September 5, 2009

Rolyo ng Tisyu


Noong bata ako pakiwari ko'y angbagal-bagal niya. Madalas ko siyang inaabangan at parang angtagal bago siya makarating. Tuwing sa pagsapit ng ang aking kaarawan, pagsapit ng pasko, kapag mag-school break o bakasyon, at pagsapit ng pasukan siya lamang ang lagi kong inaabangan.

Ngunit ngayong ako'y ganap na mama (ginoo) na, pakiwari ko'y bumibilis na siya. Madalas halos bawat araw ay pinipilit ko siyang masabayan. Ngunit kahit anong bilis kong kumilos, mahirap siyang habulin at tunay ngang ramdam ko ang kanyang biglang pagtulin. Matagal pa naman bago ako maging Senior Citizen, Pero pag inabot ko ang edad na yun, ano na kaya ang eksena namin? Hihintayin ko kaya siya ulit o patuloy ko siyang pilit na hahabulin.

Ang oras... mahirap hintayin at mahirap habulin. Maaaring maalala pero hindi na maaaring balikan. Puwedeng sabayan pero hindi pwedeng maunahan.

Subalit habang sinusulat ko ang post na ito, bahagyang napatingin ako sa relong nakasabit sa ding-ding. Pinagmasdan at inobserbahan ko ito ng mga limang segundo. Napagtanto ko na hindi nagbabago ang bilis ng pagkilos at pagtakbo ng kanyang mga kamay, kung gaano siya kabilis noon ganun pa rin pala ang bilis niya hanggang ngayon. Sa sandaling iyon, naunawaan kong hindi siya ang bumibilis o bumabagal. Ang takbo ng buhay, ito pala ang nagbabago. Para itong isang sasakyan, sa umpisa primera, segunda lamang ang takbo sa kalagitnaan maaring siyento bente ang harurot nito, pagdaka'y dadating ang panahon na kaylangan nitong huminto.

May narinig akong kasabihan sa wikang ingles:

Life is like a roll of a toilet paper, the closer it gets to the end, the faster it goes...


49 comments:

Superjaid said...

Sabi nga nila ang oras daw ang pinakamapaglarong bagay, kapag hinihintay mo lalong bumabagal kapag hinihiling mo namang bumagal ito lalo naman itong bibilis

Goryo said...

@ ♥superjaid♥ : ganun pala yun. anong dapat gawin para fair lang siya, yung hindi gaanong mabagal at hindi rin gaanong mabilis?

pmm012 said...

tama. toilet paper. hindi bumubilis ang oras, dumadami lang ang pinagkakaabalahan at iniintindi habang tumadanda. kaya dapat paminsan minsa, tumigil tayo.

Goryo said...

@ pmm012 : minsan kaylangang kumawala panandalian sa mundo ng reyalidad...

Led said...

uy... quotable quotes haha. XD

Apple said...

your post makes me sad.. habang lumilipas ang panahon, tumatanda tayo, tumatanda ang magulang naten.. soon, we will be left with memories.. haayy. wala lang nalungkot ako. ang bilis nga ng panahon.. kanta na lang tayo :)

"Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangan lumisan"

Hari ng sablay said...

ambilis nga ng oras ngayon dahil kasi tumatanda na tayo, may narinig din akong kasabihan sa english, time is gold, hehe korni.

Anonymous said...

hayy buhay talaga o.. di mo alam kung anung kahihinatnan. habang tumatanda, naluluma, bumibilis ang oras. tama ka na sa susunod ndi na natin ito mahahabol kasi uugod ugod na tayo..

=supergulaman= said...

ang hiwaga ng panahon...hindi ito mapapabilis o mapapabagal sa paraang gusto natin..kahit anong naisin natin, wala tayong magagawa kundi sumunod sa takbo nito....

...anu kaya ang nais ng mga taong nakamit na ang layunin sa buhay? mabilis na panahon para sa kanilang pagpanaw o humiling ng mabagal na pag-usad?...

Goryo said...

@ Led : actually sa isang radio station ko narinig yan.. madami pang kasamang quotes yan eh.. yung isa about forgiveness:

I've learned that if you do not forgive someone about the wrong things he has done to you, the more that you allow that person to hurt you (mga ganyang banat.. ahihihi)

@ Apple : kakalungkot na kanta yan.. huhuhu yung Fine Time nalang ng e-heads.. mejo may touch na naghahangad ng longer time..

I hope that we could spend more time together...
A few hours is better than ever...
If we could only make it longer...

Goryo said...

@ Hari ng sablay : NAku kung literal lang ang kasabihang yan, Siguro andaming TIME sa M-Lhulier at Tambunting.. ahihihi..

@ chikletz : sa tingin ko, sa isang banda ok din lang bumilis ang oras para sa-tin.. kasi ibig sabihin nun nagma-mature tayo at isa pa nagiging masresposable tayo sa mumunting panahon na pinahiram satin..

Goryo said...

@ =supergulaman= : salamat sa iyong kumento, parang kumento talaga ng isang super hero.. ahihi

Super Gulaman ang super Hero na lumulunok ng gulaman...

Ding ang bato!! este ang Gulaman pala!!!

hehehe salamat ulit repapips..

Madame K said...

hirap ngang labanan ang oras.. hayyy.. helpless ka talaga., ahz in wala ka talagang magagawa..

rac said...

galing neto! ako masyado akong stuck sa past. kahit ang bilis ng panahon.

tey said...

mahirap habulin ang oras...ang tao kapag napagod pwedeng huminto pero ang oras habang pinipigil pakiramdam natin lalong bumibilis...
may kasabihan nga ang pwede mong gawin ngayon wag mo ng ipagpaliban pa... sayang ang oras...
ang buhay nga parang rolyo ng tissue paper...kapag malapit ng maubos mabilis na ikot...sana may mapulot tayong aral...

meow said...

very true ito!!! timing, dahil i was thinking of some things that i like to do, but can't now...

Dhianz said...

naks.. i like dat quote... yeah make sense... like pag bata kah... can't wait to grow up.. ang bagal nagn paglaki... tapos... somewhere in d' middle.. parang pause saglit ang buhay moh... hanggang patanda nah na where mostly nang tao narerealize ang importance nagn bawag segundo.. at yeah pabilis nang pabilis itoh and any second could be d' last.. at 'unz nga.. darating ang time... wether we like it or not.. it'll stop...

ahhh reminds me of too.. kapag hinihintay moh ang isang minuto.. graveh agn bagal... pero kapag dme dmeng ginagawa eh parang ang bilis bilis nagn oras.. tsk...

dmeng sinabi.. may sense bah... pero lab 'ur entry... ingatz. Godbless! -di

Anonymous said...

nakakalungkot naman,, gusto ko din bumilis ang oras ng pag tanda ko, para magawa ang maraming bagay. pero dahil sa post mu lolo,, parang ayoko na.. sana poreber 18 na lang ako.

Goryo said...

@ Madame K : sabi nga ng iba, sometimes time is our friend, sometimes time is our enemy... totoo kaya yun?

@ Rors : anong bahagi ng past yun? bka pwde mong i-share at bka may matutunan din kami.. =)

Goryo said...

@ tey : what you ca do today don't leave it for tomorrow.. simple pero makatotohnan at makabuluhan... nice =)

@ meow : ano kaya yun? naintriga ako ha..

Goryo said...

@ Dhianz : andami nga nun nasabi mo ha.. muntik kulangin sa time.. hehe cool..

@ kox : may kanta akong naalala sa sinabi mo.. ang sinasabi ng kanta ganto:

forever young... i want to be forever young...
do you really want to live forever... forever...

forever young...

DRAKE said...

Ang tissue paper ay parang buhay ng tao, habang tumatanda tayo bumibilis ang takbo ng buhay natin.

Pero sa huli ang kahalagahan ng tissue paper sa buhay ng tao ay..........pamunas ng tae!hahahah

Ingat

Goryo said...

@ DRAKE : kapag nag-CR ka at walang tissue at nawalan din ng tubig sa Gripo... Time will not be your enemy, Jebs will be your enemy... nyay!!

ACRYLIQUE said...

Naniniwala ako dun Lolo.
Pero mas naniniwala akong gaano man kahaba o kaikli ang...buhay. Ang mahalaga kung gaan ito naging makatuturan sa iyo at sa iba. Mabilis man o mabagal. matigas o malmbot. Essential pa rin.

Sa bukid walang papel. pero may joy bathroom tissue. :)

Louie said...

Time is Gold? DUH! have fun habang buhay ka hehe...

Trainer Y said...

bukod sa pagbabago ng buhay...
pati tayo.. nagbabago din..
change is constant..
its the only things thats constant in this world..
kailangan natin makisabay sa agos ng pagbabago otherwise we'll end up lost...

Goryo said...

@ ACRYLIQUE : tumpak ang mga sinabi mo kaibian.. pero yung sa huli.. hmmm.. parang napanuod ko yan sa TV ha..

@ Louie : oo nga may point ka dre.. salamat sa pagbisita...

@ YanaH : naalala ko si Jo-marie chan, yung kanta nyang constant change.. remaps ano nga pala yung mga itatanong mo po ke Lolo Goryo? hihi

gege said...

tama tama!

habang papalapit na ang graduation namin...

feeling ko ang bilis bilis ng oras!
feeling ko di pa sapat ang mga minuto naming magkakasama!
haist,
pero kailangan magpatuloy!
hindi titigil sa pagtakbo ang oras sa pageEMO ko. :P

hai lolo!

tagal kong di nabisita... sira kasi PC namin ee. kaya ito... ngayun lang nagkatime at sinipag magNET. haist.

sisikapin ko pong dumalaw palagi at makapagpost!

miss you lolo!

:P

patola said...

siguro we should make the best of our time nalang po siguro.. every second mahalaga para makagawa tayo ng makabuluhang bagay hindi lang para saating sarili kundi para rin sa ating kapwa.. :)

Goryo said...

@ gege : mag-aral ka ng mabuti iha, para pag nilingon mo ang oras walang paag-sisisi na iikot sa isip mo pagdating sa pag-aaral.. tats naman ako at na-miss mo ang lolo.. apir!!!

@ patola : maganda ang iyong sinambit kaibigang gulay... mabuhay ka!! sana marami pang mga gulay na kagaya mo ang tumubo sa balat ng lupa...

Walongbote said...

0o nga yan ang pinaka mahirap na kalaBan ang pagtanda. Lalo na yung wala man lang nanyayari sa buhay mO.. Samantalang wala xang tiGil sa pagtakbo.

Yami said...

ayokong isipin ang pagtanda, hehe.

at naubos na ang supply ko nakalimutan ko pang bumili.

salamat po sa pagbisita. :)

may bago pala akong site, bisita ka rin pag may time ka dito sa yamtorrecampo.blogspot.com. salamat po kapatid. :)

ROM CALPITO said...

ang galing naman ng entry mo parekoy lolo

kailangang sabayan natin ang paglipas ng bawat sandali sa bawat patak ng orasan kailangang isabay natin ang ating isipan kung ano ang magagawa para sa kinabukasan. kailangan nakaplano ang lahat,

dahil kung hindi... maiiwanan ka ng panahon. hangang pangarap nalang ang lahat.

Reagan D said...

korek!kaya dapat dahandahan lang tayo sa harurot ng buhay, para walang mamiss.
at icheck muna bago mag palikuran kung may tissueng nakasabit.

hehe

Arvin U. de la Peña said...

ayos ang post mong ito..ang oras nga naman..

Liam said...

gawin na ang dapat gawin habang may oras ka. hindi ka ililigtas ng mundo pag naubusan ka ng oras.. :D

Mish said...

lolo goryo, agree ako kay pmm012, pakiramdam lang natin mabilis ang oras kasi sa dami ng gusto nating gawin hindi na malaman kung saan ilalagay sa planner ang kung ano-anong activities. pero ingat sa ganito, kasi habang natututunan nating mag-multi task, may mga ilang detalye tayong hindi na napapansin at tuluyang nakakaligtaan. epekto pa rin ng media kung bakit maraming activities ang tao ngayon... hindi lang masabing petix mode. hehehe.. saka fulfilling kasi kapag marami kang nagagawa, tapos sabay2x pa.

parang alang sense. bahala ka na nga!

Goryo said...

@ Walongbote : lalo kung walang nangyayari sa buhay mo, maiksi pero mapanghamong pahayag... salamat sa iyong opinyon parekoy.. Kampay!!!

@ Yami : wag mo munang isipin ang pagtanda Yami.. enjoy mo muna ang yaminess ng pagkabata.. ahihihi

@ JETTRO : maiiwanan ka ng panahon, hanggang pangarap nalang ang lahat, mapang-hamon din ang iyong pahayag kaibigan.. matanong ko lang, taga-teatro kaba?

Goryo said...

@ manik_reigun : dapat talaga laging may tissue sa palikuran, kung hindi.. di lang time ang ating enemy.. Jebs will also be our enemy kung magkaganun.. ahihihi

@ Arvin U. de la Peña : Pareng Alvin napadalaw ka.. perst taym mong mag-comment dito ha.. kamusta na? Oras na para lumikha ng madamdaming tula.. =)

Goryo said...

@ wiLL : chong, long time no Look.. nu nangyari sayo.. muntik ka bang nabitin sa oras?

@ Mish : alam mo may sense yung sinabi mo.. nga lang bahala na talaga.. ahihihi joke lang

Nash said...

wala bang refill ang tissue mo sir? haha

Keko said...

Lolo goryo mis n kta hehe. Buk0d s ncrang layout q wla p rng pnagbago...

Louie said...

waaaaa ang dami na comments ha hehe...can I have some tissue?

Clarissa said...

Yan palagi ang problema ko--feeling ko palaging akong nagma-marathon dahil sa bilis ng oras.Ang tissue pag naubos,pwedeng palitan,ang oras pag natapos,panibagong bukas na naman.

Anonymous said...

ang orasan kahit sira, tumatama pa rin ito dalawang beses sa isang araw.. kaya kahit anong mga kakulangan ang mga nararanasan natin, wag tayong mawawalan ng pag-asa..

pero kung walang tisyu pagtapos mo magbanyo, ibang usapan na yan.. pero panigurado, mei paraan pa rin.. =)

Goryo said...

@ Nash : Wala pang refil ang tissue eh.. na-late yung Order.. time is their enemy...

@ Keko : Sana maayos mo na ang layout mo iha... miss ka din ni lolo Goryo.. =)

@ Louie : sa bukid walang papel may damo sa pilapil... =)

Goryo said...

@ Clarissa : Ang tissue pag naubos,pwedeng palitan,ang oras pag natapos,panibagong bukas na naman. - simpleng kumento pero makabuluhan... salamat..

@ casualthots : oo nga ano.. ngayon ko lang narealize na kahit hindi umaandar ang relo mo tatama at tatama ito sa tamang oras dalawang beses isang araw.. cool =)

amy said...

time is gold.

Anonymous said...

深夜聊天室 , 同城床友交友网 , 找我聊天频道 , m视频吧聊天交友网 , 社交聊天网 , 58同城交友约炮 , 台湾辣妹 , 色女的qq成人聊天室裸聊 , 美女性感聊天室网站 , ut聊天室