April 10, 2012

Family



Family – an institution, a group and a relationship.

It is an ordinary experience to a child but an extra ordinary experience to a father and a mother. It is a special experience for both (child and parents). It is an involvement where you encounter love, hatred, joy, sadness; an experience of completeness and longing, pleasure and sacrifice. Everyone may have a different experience in every family; but whatever experience you may have right now - Know that it is a complete human experience that satisfies one purpose of living.

Family - a very special gift from God.




November 24, 2011

Voice of Truth

Bagong gising lang nag-ala "Casting Crowns" na. aw!
Anyway, hindi ito patungkol sa kumakanta... Patungkol ito sa mensahe ng kanta.. =)



Oh what I would do to have
The kind of faith it takes to climb out of this boat I'm in
Onto the crashing waves
To step out of my comfort zone
To the realm of the unknown where Jesus is
And He's holding out his hand

But the waves are calling out my name and they laugh at me
Reminding me of all the times I've tried before and failed
The waves they keep on telling me
Time and time again. 'Boy, you'll never win!'
"You'll never win"

But the voice of truth tells me a different story
And the voice of truth says "Do not be afraid!"
And the voice of truth says "This is for My glory"
Out of all the voices calling out to me
I will choose to listen and believe the voice of truth

Oh what I would do to have
The kind of strength it takes to stand before a giant
With just a Sling and a stone
Surrounded by the sound of a thousand warriors
Shaking in their armor
Wishing they'd have had the strength to stand

But the giant's calling out my name and he laughs at me
Reminding me of all the times I've tried before and failed
The giant keeps on telling me
Time and time again "boy, you'll never win!
"You'll never win"

But the stone was just the right size
To put the giant on the ground
And the waves they don't seem so high
From on top of them looking down
I will soar with the wings of eagles
When I stop and listen to the sound of Jesus
Singing over me

I will choose to listen and believe the voice of truth...


Baka po isipin nyo yung video na nakita nyo ay yung Original Version; Hindi po imitation version lang po yan. (ahihi - ma-feeling naman tong si Goryo)

Eto po yung original version -->  http://www.youtube.com/watch?v=VaVg0cWkgAw

June 6, 2011

"The Place"

Eto ang tawag kapag sinuntok ka tapos hindi ka gaano napuruhan. Gaya nang retrato jan sa baba, sinuntok sya pero di gaano napuruhan."The Place" lang ang tama.

"The place" lang...

June 10, 2010

MAGNA... c-u-m-l-a-u-d-e ?


Panahon na naman ng pasukan. Bili ng bagong bag, bagong uniform, bagong notebook, bagong ballpen, bagong libro at kung anu-ano pang bagong reketitos at epektos na ginagamit sa pag-aaral.

Naaalala ko yung advise ng aking lola nung bago ako magkolehiyo.

Sabi nya : Goryo iho, mahalin mo ang pagiging isang estudyante. Pahalagahan mo ang pagkakataong ika'y nakakapag-aaral. Huwag kang magsasawa sa pag-pasok sa eskwela. Ito lamang ang tanging maipapamana namin sa iyo na kahit kaylan ay hindi kayang nakawin nino man...

At dahil mahal ko ang aking lola at dahil masunurin akong apo, tinupad ko ang kanyang mga sinabi. Sobra kong minahal ang pag-aaral at ang pagpasok sa eskuwela.

Naging MAGNA ako sa kolehiyo. Magna-nine years, --- siyam na taon ako sa Kolehiyo. Palipat-lipat ako ng school, para lang akong nagba-bar-hopping (enjoy! - ahihihi). Anim na paaralan/campus ang aking napasukan sa loob ng siyam na taon. Pasok dito, pasok doon; In fact, sa sobrang pagmamahal ko sa pag-aaral kamuntik ko nang hindi iwanan ang estadong ito ng aking buhay.

Pero sa awa ng Diyos, sa hinaba-haba man ng prosisyon, sa graduation din ang tuloy. Nagtapos ako sa kursong Computer Science. At dahil may koneksyon ako, nakahanap agad ako ng trabaho isang buwan matapos ang aking graduation. Ako ay na-hire sa TOSHIBA PC Manufacturing (laptop)  bilang isang System Engr., ito ang aking unang trabaho. Ang tanging naging koneksyon ko mula nung panahon na iyon hanggang sa ngayon ay walang iba kundi si Lord.

PRAYER -- it is not an extra option or the last resort when all other methods have failed... When man works, man works. But when man prays, God works!

April 24, 2010

SeNTi



Niyaya mo akong, mamasyal sa ZOO
Ang sabi mo kase, kaylangan mo ng kasama
Sumama naman ako, kase crush kita noon pa
Kung sabagay, gusto ko na ring mag-ka...
alam mo na..

Pagkatapos kumain tayo sa labas
Kuwinento mo ang 'yong nakaraan
Iniwanan ka pala ng 'yong boy-pren
Kase ayaw niya ng bago mong buhok...

Mahal ka ba nya, talaga?
Mahal ka ba nya, talaga?

Inaliw kita... tawa ka nga ng tawa eh - waaa hahahaha!!!
Sinabi mong, huwag kitang iwan ayaw mong mag-isa
OK lang sa akin, abutin man ng umaga
Lahat ay gagawin, para ka lang mapasaya...

Mahal ka ba nya, talaga?
Mahal ka ba nya, talaga?

Ako mahal kita...
Mahal na mahal... Mahal na mahal...
Mahal na mahal... Mahal na mahaaaaaaal...

Alam mo, ang saya natin noh?
Sa Zoo, sa Zoo, sa Zoo, Sa Zoooooooooo....

January 8, 2010

Man In the Mirror

Humihingi po ako ng paumanhin sa mga kabarka-blogs ni Lolo Goryo sa kadahilanang ako'y matagal-tagal na nawala sa mundo nang ka-blogs-tugan. Por-yor-impormeysyen po eh, I took a break, I tried to set free from the distress and desolation of this corrupt and evil world. I tried to find my peace and searched for myself... I dared to set my eyes on the marvel of creation, the relaxing view of the plants, the animals, the beauty of the sea, the magestic scenery of the mountains, the heavenly bodies and the blue skies... There was joy in my heart... I had a smile on my face... And then I looked at a mirror... And while looking at the mirror, I heard a clear voice of a woman speaking to me saying --- " Hoy Goryo, ba't ba na-ngu-ngulangot ka lang eh nagpapacute ka pa sa harap ng salamin? Pangiti-ngiti ka pa jan, nasisiraan ka naba ng bait? Umayos ka nga jan! Maghugas ka ng kamay at i-adobo mo itong sitaw nang may maulam naman tayo!".

Pambihira Lola ko pala yun. Sayang, na-istorbo ang moment ko...

Anywayz.. Salamat po sa inyong patuloy na pagbisita sa aking mumunting tambayan. Makaka-asa po kayo na sa mga darating na araw, linggo at buwan ay dadalwin ko na ulit kayo at magkakakwentuhan na muli tayo sa mundo ng blogsperyo.

Mabuhay po ang mga Pinoy-Pinay Bloggers!!!

Man in the Mirror
(by: Michael Jackson)

I'm starting with the man in the mirror
I'm asking him to change his ways
And no message could have been any clearer
If you wanna make the world a better place
Take a look at yourself and then make a change, yey
Na na na, na na na, na na na na oh ho

Gotta make a change
For once in my life
It's gonna feel real good
Gonna make a difference
Gonna make it right

As I turned up the collar on
A favorite winter coat
This wind is blowin' my mind
I see the kids in the street
With not enough to eat
Who am I to be blind
Pretending not to see their needs

A summer's disregard
A broken bottle top
And a one man's soul
They follow each other
On the wind ya' know
'Cause they got nowhere to go
That's why I want you to know

I'm starting with the man in the mirror
I'm asking him to change his ways
And no message could have been any clearer
If you wanna make the world a better place
Take a look at yourself and then make a change, yey
Na na na, na na na, na na na na oh ho

I've been a victim of
A selfish kinda love
It's time that I realize
There are some with no home
Not a nickel to loan
Could it be really pretending that they're not alone

A willow deeply scarred
Somebody's broken heart
And a washed out dream
(Washed out dream)
They follow the pattern of the wind ya' see
'Cause they got no place to be
That's why I'm starting with me

I'm starting with the man in the mirror
I'm asking him to change his ways
And no message could have been any clearer
If you wanna make the world a better place
Take a look at yourself and then make a change

October 30, 2009

Undas



Kelan pa natuto mag-fiesta ang mga patay (pista ng patay)...

Sino ang nagturo sa mga patay para mag fiesta...

Bakit pag pista ng patay andaming buhay sa sementeryo..

Ito ba'y isa sa mga sanhi ng climate change at Crime-rate change...

Ano ba !?

October 8, 2009

Itim Na Kaldero



Ang flip-flops ko'y makapal na Rambo
Ito ang nakayanan ng budget ko
Naipon mula sa pinagbentahan ng munggo
Siyang ulam din namin ng isang Linggo

Ang bulsa ko ngayon ay humihingal
Sa tinapa na dati kong almusal
Maging pritong tuyo ngayon ay matumal
Dahil sa halaga ng perang sa mga buwitre ay banal

Talbos ng kamote ay masustansiya
Kahit pa uma-umaga
Kasabay ng Sinangag na dating tutong
Pamatid gutom sa maghapon

Limam-piso bawat galon kung umigib
Panulak ko'y pinakuluang tubig
Ang tingang kumapit sa gilagid
Tinangay ng panulak kong masigasig

Ang lechong pangarap ng dila
Inagaw ng makapangyarihang buwaya
Kinulimbat ang imbakan ng masa
Kayat pagkain nya'y abot ngala-ngala

Kelan kaya ako makakatikim
Ng pang-maharlikang pagkain
Kung ang puso ng mga kumukup-kop sa amin
ay Parang sa kalderong ubod ng itim...


Itim Na Kaldero
by goryo dimagiba : copy right © 2009


September 13, 2009

Nongta...


Napapansin ko na parang lumolobo ang bilang ng mga homosexual sa ating bansa at tila baga pati sa buong mundo. Maaring advantage ito sa mga pure breed na katulad ko dahil nababawasan ang threat na may kaagaw sa mga chika-babes na matitipihuan namin.

May isang tanong na nabuo sa loob ng isang mapanuring kaisipan na siya namang nais kong ibahagi sa inyo.

Ang bakla ba kapag nagka-amnesia bakla pa rin?

Naitanong ko rin ito sa ka-opisina kong gay, pero pati siya hindi niya alam.. In fact naiintriga rin daw siya..

Kung magkaganun, maari kayang sa isipan lang ang pagiging bading?

Maaring dalawin ang link sa ibaba upang maunawan ang Biblikal na pananaw patungkol sa gawaing-homosexual

Link --> : Sodom and Gomorrah

September 5, 2009

Rolyo ng Tisyu


Noong bata ako pakiwari ko'y angbagal-bagal niya. Madalas ko siyang inaabangan at parang angtagal bago siya makarating. Tuwing sa pagsapit ng ang aking kaarawan, pagsapit ng pasko, kapag mag-school break o bakasyon, at pagsapit ng pasukan siya lamang ang lagi kong inaabangan.

Ngunit ngayong ako'y ganap na mama (ginoo) na, pakiwari ko'y bumibilis na siya. Madalas halos bawat araw ay pinipilit ko siyang masabayan. Ngunit kahit anong bilis kong kumilos, mahirap siyang habulin at tunay ngang ramdam ko ang kanyang biglang pagtulin. Matagal pa naman bago ako maging Senior Citizen, Pero pag inabot ko ang edad na yun, ano na kaya ang eksena namin? Hihintayin ko kaya siya ulit o patuloy ko siyang pilit na hahabulin.

Ang oras... mahirap hintayin at mahirap habulin. Maaaring maalala pero hindi na maaaring balikan. Puwedeng sabayan pero hindi pwedeng maunahan.

Subalit habang sinusulat ko ang post na ito, bahagyang napatingin ako sa relong nakasabit sa ding-ding. Pinagmasdan at inobserbahan ko ito ng mga limang segundo. Napagtanto ko na hindi nagbabago ang bilis ng pagkilos at pagtakbo ng kanyang mga kamay, kung gaano siya kabilis noon ganun pa rin pala ang bilis niya hanggang ngayon. Sa sandaling iyon, naunawaan kong hindi siya ang bumibilis o bumabagal. Ang takbo ng buhay, ito pala ang nagbabago. Para itong isang sasakyan, sa umpisa primera, segunda lamang ang takbo sa kalagitnaan maaring siyento bente ang harurot nito, pagdaka'y dadating ang panahon na kaylangan nitong huminto.

May narinig akong kasabihan sa wikang ingles:

Life is like a roll of a toilet paper, the closer it gets to the end, the faster it goes...


August 22, 2009

Reyalidad

      Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin, napansin kong tumatagaktak ang aking pagmumukha sa kaguwapuhan at labis-labis na nang-gigitata ang aking pangangatawan sa kamachohan. Napansin kong nag-uumapaw sa kakisigan at kagandahang lalaki ang repleksyong aking pinagmamasdan sa harap ng salamin. Habang ninanam-nam ko ang pagtitig sa aking sarili sa salamin sa mga sandaling iyon, biglang may ingay na naulinigan ang aking tainga. Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog, at nung mga oras na iyon napagtanto kong ako'y nananaginip lang.

Sayang...

Pero mainam na rin at ako'y nagising. Kung hindi, malamang tuluyan nang naitago sa akin ang tunay na kahulugan ng kagandahan (kaguwapuhan).


akala ko ako ito, yun pala ako nga

(ibang level ng kahibangan na toh.. ahihi)


Pagbigyan nyo na po ang Lolo Goryo, ganyan talaga pag nag-uulyanin at nagkakaedad na.

August 15, 2009

Biyahold-up


Biyahilo ang tawag natin kapag nakakaranas ng pagkahilo kapag buma-byahe, siguro maari nating tawaging biyahold-up kapag nakakaranas ng hold-up kapag buma-byahe.

Hindi natin alam kung kelan aatake ang hold-up, pero maigi ang laging nag-iingat at laging mapagmasid. Lalo kapag gabi ang byahe at ika'y aantok-antok, kaylangan meron kang on the spot na pangontra sa biyahold-up na yan.

Meron akong isang Tip kung paano maaring kontrahin ang biyahold-up. Dila o tounge lang ang gagamitin. Hindi ito Ninja technique na kagaya ng mga techniques na ginagamit ni Naruto. Ito'y normal na proseso at kayang-kayang gawin ng normal na tao.

The story of that technique goes a little bit something like this:

Sa mga pelikula na ating napapanuod, eto ang mga madalas sinasambit ng mga hold-upper..

Walang kikilos ng masama hold-up toh!!!

Eto naman ang maaring pangontra sa mga ganitong klase ng holdapan gamit ang inyong dila. Sabihin niyo lang ang ganito.. (pasigaw)

Hoy!!! mamang hold-upper!!! Ang lakas ng loob mong magsabi ng wag kikilos ng masama...
Anong ka-dramahan yan!!? Ano kaya ang tawag sa kinikilos mo noh? haller!!!


Yan.. mga ganyang banat, tingnan lang natin kung hindi matauhan ang hold-upper na yan di ba?

August 13, 2009

postless


Kung walang PUNTO, pointless
Kung walang GAMIT, useless
Kung walang KULAY, colorless
Kung walang BUHAY, lifeless
Kung walang LASA, tasteless
Kung walang TAHANAN, homeless
Kung walang TULOG, sleepless
Kung walang TRABAHO, jobless
Kung walang TAKOT, fearless
Kung walang PAG-ASA, hopeless
Kung walang TULONG, helpless
Kung walang AMOY, odorless
Kung walang MASABI, speechless
Kung walang LIKOD, backless
Kung walang DAMIT, borless
Kung walang BAGA, TB
Kung walang SIGNAL, can not be reached
Kung walang ma-i-POST, postlesss

wala lang...

Para mas maging makabuluhan ang post na ito, gusto kong pasalamatan si ♥superjaid♥ dahil sa isang napaka-flattering na award na kanyang inihandog.. Creative Blogger Award na nilagay ko sa aking award-shelf dito --> Parangal-awards

Nais ko rin ipasa at ibahagi ang award na ito sa inyong lahat na tumatangkilik at lumilikha ng Pinoy blogs.

Tenchu berimats.... =)

August 9, 2009

Tag At Limousine

Ako po ay nakatanggap ng tag mula sa isa sa ating mga kaututang blog. Kung ano po ang TAG.. di ko po alam ang buong kahulugan ng salitang yan pagdating sa mundo ng Mundo-Malawak-Sapot o World-Wide-Web. Ang alam ko lang pagdating sa blogging ay; Kung ano ang pi-nost ng nag-tag sa akin, ganun din ang ipo-post ko. Pero bago ko ihayag ang tag na iyon hayaan niyo munang ilahad ko ang ilang reyalidad patungkol sa Limousine ng bayan, ang MRT.

Ilang taon ko na ring sinasakyan ang MRT; sa MRT ang byahe ay walang traffic at mabilis. Subalit may ilang mga hassles tayong mararanasan sa pagsakay sa Limousine ng bayan na ito, lalo kapag sasakay tayo during Rush Hours.

1. Stop Entry
Madalas itong mangyari lalo sa may North Station. Minsan pag nag stop entry ang Pila paakyat sa MRT ay umaabot na sa NLEX (North Luzon Expressway) - exsage!!

2. Samson Passengers
Mga pasaherong mala samson ang enerhiya kapag nagtulak. Yung tipong sa sobrang lakas ng tulak eh kulang nalang lulusot kana sa kabilang pinto ng tren. Minsan naman tatayo ka lang sa harap ng pinto, pagbukas na pagbukas ng pinto ng tren di mo namamalayan nasa gitna kana ng tren dahil sa tulak ng mga Samson Passengers.

3. One Square inch
Pag nasa loob ka na ng tren tila baga One Square inch nalang ang area na tinatayuan mo dahil sa sobrang sikip. Ni hindi mo na masungkit ang kulangot na nakasabit sa ilong mo. Yung tipong pag nangulangot ka eh aawayin ka ng katabi mo dahil dudugo ang ilong nya dahil matatabig mo siya. (cool)

Minsan naisip ko tuloy -- Bakit di kaya i-sub-contract ng MRT ang Camella para malutas ang problema sa kasikipan ng kanilang mga train?



Bulilit (by Camella)


Anyway eto na po yung paksa mula sa tag na natanggap ko galing kay Karen. Ito ay patungkol sa kalalagayan ko sa ilang aspeto ng Buhay.

PAMILYA/FAMILY
Cool.. Thank God, HE makes everything OK within the family..

PAG-IBIG/LOVE
Cool.. Thank God, HE makes everything OK with regards to Loving my family, Loving my neighbors and Loving my love-ones.. Thank God HE loves us unconditionally and immeasurably...

PINANSYAL/FINANCIAL
Cool.. Thank God, HE is our Great provider... God's economy is different from the worlds economy.. =)

PAGKILOS/MOVING/ACTION/ACTIVITIES
Cool.. Thank God, HE is in control over all of my life's activities.. Without Him I can do nothing..

Anything can be cool if God is in the center of our Lives..

JEREMIAH 29:11 - 13
11 For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. 12 In those days when you pray, I will listen. 13 If you look for me wholeheartedly, you will find me.


August 2, 2009

She's Out Of My Life (replay)

FYI: Ang entry na ito ay urihinal na naipaskil noong buwan ng Marso dos-mil-nuwebe

Ika-walo ng umaga, Martes, Ika-labimpito ng Marso Dalawanlibo at Siyam.
Panahon ng summer subalit maulan, marahil bunsod ito ng global warming at climate change.


Maaga pa lamang ay kasama ko na siya. Sa loob ng FX ay nahihirapan akong huminga. Hindi ko mailabas kung ano man ang nasa aking kalooban. Nakakahiya sa kapwa ko pasahero. Sapagkat kulob ang FX, kahit mahinang bulong ay maaring marinig. Pinilit kong itinago ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang ilan sa mga pasahero ay mahimbing na natutulog dahil siguro sa puyat at pagod at dahil kailangan din nilang gumising ng maaga upang makapasok sa trabaho. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pagka-antala ng kanilang panandaliang pamamahinga at pag-idlip sa loob ng sasakyan.

Tiniis ko ang pagsisikip ng aking dib-dib, mahirap huminga sa ganitong kalagayan. Tahimik lamang ako at hindi nagsasalita mula Zabarte hangang Quezon Avenue. Lumipas ang ilang oras at pagdaka'y narating din ng sasakyan ang MRT-Quezon Avenue. Dali-dali akong bumaba sa FX, maraming tao sa kalsada, naglalakad, patungo sa kung saan. Hindi pa rin tumitila ang ulan at hindi pa rin ako naiibsan sa aking nararamdaman.

Nagtungo ako sa isang lugar na kung saan hindi ako gaano mapapansin. Dagli-dagli kong inilabas ang tissue mula sa aking bag at akoy suminga. Haaaaay ang sarap at lumuwag rin ang aking pakiramdam. Biglang umaliwalas ang aking mundo, kanina pa nakabara ang sipon na iyon sa ilong ko.

Pag-lipas ng ilang segundo ay aking naulinigan ang awitin ni Michael Jackson na pinamagatang She's Out Of My Life.

She's out of my life
She's out of my life
And I don't know whether to laugh or cry
I don't know weather to live or die
And it cuts like a Knife, She's out of my life

She's out of my hands
It's out of my hands
To think for two years she was here
And I took her for granted I was so Cavalier
Now that the way That it stands, She's out of my hands

So i've learned that love's not possession
And i've learned that love won't wait
And I've learned that love needs to wait
Now But i've learned that love need to be expressed
But i've learned too late

She's out of my life
She's out of my life
Damned Indecision and cursed pride
Kept my love for her looked up deep inside

and it cuts like a knife
She's out of my life...


Nung mga oras na iyon, naalala ko ang aking sipon, She's out of my life...

Natutunan ko na ang sipon pala ay parang isang kaibigan. Ano mang lagkit at hirap ang inyong pinagdaanan, dadating at dadating ang panahon na kayo'y magwawalay at ika'y kanyang iiwan. Ganun pa man, meron at meron ding darating na mga bagong kaibigan. Tulad din ng sipon, kakasinga mo pa lamang, maya-maya'y meron ka na namang mararamdaman.

July 27, 2009

Quiz-tune : Part 2

Sa buong mundo, may tanong na bang hindi pa naitatanong?

Kung meron nga, ano ang tanong na ito, at ano rin ang sagot sa tanong na ito? (malamang hindi pa ito nasasagot, kasi nga naman hindi pa nga naitatanong)

Kung nagtataka kayo kung bakit Quiz-tune : Pat 2 ang pamagat ng post na ito, i-click ang link sa baba at makikita ang Part 1.

Pasensiya na kung may Part 2 at Part 1 pang nalalaman si Lolo Goryo. Ganyan ata talaga pag nagkakaedad na.




Quiz-tune : Part 1



July 22, 2009

Awit Sa Tag-Ulan


Sa mga nagdaang araw, napansin kong marami sa mga kababayan nating blogista ang nagpaskil ng kani-kanilang blog entry patungkol sa ulan. Marahil dahil sa ang panahon ay maulan na. Subalit ang nakita ko; halos karamihan sa mga naipaskil na blog entry ay puno ng emosyon at kalungkutan.

Ito ay isang patotoo na kapag tag-ulan o maulan, nagiging ma-emosyon (emo) at sentimental ang mga tao lalu na tayong mga Pilipino. Ito rin (emo sa tag-ulan) ay naranasan ko nung mga nagdaang araw. Isang araw habang bumubuhos ang napakalakas na ulan, dumungaw ako sa binta at nakita ko ang malalakas na patak at pag-daloy ng tubig sa kapaligiran. Nang mga panahong iyon, naalala ko ang aking lolo at ang awiting itinuro niya sa akin nung ako ay bata pa at siya ay nabubuhay pa.

Ramdam ng aking dib-dib ang bigat ng mga patak at bilis ng pagdaloy ng tubig sa paligid kasabay nang awiting tumutog-tog sa aking isipan. Awiting puno ng damdamin... Awiting maimpluwwensya at makabuluhan... Awiting humuhubog ng puso at isipan.. Awiting gumigising sa kamalayan... Awiting mahirap makalimutan...

Awiting....

Rain, rain Go Away!!!
Come again, another day!!!
Little Goryo wants to Play!!!
(ulit-ulitin hanggang magsawa)

Ikaw, ano ang awit mo sa Tag-Ulan? =)

July 18, 2009

Ang Lagnat (a tribute to AH1N1)

By: Goryo Dimagiba

Ang lagnat ay lagnat at hindi sipon
Mapula ang mata may bara ang ilong
Plemang malagkit at sobrang kapal
Suminga, umubo, di pa rin tanggal

Walang ganang kumain, mejo inaantok
Ulo'y nabibiyak, nangangalay ang batok
Masakit ang buto at kasu-kasu-an
Nangi-nginig ang masel pati kalamnan

Maga ang tonsils pati ngala-ngala
Masikip ang dib-dib, hindi makahinga
Yellowish at brownish ang plemang malagkit
Slimy ang dura, sa ding-ding kumapit

Antaas ng araw pero naka-jacket
May laway ang unan, may sipon ang blanket
42 degree-celsius, nag-hallucination
Umakyat sa bundok, sa balon tumalon

Nabo-bore sa kwarto walang ibang magawa
Uupo, hihiga, tatayo, dadapa
Nanuod ng TV, ang sabi ay ganto'
Babangon ka sa flu kapag bio-flu.

July 1, 2009

Huwag Papa-apek-2

Nabasa ko ang artikulong ito sa isang email na natanggap ko mula sa isang grupo na sinalihan ko sa YAHOO groups. Minarapat kong i-copy and paste ang nilalaman neto dahil sa aking pananaw malaking bagay ito para i-inspire ang sino-man na makabasa dito.

Sana maipasa ito sa maraming tao lalu na sa mga kababayan nating nangangarap baguhin ang kanilang mumunting mundo.


Critics - By Donald Trump

I’ve had my fill of naysayers and critics. To me it’s a negative approach that doesn’t serve any purpose. Here’s a quote by Theodore Roosevelt that I keep handy because it’s so right on:

It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better.

The credit belongs to the man who is actually in the arena: whose face is marred by the dust and sweat and blood; who strives valiantly; who errs and comes short again and again...

who knows the great enthusiasms, the great devotions and spends himself in a worthy cause; who, at the best, knows in the end the triumph of high achievement, and who, at the worst if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who know neither victory or defeat.


Ang husay diba? Kelangan maraming fifol ang makavasa neto nang ma-inspire naman zila. Pwede mo din i-copy paste ito tapos i-post mo sa kung saan-saan.

Sa kalye, sa mga CR, sa mga entrance ng mga buildings pati na rin sa mga exits, sa tren, sa bus, sa taxi at tri-sikel, sa t-shirt, sa bahay, sa opis, sa blog, sa website, sa application letter, sa resignation letter, sa letter of condolences, sa plato, sa batya, sa inododro, sa diploma, sa bote ng beer, sa eteketa ng pulutan, sa pera, sa government opis, sa upuan, sa mesa, sa kama, sa arinola ni lola, sa sampayan ng kapit-bahay, sa likod ng selda, sa screen ng TV, sa tambayan ng mga adik, sa prisinto, sa nuo ng tao, sa pwet ng elepante, sa kile-kili ng genie, sa imburnal, sa istero, sa Payatas, at higit sa lahat i-post mo ito sa puso't isipan mo. Malamang sa malamang makakamit mo ang pangarap mo. Huwag kang papa-apekto sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao tungkol sayo', humayo ka at abutin mo ang mga pangarap mo...

June 29, 2009

Tu-OL Pinoy-Pinay Prendli-Bloggers


Sa loob ng ilang buwang pagba-blog ni Lolo Goryo, nadiskubre niyang maraming Pinoy at Pinay bloggers na napakagigiliw, napakahuhusay at napaka-prendli. Karamihan sa kanila ay naidag-dag na sa blog-roll ni Lolo Goryo.

Ang ilan po sa kanila ay nagbigay ng prendli-tokens at awards. Minarapat kong ilagay sa post na ito ang mga tokens na yan bilang simbulo ng pag-bibigay halaga sa mga prendli Pinoy at Pinay bloggers.

I-click ang mga piktyur upang makita ang pinagmulan (mga salarin).

Galing kay chielschikka


Galing kay ♥superjaid♥


Galing kay Rosie


Galing kay Gi-Ann


Galing kay Yen


Sa inyong mga ka-ututang blog ni Goryo, daming tenchu sa inyo!! Mabuhay Kayo!! (pati na rin ako - ahihihi)