July 1, 2009

Huwag Papa-apek-2

Nabasa ko ang artikulong ito sa isang email na natanggap ko mula sa isang grupo na sinalihan ko sa YAHOO groups. Minarapat kong i-copy and paste ang nilalaman neto dahil sa aking pananaw malaking bagay ito para i-inspire ang sino-man na makabasa dito.

Sana maipasa ito sa maraming tao lalu na sa mga kababayan nating nangangarap baguhin ang kanilang mumunting mundo.


Critics - By Donald Trump

I’ve had my fill of naysayers and critics. To me it’s a negative approach that doesn’t serve any purpose. Here’s a quote by Theodore Roosevelt that I keep handy because it’s so right on:

It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better.

The credit belongs to the man who is actually in the arena: whose face is marred by the dust and sweat and blood; who strives valiantly; who errs and comes short again and again...

who knows the great enthusiasms, the great devotions and spends himself in a worthy cause; who, at the best, knows in the end the triumph of high achievement, and who, at the worst if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who know neither victory or defeat.


Ang husay diba? Kelangan maraming fifol ang makavasa neto nang ma-inspire naman zila. Pwede mo din i-copy paste ito tapos i-post mo sa kung saan-saan.

Sa kalye, sa mga CR, sa mga entrance ng mga buildings pati na rin sa mga exits, sa tren, sa bus, sa taxi at tri-sikel, sa t-shirt, sa bahay, sa opis, sa blog, sa website, sa application letter, sa resignation letter, sa letter of condolences, sa plato, sa batya, sa inododro, sa diploma, sa bote ng beer, sa eteketa ng pulutan, sa pera, sa government opis, sa upuan, sa mesa, sa kama, sa arinola ni lola, sa sampayan ng kapit-bahay, sa likod ng selda, sa screen ng TV, sa tambayan ng mga adik, sa prisinto, sa nuo ng tao, sa pwet ng elepante, sa kile-kili ng genie, sa imburnal, sa istero, sa Payatas, at higit sa lahat i-post mo ito sa puso't isipan mo. Malamang sa malamang makakamit mo ang pangarap mo. Huwag kang papa-apekto sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao tungkol sayo', humayo ka at abutin mo ang mga pangarap mo...

21 comments:

SEAQUEST said...

yah, naransan ko na yan before kasi nun elementary ako di ako nagkakahonor so, nung maghigh school ako nagsikap ako nagulat yung mga dati ko klasmeyt nun elem. na naging ka sec. ko kasi napasama ako sa top5 and i was been in top 3, yun may nega akong narinig pero mas lalo lang akong nagpursige dahil sa mga sinabi until now ganun pa rin ang attitude ko basta wala akong tinatapakan at sinasaktang kapwa ko kikilos ako at gagalaw sa tamang pamamaraan para sa aking misyon at ambisyon sa buhay...Nice post

♥peachkins♥ said...

nakibasa rin ako...salamat sa pagbisita...

HOMER said...

Similar to this yung lagi kong nasa utak:

"Your failure today, could be your success tomorrow.."

Its not how many times we fall that matters, what matters is that we tried and did our best and what's best is that we learn from this mistakes.

Bill Gates and Albert Einstein were a college dropouts but look at what they have accomplished..

Iriz said...

yun yung mga tinawatawag na dream stealers. dapat talga shut your ears pag sila na ang nagsasalita. hahatakin ka lang nila pababa.

salamat sa post nito binubuhay mo ang pangarap tao at ang art ng bandalismo. ita-try kong ipost to sa pwet ng elepante .gudlak sa kin, haba nito, di ko pa man tapos isulat lahat ,nasipa na ko.

nica page!

Anonymous said...

onga naman.. at least namatay na lumaban kesa namatay na walang ginawa.

maka-akyat na nga din ng bundok..

Karen said...

dami nun ha aheheheh paunti unti pa ako nag scroll down ahahah baka ano makita ko sa baba mapanaginipan ko pa buti nalang wala aheheh thank you for following my blog pala. :D Maraming salamat sa pag share nito. Magandang Gabi!God BLess!

Karen said...

ay ni tag nga pala kita sa latest post ko...Sana ok lang heehee Ingat!

Joel said...

hmmm very inspiring nga, ako madalas din ako maapektuhan sa mga negative na sinasabi ng mga tao bout sa akin, pero dati yun, hindi nila hawak ang buhay at pangarap ko, ako ang may hawak ng manibela kaya ako mismo ang gagawa ng paraan para maabot ko ang pangarap ko..

Rcyan said...

May nabasa akong quote sa cellphone namay mensahen tulad nang nasa post mo, kaibigan. Kwento iyon ng isang palakang bagama't sumuko ang lahat ay nagawa pa ring magtagumpay dahil sa determinasyon niya.

Kailangan nilang abutin ang tuktok. Kinakantiyawan sila ng mga manonood na sumuko na. Isa-isang pinanghinaan ang mga kalaban niya at umatras pero hindi siya nawalan ng pag-asa.

Hanggang sa wakas, naabot niya rin ang tuktok.

And the best part of it is...

BINGI siya! Oo, tama ka, kaibigan. Hindi niya naririnig ang mga pagbuyo ng ibang tao sa kanya kaya hindi siya nawalan ng pag-asa.

Siguro, minsan, kinakailangan nating magbingi-bingihan sa mga sinasabi ng mga taong walang ibang magawa kundi ang siraan tayo at buyuin para panghinaan ng loob.

Muling nagbabalik upang makibalita at makibasa ng mga akda ng mga tao.

Salamat sa pagbisita sa aking munting espasyo sa gitna ng libo-libong katauhan sa buong mundo.

Y(^^,)Y

Hari ng sablay said...

tink positive wag kang aayaw sabi nga ni robin.

sabi din nila hndi importante kung pano ka bumgsak ang imprtante pano ka bumangon.

Goryo said...

@ SEAQUEST : isa kang buhay na patotoo. nawa'y magamit ang iyong karanasan at kwento bilang inspirasyon sa marami nating mga kababayan (lalim nun teng - hihihi)

@ ♥peachkins♥ : tenchu por coming =)

@ HOMER : "Your failure today, could be your success tomorrow.." ganda neto, even failures can turn out positive in the future.. cool - galing

Goryo said...

@ iriz : isulat mo muna sa kartolina saka mo idikit sa pwet ng elepante para di ka masipa.. hehehe

dapat wag natin hintulutan nakawin ng iba ang mga pangarap natin...

Goryo said...

@ chikletz : aling bundok ang plano mong akyatin? sama ako ng makapag-camping..

@ Karen : wag ka mag-alala wala ng pic ng snake dito.. hehe. thanks sa pag-tag =)

@ kheed : tama yan parekoy, that's the spirit..

Goryo said...

@ Rcyan M. : gandang quote yan sa text ha. paki-forward naman sakin pa-pasa-load o share-a-load na rin.. - ache-che!!

@ HARI NG SABLAY : makakatulong kaya kung laging iinom ng revicon para laging ma-remind to think positive? nyay!!

miss Gee said...

wow very inspiring! ayan ang kailangan ko ngayon! salamat. Susulat ko yan sa papel at didikit ko sa likod ko para ipakalat sa iba.haha

"Winners lose more than losers. They win and lose more than losers, because they stay in the game. "
~ Terry Paulson

Uli said...

yes naman, tama yun. go lang ng go, haha :)

ACRYLIQUE said...

haha. Since I am a college drop out. watch out world!!

hayan, sinave ko sa cellphone ko para ma-ivandal sa bus seats!

Karen said...

hehehe tsalamat natawa ako dun hekhek

And walang anuman :D

Goryo said...

@ missGuided : ganda ng logic ng quote mo ha. I LIke it.. =)

@ oLis : parang Rufa Mae lang no. Go lang ng Go!! ahihi

@ ACRYLIQUE : hmmm may natutunan akong bago tungkol sayo ha.. hehe

@ Karen : tenchu din!! =)

Arvin U. de la Peña said...

"Quiting is not a sign of loss, it is when you defeated"..iyan ang nararamdaman ko ngayon..pero kahit ganun lumalaban pa rin ako..umaasa na mabigyan na ng cellphone number ni dahlchie ang may blog na www.dollxhie09.blogspot.com

basahin mo ang new post kong May Bukas Pa..sana di ka maiyak..

Algene said...

thanks for sharing this. inspiring.

i missed yourt blog. :)