November 1, 2008

Goryo's Favorites


Interview with Goryo by IMBENTO magazine

Imbento: Bago natin umpisahan ang pagtatanong tungkol sa mga favorites mo, maari bang ibahagi mo sa amin kung ano para sayo ang buhay?
Goryo: Naniniwala ako sa sinasabi ng karamihan na ang buhay daw ay parang bato, it's HARD. Pero para sa akin, minsan para din itong bulak, it's SOFT.

Imbento: Ano ang favorite movie mo?
Goryo: Marami na akong napanuod na mga pelikula at ilan sa mga nagustuhan ko ay Batang-X, Juaquin Burdado, Petrang Kabayo, Anak ni Zuma at marami pang iba. Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay na ginanapan ni Jestoni Alarcon.

Imbento: Iniidulo mo ba si Jestoni Alarcon?
Goryo: Hindi ko idol si Jestoni pero mahusay ang pagkaganap niya sa buhay na bangkay. Hanggang ngayon inaantay ko na magkaroon ng sequel ang movie na yan, pero parang ayaw na nilang buhayin ang movie. Pinaplano ko na ngang sumulat sa Wish Ko Lang para i-wish na magkaroon ng Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay Reloaded, yung mala-Matrix na bangkay na kayang gayahin ang kilos ni neo. Re-request ko din na magkaroon ng Batibot The Movie.

Imbento: Hahaha, bakit gusto mong magkaroon ng Batibot The Movie?
Goryo: Since hindi na nila maibalik yung show. Siguro mas-OK kung gumawa nalang sila ng movie na pwedeng ipasa from generation to generation.

Imbento: Bakit naman?
Goryo:Influential kasi ang mga characters ng show. Naniniwala ako na maraming tao ang naimpluwensyahan at nahubog dahil sa show na yan. Ang impluwensya ni manang bola kay madame Auring ay hindi maikakaila. Ang boses ni Kiko-Matsing ay nananalaytay at dumadaloy sa esophagus at vocal chords ni Renz Verano. Ang epekto ng pagbabasa ni Kapitan basa ay na-adopt ni Bro. Ely Soriano. At ang kadal-dalan ni Irma dal-dal ay na-absorb naman ni Cristy Permin at ni Lolit Solis. Ilan lamang sila sa napakaraming tao na nahubog dahil sa Batibot.

Imbento: Speaking of Batibot, ano ang pinakapaborito mong childrens' show nung bata ka?
Goryo: Mismo, Batibot nga. Hangang-hanga ako kay Kapitan Basa, hindi lamang sa galing nyang magbasa kundi sa galing niyang lumipad, para lang siyang bola ng table tennis na ibinato papalabas at papasok sa bintana. Nakakalungkot nga lang kasi wala na yung show na yun. Marami na siguro kasi ang nagbago. Malamang si Kuya Boji e Lolo Boji na, si Ate Shiena naman Lola shiena na siya. Kahapon galing lang ako sa barber shop at pinag-uusapan si Pong-pagong.

Imbento: What about Pong-pagong?
Goryo: Sabi nila ni-recruit na daw siya ng mga Ninja Turtles. Buti pa siya nakapag-abroad na. Good for him.

Imbento: Ano ang favorite color mo?
Goryo: Blue. Relaxing kasi and at the same time peaceful at puno ng buhay ang kulay na yan.

Imbento: Favorite food ni Goryo?
Goryo: Lahat naman na pwedeng kainin kinakain ko, wala akong pinipili. Pero technically sa tingin ko ang pinakapaborito ko talaga ay kanin. Kasi bata pa lang ako yan na kinakain ko tatlong beses araw-araw at hanggang ngayon di pa rin ako nagsasawa sa pagkaing yan.

Imbento: Favorite fruit?
Goryo: Nung bata ako, nagagandahan ako sa kasabihan na "An apple a day keeps the doctor away". Apple sana ang favorite ko, pero since hindi naman mayaman ang parents ko, kamote lang ang nakakayanan nila para sakin. Kaya lang - "A Kamote a day keeps people away". (Sabay utot...)

Imbento: Ganun ba? Ahh.. Uhhmmm... Sige magpapa-alam na kami. Ituloy nalang natin ang interview sa ibang araw.
Goryo: Wait, sandali lang...


To be continued...