July 27, 2009

Quiz-tune : Part 2

Sa buong mundo, may tanong na bang hindi pa naitatanong?

Kung meron nga, ano ang tanong na ito, at ano rin ang sagot sa tanong na ito? (malamang hindi pa ito nasasagot, kasi nga naman hindi pa nga naitatanong)

Kung nagtataka kayo kung bakit Quiz-tune : Pat 2 ang pamagat ng post na ito, i-click ang link sa baba at makikita ang Part 1.

Pasensiya na kung may Part 2 at Part 1 pang nalalaman si Lolo Goryo. Ganyan ata talaga pag nagkakaedad na.




Quiz-tune : Part 1



19 comments:

Superjaid said...

ako po may tanong?Ü ano po ba talaga ang nauna, itlog o manok?Ü haha

Razattitude said...

manok. siyempre.. lol.

Goryo Dimagiba said...

@ ♥superjaid♥ : matagal na kasing pinagdi-debatihan yan.. dko sure kung nabigyang linaw na yan ni brad pit sa uno:uno ng Alphombra nya. Pero sa pananaw ko (pananaw lang naman), eh tama si raz.. Nauna ang adult kesa sa baby/itlog.. Parang si adan at si eba.. diba? Kasi kung itlog, walang lililim at walang mag-aalaga..

cool =)

mark said...

ahahah!

manok.... goD make the animals..
whahah!

walang itloD dun!

Hari ng sablay said...

astig yung mga tanong mo sa part1,wag kang magalala ireresearch natin mga yan,haha

Algene said...

nakakatuwa ang post na ito. may favorite questions ako mula sa part 1..

Maaari kayang hindi mangyari ang mga pangyayari na nakatakdang mangyari, at ang mga pangyayari na hindi nakatakdang mangyari ay mangyayari?
Ano kaya ang mangyayari kung magkakaganito ang mga pangyayari?

:)

patola said...

wahahahaha.. nakakatawa naman to.. ang saya :)

ako din may tanong,..

bakit nasa noo ang pakpak ni darna? :)

sana poh masagot mo ang gumugulo sa aking isipan brad pit! eh este kaibigang GOryo..

hihihihi.... ^_^

Goryo said...

@ mark : ???? manok...

@ HARI NG SABLAY : pwede. i-google natin bawat tanong hehehe

@ aLgene : sa tingin mo ano ang sagot sa tanong na yun?

Goryo said...

@ patola : diko sure e. pero malamang laging lumilipad ang isip ni darna kaya dapat me pak-pak ang nuo nya.. lalu pag nag-de-DAY-dreaming siya sa gabi. Pagkatapos nyang talunin ang mga maligno eh pinapangarap niya ang kanyang prince charming kaya lumilipad-lipad ang isip nya... (sa tingin mo?)

abe mulong caracas said...

nakakita ka na ba ng wala?

pumikit ka...

ano nakita mo?

Goryo Dimagiba said...

@ abe mulong caracas : honga noh.. pag pumikit ka nawawala lahat sa paningin mo.. kaya kung ihing-ihi ka na at nasa gitna ka ng mall o kalsada at wala kang makitang CR.. pumikit ka sabay ihi, para walang makakakita sayo... hehehe

cool!!

gesmunds said...

eto ang naging paborito kong tanong mo:
Maiksi ba o mahaba ang buhay sa mundo pag umabot sa otsenta ang edad?
Gaano kahaba ang otsentang taon kumpara sa walang hanggan?

whoa! parang kelangan kong mag-emote ng matindi sa paghahanap ng sagot dito ah... hihihi...

nag-enjoy ako ah! :))

Goryo said...

@ gesmunds : hehehe baka kulang ang 80 years para mahanap natin ang sagot jan... sa tingin mo?

Chyng said...

ang harot, pero sa palagay ko madame pang tanong na pwede itanong in the future. ;D

Goryo said...

@ Chyng : mga tanong after the future?? hmmm.. gaya ng.. ano ang future after ng future?

OHMYGUMS said...

Panalo ang mga tanong dito, nakaka-aliw !

Tanong ko lolo- "Pag nag-away si Kingkong at Godzilla, sino kaya mananalo?"

Nabasa ko ito somewhere, di ko masagot..."Ano kaya nakikita ng mga bulag sa panaginip nila?"

:)

Goryo said...

@ OHMYGUMS :
Pag nag-away si Kingkong at Godzilla, sino kaya mananalo?"
actually dko rin alam ang sagot sa tanong na yan.. pero sa tingin ko magandang ipasa ang tanong na yan sa mga film makers... they will surely make big pag ginawan nila yan ng istorya at ipalabas sa wide screen..

Ano kaya nakikita ng mga bulag sa panaginip nila?
Malamang wala.. diko sure.. hehehe

Clarissa said...

Ako rin may tanong sa yo,Mang Goryo:Ano ang gusto mong itawag sa yo,baduy o kuripot?Pili ka ng isa lang!!at ang rason ha!^_^

Goryo said...

@ Clarissa : bat walang guwapo at galante sa ga choices? pwede bang idagdag yun... hehe

bata pala yun lang pagpipilian ko?