August 2, 2009

She's Out Of My Life (replay)

FYI: Ang entry na ito ay urihinal na naipaskil noong buwan ng Marso dos-mil-nuwebe

Ika-walo ng umaga, Martes, Ika-labimpito ng Marso Dalawanlibo at Siyam.
Panahon ng summer subalit maulan, marahil bunsod ito ng global warming at climate change.


Maaga pa lamang ay kasama ko na siya. Sa loob ng FX ay nahihirapan akong huminga. Hindi ko mailabas kung ano man ang nasa aking kalooban. Nakakahiya sa kapwa ko pasahero. Sapagkat kulob ang FX, kahit mahinang bulong ay maaring marinig. Pinilit kong itinago ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang ilan sa mga pasahero ay mahimbing na natutulog dahil siguro sa puyat at pagod at dahil kailangan din nilang gumising ng maaga upang makapasok sa trabaho. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pagka-antala ng kanilang panandaliang pamamahinga at pag-idlip sa loob ng sasakyan.

Tiniis ko ang pagsisikip ng aking dib-dib, mahirap huminga sa ganitong kalagayan. Tahimik lamang ako at hindi nagsasalita mula Zabarte hangang Quezon Avenue. Lumipas ang ilang oras at pagdaka'y narating din ng sasakyan ang MRT-Quezon Avenue. Dali-dali akong bumaba sa FX, maraming tao sa kalsada, naglalakad, patungo sa kung saan. Hindi pa rin tumitila ang ulan at hindi pa rin ako naiibsan sa aking nararamdaman.

Nagtungo ako sa isang lugar na kung saan hindi ako gaano mapapansin. Dagli-dagli kong inilabas ang tissue mula sa aking bag at akoy suminga. Haaaaay ang sarap at lumuwag rin ang aking pakiramdam. Biglang umaliwalas ang aking mundo, kanina pa nakabara ang sipon na iyon sa ilong ko.

Pag-lipas ng ilang segundo ay aking naulinigan ang awitin ni Michael Jackson na pinamagatang She's Out Of My Life.

She's out of my life
She's out of my life
And I don't know whether to laugh or cry
I don't know weather to live or die
And it cuts like a Knife, She's out of my life

She's out of my hands
It's out of my hands
To think for two years she was here
And I took her for granted I was so Cavalier
Now that the way That it stands, She's out of my hands

So i've learned that love's not possession
And i've learned that love won't wait
And I've learned that love needs to wait
Now But i've learned that love need to be expressed
But i've learned too late

She's out of my life
She's out of my life
Damned Indecision and cursed pride
Kept my love for her looked up deep inside

and it cuts like a knife
She's out of my life...


Nung mga oras na iyon, naalala ko ang aking sipon, She's out of my life...

Natutunan ko na ang sipon pala ay parang isang kaibigan. Ano mang lagkit at hirap ang inyong pinagdaanan, dadating at dadating ang panahon na kayo'y magwawalay at ika'y kanyang iiwan. Ganun pa man, meron at meron ding darating na mga bagong kaibigan. Tulad din ng sipon, kakasinga mo pa lamang, maya-maya'y meron ka na namang mararamdaman.

32 comments:

Michael De Alba said...

isa nanamang napakagandang maigsing kwento. More please...

Alvin Fernandez said...

Hehehe. Ayos.

magistrate said...

Isa ka palang tunay mahusay na mangangatha, koya Goryo!

darksphere_mai said...

LOL. nice nice!

SHEN SHEN said...

ng drama sipon lang pala ISINGA NA KASE ;)

meow said...

salamat goryo sa muling pagbisita, at salamat for sharing this experience! sige, ipa-abot ko kay gorjuzness! salamat ulit!

patola said...

hehehehe..ang emo dahil sa sipon.. hihihi... naku naman na sipon yan.. maxadong nagpapaimportante.. hehehehe.... :)

Superjaid said...

kung di ko lang nakita ung picture sa unahan,aakalain kong inlababoo ka lolo goryo..haha ang kulet ng sipon..wahaha Ü

Goryo said...

@ patola : konting sipon konting alikabok.. pag pinagsama mo ito ay kulangot.. (bow) hihi

@ ♥superjaid♥ : inlab talaga ako.. inlab sa sipon.. ache-che!!

Mish said...

hahaha, so funny lolo goryo! hay nako, ang layo ng zabarte sa quezon ave ha!

Clarissa said...

nyahahahaa!!Talaga naman yang sipon na yan,ang kulet lol!!\(^0^)/

Salamat sa muli mong pagdalaw,Mang Goryo!!^_^ Ingat!!

Goryo said...

@ Mish : mejo malayo nga kaya malagkit ang aming pinagsamahan.. Minsan mahirap isipin na She's out of my Life.. ahihi..

@ Clarissa : matanong ko lang, ano sa hapon ang Sipon? =)

Karen said...

heehee i know the exact feeling...uhugin din kasi ako hahahahha usually i have a morning sickness that starts from sneezing alot or sometimes nonstop.

Pag simba namin maaga tapos natatyming pa yung reading of the word or pagka solemn tapos saka nauubo o bigla gusto ko mag sneeze pero nakakahiya baka mag tinginan lahat kaya todo takip ng panyo. What a hassle talaga.

Pagaling kaw! heehee

keb said...

AHAHAH SIpon eh! Nice dude!

Goryo said...

@ Karen : di kaya allergy lang yan sayo? try mo mag anti-histamine.. hehe thanks for visiting. =)

@ keb : oo nga parang si Ponsi (sipon) sa tabing ilog.. (labo noh?)

ACRYLIQUE said...

Haha. One of the best analogies about sipon. :)

Goryo said...

@ ACRYLIQUE : yeah, one of the best illustrations about sipon.. One of the worst experience din about Sipon... hehehe

miss Gee said...

kasalukuyan akong kumakain ng cake habang binabasa ito. nawalan ako ng gana!hahah

pero ayos ang post mo! may makukunan pala tayong lesson sa ating pag singa. Babaunin ko ito hangan hukay.haha

Joco said...

haha ayos yung sipon na yun uh. haha

DRAKE said...

Meron din namang kulangot na tinatawag. Na kahit anong gawin mo dumidikit pa rin sa ilong mo! Pero sa huli dumi lang talaga yun na masarap kulangutin. Tula dng kaibigan hindi lahat ng dikit sa iyo totoo, karamihan sa kanila kulangot lang.

Karen said...

hahaha di na nasanay na ako nito nawawala naman din. :D

Goryo Dimagiba said...

@ Joco : Ma-dramang Sipon.. haha

@ DRAKE : Ang Kulangot (bow)

Konteng Sipon..
Konteng Alikabok..
Pag pinaghalo mo..
Meron kang kulangot



@ Karen : kumbaga bahagi na cya ng buhay mo? parang isang tunay na kaibigan? hehehe

DRAKE said...

Add kita pre sa blog list ko!! Dami mo kasing blog eh!pero ito ang add ko!!

Goryo said...

@ missGuided : haha hanep hanggang hukay... =)

@ DRAKE : salamat tsong.. add din kita sa kaututang blog ni Goryo

dito --> Kaututang Blog

Liza said...

Ay sus, sipon pala! Hahaha.

Happy Sunday!

Kar3n said...

aahahaha parang ganun na nga :D

I got a tag for you pala ;))

http://www.kar3n.com/2009/08/today-3.html

Goryo said...

@ Liza : Salamat sa pakikisinga.. hehehe

@ Karen : Salamat sa tag, nag post nako ng related sa tag mo.. =)

Madame K said...

kala ko someone special. hahaha.. an special talaga ng sipon. waharhar

gie said...

katuwa. kala ko kung anu yun. hahha.. :D

Goryo said...

@ Madame K : special naman ang sipon ha.. isipin mo nalang kung walang sipon.. paano nalang.. paano na ang buhay kung walang sipon? bakit nga ba kelangan pang may sipon ano? hihihi

@ gie : natuwa ka sa sipon ?

Anonymous said...

hahaha.. ang tagal ah. ang sipon, bow. ayokong mag ka sipon.. :( kc lalagnatin at uubuhin na ko pag may sipon. hahaha... ang galing nung kanta, sakto. lols =))

Carl said...

Amp Yan!!
SEEPOON!!!