June 10, 2010
MAGNA... c-u-m-l-a-u-d-e ?
Panahon na naman ng pasukan. Bili ng bagong bag, bagong uniform, bagong notebook, bagong ballpen, bagong libro at kung anu-ano pang bagong reketitos at epektos na ginagamit sa pag-aaral.
Naaalala ko yung advise ng aking lola nung bago ako magkolehiyo.
Sabi nya : Goryo iho, mahalin mo ang pagiging isang estudyante. Pahalagahan mo ang pagkakataong ika'y nakakapag-aaral. Huwag kang magsasawa sa pag-pasok sa eskwela. Ito lamang ang tanging maipapamana namin sa iyo na kahit kaylan ay hindi kayang nakawin nino man...
At dahil mahal ko ang aking lola at dahil masunurin akong apo, tinupad ko ang kanyang mga sinabi. Sobra kong minahal ang pag-aaral at ang pagpasok sa eskuwela.
Naging MAGNA ako sa kolehiyo. Magna-nine years, --- siyam na taon ako sa Kolehiyo. Palipat-lipat ako ng school, para lang akong nagba-bar-hopping (enjoy! - ahihihi). Anim na paaralan/campus ang aking napasukan sa loob ng siyam na taon. Pasok dito, pasok doon; In fact, sa sobrang pagmamahal ko sa pag-aaral kamuntik ko nang hindi iwanan ang estadong ito ng aking buhay.
Pero sa awa ng Diyos, sa hinaba-haba man ng prosisyon, sa graduation din ang tuloy. Nagtapos ako sa kursong Computer Science. At dahil may koneksyon ako, nakahanap agad ako ng trabaho isang buwan matapos ang aking graduation. Ako ay na-hire sa TOSHIBA PC Manufacturing (laptop) bilang isang System Engr., ito ang aking unang trabaho. Ang tanging naging koneksyon ko mula nung panahon na iyon hanggang sa ngayon ay walang iba kundi si Lord.
PRAYER -- it is not an extra option or the last resort when all other methods have failed... When man works, man works. But when man prays, God works!
Labels:
Estudyante,
Magna,
Student
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
41 comments:
hehehe.. magna ha??! magna-nine years! =))
minsan ang sarap din magreminisce ng mga kalokohan nung estudyante pa,,, lalo na during college! looking back,, i know worth it lahat.
good to know nakagraduate ka naman! salamat kay Lord! :)
ang kulit ng term MAGNA kala ko MAGNA cumlaude ka ..ok lang yun atleast nakatapos ka at super inenjoy mo ang nine years hah..buti hindi ka pa umisa para 10 naman?
joke
:]
atleast naka graduate pa din kht MAGNA..... HAHAHA.
swerte mo nakahanap ka kagad ng trabaho, sana pagdating ng araw ako din! :D
naway maging inspirasyon ka sa mga estudyanteng nawawalan ng pagasa dahil mahirap ang thesis at nagpopower trip ang mga professors at panelists nila!
Magna?! LOL. Well at least you found work quickly.
hehehe.. akala ko din Magna cumlaude..
That's nice may trabaho ka agad. You are lucky.
aba.. at least may natapos diba..apir!
Ahahahaha ang kulittt :)) pero tignan m0 naman after a m0nth nagka-work ka kaagad.. :) tsaka maganda talaga ung ini-enjoy din ang college life! Haha naalala ko napakarami k0 din kalokohan dati..Hehe :p ü
@ gesmunds : salamat talaga kay Lord... salamat din sa pagdalaw mo sa aking mumunting tambayan... :)
@ Renz : oo nga binalak kong mag-SUMA..as in SUMA-sampong taon.. kaso jahe naman kay ermats dami ko nang nilustay eh di nmn kami mayaman... aw!
@ missGuided : alam mo missGuided, kahit misGuided tayo basta kakapit lang tayo kay Lord magiging properly guded din tayo... Then let's strive to walk on the right track, I'm sure pagka-graduate mo makakahanap ka rin ng Kumpanyang mapag-uumpisahan... ok!
@ Pheng : nawa magsilbing leksyon ang kwentong ito sa mga estudyanteng makakabasa. Kung titingnan mo ang naging masamang epekto ng aking karanasan:
Maraming:
TAon,
EnerhiYa
SaLaPI
pag-Kakataon
at magagandang PaNHon
ang nagamit sa maling pamamaraan...
kaya't dapat pagbutihin ang pag-aaral
@ Lynn : Lakas kaya ng kapit ko.. Si Lord ba naman ang Koneksyon... Siya ang Boss ng mga boss di ba? Eh kung siya ang nag-mando sigurado kahit sinong presidente pa mapapasunod at mapapasunod yun.. ahihi
@ eden : Not just lucky, The word suitable for that experience must be... Blessed.. tnx for the visit =)
@ chikletz : tama ka ate chicklets.
Apir!
Saludo!
Sira-ulo!
ahihi... peace!
@ shelovesyou16 : uy may kalokohan din siya... Balak mo ba mag-SUMA sa college?
SUMA-sampung taon? ahihihi - peace din!
Kakatuwa ang kwento mo, Di naman ako mag na pero madami din ako nagawang kalokohan, nakakatuwa ngang isipin akala ko di na ko gra graduate sa kagagahan ko, salamat nalang sa summer classes at nagawa ko pang maging octoberian. hehe
@ Yen : buti nmnan at nalusutan mo din ang butas ng Karayum na yan... ahihihi
Congrats!
congrats tang goryo! ipasok mo naman ako jan kompanya na yan! lol! =P ako gusto ko ulit magaral, para may baon!
at least di ka bumitaw... :)
@ rosemarie : ilang taon knba iha at bakit gusto mo pang mag-aral? sabagay si Goryo nga umabot na ng ilang taon bago nakatapos. Salamat nga pala sa pagdalaw. =)
@ roanne : alam mo ka-shi iha... binigyan ako ni Binoy ng Revicon... kaya na-invibe ko yung lagi nyang sinasabi pag nakikita ko siya sa TV. sabi niya kasi - Think positive... wag kang aayaw ahihihi
naks Magna! ayoko mangyari saken yan! hahaha.
Hi Goryo, I am Goyo. :)
@ goyo : hi goyo! hindi ba ikaw yung anak ni vic sotto? Si Goyo-boy Sotto? ahihihi
tama ka wagmong hayaang mangyari sayo na maging magna ka. dapat i-aspire mo na maging SUMA ka... suma-sampung taon... ahihihi. just kidding
do bets in your studies.. ok
akala ko kung ano na magna..
wahaha magna!! at ang cute ng doggie. hehehe...awts ako naman nag stop after HS ng two years or parnag 3 years dahil din sa hika ko and financial problem tapos nung nag college na nag shift2x din ng course argh! nag graduate din naamn kaso 2 year course lang sa pag mamadaling mag grad. @_@.
love the quote!
PRAYER -- it is not an extra option or the last resort when all other methods have failed... When man works, man works. But when man prays, God works! (Agree 200%)
@ Arvin U. de la Peña : akala mo anong mgana? ano ung inakala mo pre? =)
@ Karen : hay salamat at dumalaw ang aking paboritong apo...kamusta kna karen?
magna stage pwede pa,...
@ Jesson And Rey Ann : welcome po sa tambayang Ang Kwento at kwenta ng Layp... dalaw kayo ulit.
magna, hehehe
@ g4strainer : magna - carta! salamat sa pagdalaw repapips/remamipps...
how are yah!
lolo....
totoo ba yan?
hehe.. ako din Suma.
sumasampong taon :)
gusto ko po ng trabaho nyu.
hahaha, sa 9 years na halos nagdoctorate na kayo sa course nyung BS Transferee, sanay na siguro kayong magtrabaho sa iba't-ibang working environment at makisama sa iba-ibang tao.
Congrats.
wow...galing... XD system engineer! auz ^_^ dbale na magna nine years... XD
Hi Lolo G!..ang lakas mo pala kay Papa Jesus. Congratulations, well done.
ang gnda gnda naman ng message ng post na ito..
tama ang pinakamalakas na backer natin sa paghahanap ng workay ang qualification natin at si Lord..
nice posts sir goryo
nakakainspired ang post na ito :)
sana magkawork na rin ako by god's will. god bless.
ok nga un eh ang sarap kya mging estudyante ehehehe...
ang galing ng huling banat mo...Amen to that...
sabi ko na nga ba magna-nine years yun eh. HAHAHAHA.
Magaling ang pagkakasulat. hindi boring :))
http://iskangsabaw.blogspot.com/
hahahaha.... Kakatuwa.... Oh baka gusto nyu nmn po visit blog ko...thanks....www.scjcircleofthoughts.blogspot.com
first time ko dito at natuwa ako. nakakatawa lang yung magna-nine years. congrats at sa wakas graduate ka na and may instant trabaho pa. idol ko rin si Lord! hehehe
haha nice post! you made me laugh my friend. It's all worth it at the end ^_^
Putek! Natawa ako sa Magna-nine years. Grabe, napakatagal. Ehem, ako five years. Tatlong kolehiyo/unibersidad kasi napasukan ko, at nagpalit ng kurso. Share lang!
Congrats nakatapos ka na, ako ngayong 2012 =)
Post a Comment