : baka naman pwedeng i-google yung iba jan para di na tayo abutin ng 10 years.. hehehe
aba andito pala ang ating mga ka-BS! :-)
@ pheng : cyempre naman, may mga sagot sila sa ating mga katanungan. Biblical na kasagutan. Kaya kung may mga bumabagabag sa inyo, attend kayo ng BS at tiyak kayo ay malilinawagan. OK!!
@ Michie : this post was really designed yo be critically fun.. =)
@ Alvin Fernandez : talaga? true-lalu ba yan ? hehehe
lolo bakit mo naman ako piag iisip ng ganyan??
marami din akong tanong e
bakit mainit sa pinas?
nyahaha pero sinagot na ito ng mga ulan :))
nag uuulan na..
@ si keko : mainit dito sa Pinas kasi nasa Ekwador siya.. =)
Post a Comment