October 8, 2009
Itim Na Kaldero
Ang flip-flops ko'y makapal na Rambo
Ito ang nakayanan ng budget ko
Naipon mula sa pinagbentahan ng munggo
Siyang ulam din namin ng isang Linggo
Ang bulsa ko ngayon ay humihingal
Sa tinapa na dati kong almusal
Maging pritong tuyo ngayon ay matumal
Dahil sa halaga ng perang sa mga buwitre ay banal
Talbos ng kamote ay masustansiya
Kahit pa uma-umaga
Kasabay ng Sinangag na dating tutong
Pamatid gutom sa maghapon
Limam-piso bawat galon kung umigib
Panulak ko'y pinakuluang tubig
Ang tingang kumapit sa gilagid
Tinangay ng panulak kong masigasig
Ang lechong pangarap ng dila
Inagaw ng makapangyarihang buwaya
Kinulimbat ang imbakan ng masa
Kayat pagkain nya'y abot ngala-ngala
Kelan kaya ako makakatikim
Ng pang-maharlikang pagkain
Kung ang puso ng mga kumukup-kop sa amin
ay Parang sa kalderong ubod ng itim...
Itim Na Kaldero
by goryo dimagiba : copy right © 2009
Labels:
Flip-Flops,
Kaldero,
Ulam
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
47 comments:
ang cute naman ng rhyme..hehe at maganda ang kahulugan..^__^
Winner dude! *bravo!*
Kelan nga kaya natin matitikman
Ang masarap at maginhawang buhay
Na tila napakahirap nating kamtan.
Darating pa kaya ang umaga
na di na kakalam ang ating mga sikmura
Kaylan kaya tayo giginhawa
kaylan pa kaya tayo sasaya
Maaring bukas kaya, pero sana ngayon na.
wagi ang tulang ito..
wow.. mabigat to ah. malalim ang pinaghugutan. hehe. galing!
parang masarap paglutuan ang kaldero na iyan ng ipupulutan sa inuman..hehe..kalderitang kambing ayos iyan ipulutan with napakalamig na san miguel beer..magandang tula..
malupit, maganda ang kahulugun. parang upuan lang ni gloc9..
Parang nagrarap. :)
Nyeta sila. Ang laki ng ginastos nila sa isang hapunan. Pero nang mangailangan tayo, bigla silang nag-evaporate. Sana forever na sila mag-evaporate. DARN! :)
@ ♥superjaid♥ : tama ka jan iha!! cute din yung nag-post nyan.. ahihihi... pero mas-cute sana kung matutugunan na yung pinapangarap nyang pang-maharlikang pagkain
@ Ambidextrous Meeya : winner ang masa hindi ang mga buwitre at buwaya..
@ DRAKE : sana nga pareng drake... sana..
@ pmm012 : wagi ang masa na nagbabayad ng buwis.. wagi ang masa na ginagawa nya ang kanyang bahagi..
@ chikletz : mabigat nga mareng chikletz.. simbigat ng sang-kilong galung-gong.. ahihihi
@ Arvin U. de la Peña : hmmm.. ok ang ideya mo pareng Arvin.. basta lang wag maglalasing.. isa pa gusto ko rin ng kalderetang kambin.. hehehe
@ kheed : nangingitim na ba ang upuan ni gloc9 ?
@ ACRYLIQUE : sana kahit wag na silang mag-evaporate... magbago lang sana sila... magbago lang...
Ikaw ang winner Dude!
talagang masarap ang kalderitang kambing..iyan ang paborito ko..hinahanap hanap ko talaga iyan lalo na kapag iniimbita sa mga fiesta..hehe..masarap talaga na pulutan iyan..
wow, astigin po mga tula nyo Mang Goryo! ^_^
asteyg.
langyang mga buwaya yan.
sana magsilutangan sa ere lahat ng corrupt. para magkaalaman na.
tapos tiradurin natin.
lols
ayos yun tol ha!
@ Ambidextrous Meeya : sige na nga.. =)
@ Arvin U. de la Peña : paki-email nalang ang kaldereta pag naluto na..
@ fiel-kun : nalikha ang tulang ito dahil --> ramdam ko kayo... hindi ko kayo pababayaan.. ahihihi
@ manik_reigun : huwag naman tiradurin.. itali nalang sa plaza at ipkagat sa langgam... dyok lang.. pro FLower Power pa rin ako at anti-violence.. =)
@ spinx : mas-ayos sana kung magkatotoo ang pangarap ng masa..
natawa ako sa flipflops na rambo!
galing!!!!
katuwa.
niceONE lolo!
ngayun na lang ulit ako nabisita!!!!
:P
@ gege : hehehe pareho tayo.. natawa rin ako sa Flip-Flops na yan.. salamat sa muli mong pagbisita.. =)
galing mo naman lolo klap klap
tugmang tugma pa yung image sa poem mo.
tumatama sa masa yung mga pagkaing binangit mo, makatotohanan!
nice post parekoy
ang husay...da best, galing po ng pagkakagawa, tugmang-tugama ang mga salita at simbolismo sa idea na gustong iparating ng tula. lupet:D
aba makatang makata si Lolo Goryo. Nice2x!
Wow! Panalo! Impressive! Malaman ang tula. Sa pamagitan nito ay naipakitA mo ang mukha ng kahirapan ng ating lipunan...Napadaan lng bro at nangaanyaya na tumuloy sa aking mundo...kitakits na lng doon! Isa n ako sa mga tagsubaybay mo. Keep it up!
cheers toast bravo to you...
coz you are the man of the hour!
Hey marvs, just saw your blog now.. didn't know you were such a "makatha" (tama ba usage)? hehehe
Ang itim na kaldero ni Goryo
na kasing bantot ng inidoro
kasingtigas ng matibay na bato
na ang laman ay adobong pato
Itong si goryo ay matakaw sa lechon
nagkatay ng baboy at niluto maghapon
ngunit inagaw ng mga sira ulong maton
kaya nagtyaga na lang sa pancit canton
ngunit ganun paman si goryo nabusog pa rin
nilamon lahat pati aso at kambing
pagkain ng kapit bahay kanyang inangkin
hanggang siya'y nabundat lumakad ng pakendeng-kendeng.
he he he jowk lang po.. nakisabay lang po ako sa iyong blogtasan.. napadaan lang po ang iyong lingkod, natuwa po kasi ako sa iyong tula. Baka nais mo rin matawa,imbitado ka sa aking munting bahay, marami pautot dun, tiyak mabubusog ka.
add nga pala kita sa blogroll ko, para mabilis ang daloy ng trapiko papunta rito
@ JETTRO : bow!! salamat sa pagbisita parekoy...
@ DETH : matanong ko lang.. bakit yung Picture mo eh, Picture na pinipiktyuran ang sarili? tuloy di na nakita yung mukha mo yung camera tuloy ang napiktyuran.. ahihihi..
@ Karen : pratice lang naman ito iha.. sa sususnod susubukan ko gumawa ng tula tungkol sa burger na hinati.. Ito para sa paborito kong apo... si KAren.. hehehe
@ Jag : salamat pareng Jag.. susubaybayan ko ang pagsubay-bay mo.. subay-bayan mo yan.. aw!!!
@ wait : wait lang wait.. bili lang ako Gin.. para may ichi-cheers tayo.. me natira pa naman mula sa pinagbentahan ng munggo.. hehehe
@ Marty : nyay.. sino ba si Marvs iho? hehehe salamat sa iyong pagdalaw sa cyber-kubo ni lolo Goryo.. maganda ang iyong nabuong salita --> Makatha, parang makatang may katha..
@ alkapon : ikaw ba yung nasa series o pelikulang UNTOUCHABLES? o ikaw yung doktor na nagkakapon ? hehehe
salamat sa pagdalaw mo parekoy.. idadagdag din kita sa listahan ng kaututang blog ni Goryo..
dito --> Kaututang Blog Ni Goryo
ang galing mo naman papa G....
galing mo talaga lolo. idol! :)
Uy papa G up mo naman Link ko.... I already added yours --> Badge Exchange
Lalim naman... yaan mo makakawala ka rin sa pusong kasing itim ng kaldero... jijijiji... Naalala ko tuloy yung tsinelas ko noong bata pa ako... rambo din... yung black! jijijijiji
nagutom tuloy ako dun sa lechon...mokong na buhaya yun ha inunahan pa ako!!!
sana nga the government will help those poorest of the poor to improve their own lives.. (nabasa ko sa advertisement ng site mo.. hehe)... sana maging responsible yung mga government officials natin tz malaman nila ang priority talaga nile ay tumulong at hindi mag pakayaman..
napadaan ... san na ang GIN? hehe
Beautifully written. A poem that has a nice rhyme of words. Nice! ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
naluto na ba ang niluluto sa kaldero na iyan, hehe..
naks hahahaha...may rhyme tlg eh heheheh
@ uragon : patikim naman ng umuusok sa anghang na la-eng/la-ing jan?
@ kox : kamusta na ung suitor mo? napatunayan mo naba kung sandaang porsyentong seryoso siya.. =)
@ I am Xprosaic : parang identifier na rin ng generation ang Rambo na flip-flops eh noh? isa pa hindi naman Flip-flops ang tawag sa mga ganyan nung araw.. aw!!
@ iya_khin : hindi ka naman naiyak iha nung inunahan ka nung buwaya? iya_khin ka di ba? ahihihi
@ patola : tama ka jan patola.. tama ka.. sana bigyan ka na rin ng abono o pataba ng gobyerno upang dumami ang magagandang patolang katulad mo.. =)
@ wait : pre, mukhang inagaw din ng buwaya ang pamatid pagod at ang pantagal lungkot na Gin na nabili ko.. ultimo pulutan nating Boy bawang kinuha nila... tsk.. tsk..
@ Solo: kaibigan, pwede bang magtungo tayo sa harap ng munumento ni Rizal pagkattapos ay sa harap ng macanyang? Ire-recite natin ang mumuting tulang ito Duet Tayo.. ok ba yun sayo Solo? ahihihi
Nga pala, kaano-ano mo ung nasa TV na napapanood ko dati, si Zoro? siya ba yung Japaneese version mo? ahihihi joke lang po.. salamat sa pagdalaw..
@ Arvin U. de la Peña : actually naluto na yan.. nga lang paglingat ko.. Sinunggaban ng Buwaya kaya ayun... nakakadismaya.. =(
@ RICO : bakit nakatago ung po-po-po-poker face.. po-po-poker face mo dre? ikaw ba yung Rico na vocalist ng River Maya o yung Rico na nagsabing mag-ayos ng Upo (Rico Puno) ? hehehe
grabe naaalala ko tuloy ang kaldero namin dati na dahil sa wala kaming paputok noong new yearay yun na lang ang ihinampas namin sa bakal na gate so tipid, hehe!
at ang tula na sinulat mo, grabe idol na kita! hehe!
nice blog, kapatid! kakatuwa ang mga blogs mo kumbaga sa corned beef meaty at chunky. Keep up the good work! salamat din sa comment mo sa blog ko! ;)
nice rhyming. naalala ko yung Rambo, grade 1 ata ako nun. hehe.
Post a Comment