July 18, 2009

Ang Lagnat (a tribute to AH1N1)

By: Goryo Dimagiba

Ang lagnat ay lagnat at hindi sipon
Mapula ang mata may bara ang ilong
Plemang malagkit at sobrang kapal
Suminga, umubo, di pa rin tanggal

Walang ganang kumain, mejo inaantok
Ulo'y nabibiyak, nangangalay ang batok
Masakit ang buto at kasu-kasu-an
Nangi-nginig ang masel pati kalamnan

Maga ang tonsils pati ngala-ngala
Masikip ang dib-dib, hindi makahinga
Yellowish at brownish ang plemang malagkit
Slimy ang dura, sa ding-ding kumapit

Antaas ng araw pero naka-jacket
May laway ang unan, may sipon ang blanket
42 degree-celsius, nag-hallucination
Umakyat sa bundok, sa balon tumalon

Nabo-bore sa kwarto walang ibang magawa
Uupo, hihiga, tatayo, dadapa
Nanuod ng TV, ang sabi ay ganto'
Babangon ka sa flu kapag bio-flu.

27 comments:

Joel said...

nag promote lang pala ng bio flu hehe

HOMER said...

ahaha!! bio-flu!

I think I need that! May sakit ako.. :D

mish said...

cool na tula... medyo kadiri, pero ayos lang. ganun talaga pag may luvnat!

Niqabi said...

hehehe kala ko magtatackle pa ng pathophysiology ng flu.. un pala endorser ka na lolo.. autograph naman po.. :P

o pano ingat palagi ha?..dahil bawal magkasakit..clusivol at biogesic :D

ACRYLIQUE said...

Ahehe. Lahat ng sintomas na yan. Bio-flu lang ang katapat. haha

patola said...

waahhaha.. you're so funny talaga.. nyahahaha... pwede tong pang advertisement...laughs =))

pag may lagnat ako eh, binibilhan ako ng parents ko ng kung ano anong masasarap na foods kahit alam nila na walang panlasa kapag may sakit... hihihihi..
pero kapag walang sakit, asa pa na bilhan nila ako ng masasarap na foods... wahahahahaha...

ganda ng tula,... informational naman.... pero all in all... nakakatawa... =)

Hari ng sablay said...

pagaling ka pre,kaw ba yun?yung may sakit?hehe

Goryo said...

@ kheed : hehehe di naman, wala lang maisip na pwedeng i-rhyme sa word na ganto'

@ HOMER : better buy and drink para maagapan ang sakit. hehe

@ mish : kadiri ang luvnat!!?

@ Niqabi : pathophysiology highfalutin medical term to ah. ingat ka din jan mare. Tanong ko lang me nabibili bang bio-flu, clusivol at biogesic jan sa lugar mo ?

Goryo said...

@ ACRYLIQUE : bio flu at sanlinggong tulog ang katapat.. ahihi

@ patola : sure ka bang foods ang binibili sayo ng Feyrents mo? akala ko abono o pataba kasi isa kang patola.. nyay!!! hehehe joke lang

@ HARI NG SABLAY : di ako un dre, si Tikyo yata yan..

keb said...

Nahhah! ayos!

keb said...

hahah! ayos ah!

Mish said...

goryo, napatawa ako dun. nde naman ang luvnat ang kadiri. yung mga sintomas lang. hehe.

Anonymous said...

hahaha! ayos to ah. baka yumaman ka dito chong!

Goryo Dimagiba said...

@ Mish : ang alam kong Simtomas ng Luvnat eh tighiyawat sa ilong pati na sa pisngi... sa kakaisip sayo tighiyawat dumadami...

@ chikletz : lybirds eto chikletz eh.. in short Libre... =)

Yami said...

Shucks! parang ganito ang symptoms ng mga anak ko ha. sana hindi naman. :(

Napunta ako dito thru Clarissa. Nakakatuwa naman ang site mo Mang Goryo. :D

Celine said...

bandang huLi commerciaL. haha. nice astig. inspiration tLga ung h1n1.

Unknown said...

lols.... this is funny ang yucky lols...
and it hits reality !
thanks for the comment you left for my " fire nymph "
I just used MS paint program :D

have a great day sir!

Goryo said...

@ Yami : unahan na yan.. painumin na ng bio-flu.. get well soon..

@ CHONG x] : pwede nabang maging indorser si Goryo?

@ ~ Maria ~ : talaga paint lang ang ginamit mo sa mga work of art mo? husay!!!

sweetham said...

waah kuya bakit mo ito naisipang gawin?? Bioflu ba? Mala-John Lloyd ka rin pala, hanep sa pag-advertise. very creative! :)

LOL. Mejo kadiri lang ung pagdescribe mo sa sipon. Hahaha.

Kuya, thanks for the vote ah.

xoxo

Rcyan said...

siguro nilagnat ka, noh? heheh.. ang buhay nga naman.

akala ata nila may ah1n1 ka na. =D

Goryo said...

@ sweetham : nagawa ko ito sa opis nung minsang mejo masama ang pakiramdam ko.. pero dipa uso ang ah1n1 nun..

@ Rcyan M. : wala akong ah1n1, si Goryo pa!! para ano pa't Dimagiba ang apelyido nya, diba? ahihi

bahaw said...

parang alam ko kung sino nag turo sayo nyan ha,,,parang galing ka sa School of Rap,,,titser mo si Master Balagtas....cool

Goryo said...

@ bahaw : mr balagtas na titser? hmmm pwede!!

pheng :-) said...

astig ang galing!

Mickey said...

Galing mo talaga Brod! Idol talaga kita sa mga ideolohiya mo! Lagay mo lahat dito mga bunga ng malilikot mong pagiisip... Kung nabubuhay ka lng sa panahon ni Rizal baka isa k din sa mga miyembro ng himagsikan sa panunulat! hehehe... Mabuhay ka Kajo!

Goryo said...

Mabuhay ka din Ka-Micky!!! Idol din kita sa pag-gigitara at sa pagdiskarte sa mga chika-babes. Kung nabubuhay ka din nung Panahon ni Rizal malamang magkaribal kayo ke Maria Clara at ke Josephine Bracken. Mabuhay ka KaMicky. (hehe - peace dude)

dear_diary said...

masyadong graphic..
pero magaling..
ramdam ko ang lagkit at sabit ng plema..