July 22, 2009

Awit Sa Tag-Ulan


Sa mga nagdaang araw, napansin kong marami sa mga kababayan nating blogista ang nagpaskil ng kani-kanilang blog entry patungkol sa ulan. Marahil dahil sa ang panahon ay maulan na. Subalit ang nakita ko; halos karamihan sa mga naipaskil na blog entry ay puno ng emosyon at kalungkutan.

Ito ay isang patotoo na kapag tag-ulan o maulan, nagiging ma-emosyon (emo) at sentimental ang mga tao lalu na tayong mga Pilipino. Ito rin (emo sa tag-ulan) ay naranasan ko nung mga nagdaang araw. Isang araw habang bumubuhos ang napakalakas na ulan, dumungaw ako sa binta at nakita ko ang malalakas na patak at pag-daloy ng tubig sa kapaligiran. Nang mga panahong iyon, naalala ko ang aking lolo at ang awiting itinuro niya sa akin nung ako ay bata pa at siya ay nabubuhay pa.

Ramdam ng aking dib-dib ang bigat ng mga patak at bilis ng pagdaloy ng tubig sa paligid kasabay nang awiting tumutog-tog sa aking isipan. Awiting puno ng damdamin... Awiting maimpluwwensya at makabuluhan... Awiting humuhubog ng puso at isipan.. Awiting gumigising sa kamalayan... Awiting mahirap makalimutan...

Awiting....

Rain, rain Go Away!!!
Come again, another day!!!
Little Goryo wants to Play!!!
(ulit-ulitin hanggang magsawa)

Ikaw, ano ang awit mo sa Tag-Ulan? =)

28 comments:

Niqabi said...

ehehehe ano ba yun natawa pa rin ako :P

kaso di ko makanta yan diti lolo..
once in a blue moon lang umulan dito e..

Goryo Dimagib said...

@ Niqabi : Yun lang, nasa bansa ka ng disyerto at buhangin.. Matanong ko lang, gaano ba kadalas umulan jan? umuulan nga ba jan?

Anonymous said...

natawa naman ako sa build-up papunta dun sa kanta. :)

ako baliktad. masaya ako pag umuulan. malamig, walang pasok, masarap matulog, masarap magbasa tsaka may soup. hahahaha. oo, buhay-baboy ako pag umuulan.

napadaan lang po.

Goryo Dimagiba said...

@ moonsparks : minsan ganyan din nararamdaman ko pag tag-ulan... masarap kumain tapos masarap manuod tapos masarap matulog.. masarap pag umuulan diba?

Hari ng sablay said...

kakalungkot nga pag umuulan,para ksing literal na umiiyak ang kalangitan.

saul krisna said...

masaya ako pag umuulan ewan pero basta ganun ako eh hahahahaha...

madami akong naiisip na magagandang kwento pag umuulan eh... hehehe pag tag tuyo... tuyo din utak ko

patola said...

hihihih... natawa ako... wahahahaha..

pag umuulan nadidiligan yung mga gulay.. parang moisturizer sakanila yun.. hehehehe.. :D

Goryo said...

@ HARI NG SABLAY : pano kaya pag nag-i-snow sa Pilipinas, malungkot kaya o masaya? sa tingin ko sa mga tomador masaya.. kasi masmatatagalan sila tamaan at libre yelo pa sa toma.. hehehe

@ saul krisna : buti nalang June ang start ng klase, tag-ulan yun. At summer naman ang bakasyon tag-tuyot namn yun. timin na timing noh?

@ patola : isa ka pala sa mga naliligayahan pag umuulan noh?

OHMYGUMS said...
This comment has been removed by the author.
OHMYGUMS said...

eto ang kanta ko pag umuulan :

"kung ang ulan ay parang ispageti , ako lalabas at ako'y nganganga ...ah ah ah..o anong sarap ng ulan..."

:)

magistrate said...

Mayroong isang malalim na alaala ang aking maybahay tungkol sa ulan noong ako'y nanliligaw pa. Nagrerecord ako ng mga mensahe at kanta sa isang tape dahil ito ang means ng palitan namin ng saloobin noon. Habang naggigitara ako at umaawit ay biglang bumuhos ang isang malakas na unos. Nasambit ko na "...at umuulan. Pakinggan mo ang patak ng ulan sa bubong ng bahay namin. Ang sarap ng pakiramdam."

Oo nga naman, kapag umuulan nang malakas, wala kang ibang marinig kundi ang tibok sa iyong dibdib at ang bulong ng iyong isipan. Parang masarap mag-reflect ng buhay-buhay at mag-emote. hehehe

Mabuhay ka Lolo Goryo.

bea trisha said...

ulan, ulan,
ang ulan na walang malay...

hay..
ayoko talaga ng ulan...

hehe...

Goryo Dimagiba said...

@ OHMYGUMS : pwede!!! =)

@ magistrate : naks naman koya!! si misis pala ang naiisip mo kapag umuulan.. magandang pangitain yan.. Mabuhay ka koya!!

@ ea trisha : bakit ayaw mo ng ulan? sobrang lungkot ba?

mark said...

aheheeh!

Emo pala mga Blogsita ngayun..

ahehhe!

Goryo said...

@ mark : honga. un ang napansin ko. salamat sa pagtambay dito parekoy..

Algene said...

tama si hari ng sablay, nakakalungkot tuwing umuulan dahil parang umiiyak yung kalangitan..

ako naman, minsan gusto yung umuulan kasi malamig. nakakatulog ako ng mahimbing. :)

Goryo said...

@ aLgene : hahaha ginawang air-con ang ulan. sabagay eto ang air-con ng masa --> ULAN!!

JANCAHOLiC said...

what! haha !

patawa eh
little goryo
aw ang kyut [=

Pirate Keko said...

hanep ka talaga goryo:))
lolz

sabi ko na eh me bira ka sa dulo eh..

kahit na gusto ko ng magbigti dahil sa sobrang kabusy-han sa iskul e natitigil kababasa ko sa mga blog nyo :))

naks...

Uli said...

haha, ako gustong-gusto ko kapag umuulan, wala kasing pasok, yehey!! :P

Goryo said...

@ JANCAHOLiC : alin ang cute, yung blog o si Goryo o pareho? ahihihi (asa pa eh noh?)

@ si keko : naks naman, touch naman ako. kahit busy ka sa pag-aaral nakukuha mo pang basahin ang blog ni Goryo.. alam mo di lang barkada ang nasisira ng pag-aaral pati pagbabasa ng blog.. hahaha. biro lang, aral kang mabuti.. =)

@ oLis : bat wala kang pasok pag umuulan? sa may UST kaba nag-aaral? ang alam ko pag me tatlong tambay na umihi jan sa area na yan bigla na lang nagbabaha.. =)

Mish said...

lolo goryo, malamang isa ang blog ko sa naging inspirasyon para maging posible ang blog post na ito... hehehe... masarap naman kasi talaga
mag-senti pag ganitong panahon. at kung nasa may bintana ka lang, hindi na mapapansin ng tao ang pagdaloy ng mga luha mo dahil kasabay nun ang tubig sa salamin...

Kurog said...

Ihihi...

Hmm... Natatawa ako dun sa photo...

Yung batang nasa left, parang labas yung lawit! Ahahaha... Peace!

Goryo Dimagiba said...

@ Mish : tama ka... nabasa ko ung post mo nung nasa loob ka ng bus at umuulan.. na-touch ako.. affect-tado ako.. tinamaan ako.. napa-Rain.. Rain.. Go Away!!! ako.

@ Kurog : actually hindi lawit yun.. Jebs yun.. Na-Jebs cya sa sobrang emo nya sa tag-ulan.. Kaya mga katoto wag masyadong emo baka ma-jebs din kayo.. (biro lang)

Karen said...

kala ko anong kanta ahahaha you got me there! heehee pero wala akong song for rain. i hate rain kasi nababasa paa ko. I only love rain pag brown out ahahahah para hindi mainit kasi walang fan

Goryo Dimagiba said...

@ Karen : gawin bang air con ang ulan? hehehe cool

Madame K said...

.........basang basa sa ulan.. walang masisilungan.. walang malalapitan.. at kung may luha pa akong mailuluha.. blah blah blah..

haaayy., nakakalungkot talaga pag tag ulan, lalong lalo pag mag isa ka lang.. marami ka talagang maalala.. pero sana nman tumigil na ang ulan dahil maraming mga homeless na tao ang napektuhan sa panahon.. lalong lalo na pag init ulan init ulan..

Goryo said...

@ Madame K : tama ka.. maraming nalulungkot sa ulan hindi lamang dahil sa mga ka-dramahan ng nakaraan.. kundi dahil may mga kababayan tayong walang masilungan lalo kapag umuulan...